Tired but happy and satisfied

Hul 31, 2008

Ang saya ng cosplay competition sa Japfun ng UP kanina sa Aldaba Hall- na muntik na naming di makita kung hindi lang dahil sa tarpaulin sa building. Nandoon sina Noh, Maripi, Claire, Rachel B./Mimi, at Russel. Nandun nga rin pala si Alodia, yung sikat na cosplayer (at pati na rin si bonnet guy na hindi ko gaano nakilala dahil wala siyang bonnet).

Nagpasundo na lang ako kina daddy kasi mahirap daw sumakay pauwi galing ng UP. Buti na lang ok lang sa kanila.

I spent my morning with my friends in Ateneo. I spent half of my afternoon with cosplayers. I spent my evening with my high school friends. Wow. What a day! =)

Nasasabik na akong makita yung mga pics!

Writer's Block

Hul 27, 2008

Ehem...

Manunulat ako pero hindi ko lubusang alam ang ibig sabihin ng writer's block. Ang alam ko lang iyon yung nangyayari sa mga manunulat kapag nagsusulat sila tapos bigla na lang mawawala yung susunod nilang ideya. Naglalaho ang mga salita. Napupuno ng makapal na usok ang paligid, at magiging blangko ang lahat.

Kanina, parang ganiyan yung nangyari sa kin. Nagsusulat ako ng paper sa Sociology and Anthropology at sa Filipino (oha, sabay yan!) nang magka-writer's block ako (applicable pa ba yun?). Kaya ang ginawa ko, nagsulat uli ako. Hehe, ganun talaga ako. Kapag naii-stuck ako sa isang project, magsusulat ako sa journal ko hanggang sa magka-ideya uli ako. Malas kung hindi dumating yung ideya. 'Eto yung nagawa ko kanina
:


It’s a rainy, rainy Sunday here in Cavite. I wonder if it’s also raining in San Mateo.

I just finished my SA paper about my sociological imagination. It was not that thought of, but I think it’s miles away from being crappy. And the hell, I won’t cram it tomorrow! Thank God.

I’m still halfway through my Fil paper. But I am sure that I’ll finish it today. If not today, maybe tomorrow. I can pass it ‘till 5 on Tuesday, so I can finish it tomorrow then print it on Tuesday morning. But at least I’m half done.

My head’s aching. Maybe it’s because of the bright screen of my laptop. Geeeshhh…should have brought my sunglasses.

I still have to study Theo. Have to read the readings. Then answer the prelections. Then study them. Then study them. Then study them…

How was the GA last Friday? Oh, it was fun, really. Even if I didn’t feel good, I managed to see the fun in it. Just imagine me signing up for my attendance while I’m holding my breath to keep the phlegm in my nostrils from running down.

I’ve never been surrounded by so many writers and artists – o well, with exception of my block mates’ company in our Intact sessions, Aesthetics classes, and Creative Writing classes.

Gah. So happy. So happy. So happy.

See the video of Twisted Halo’s Breakable.

Search “Stickman Exodus” in youtube.com (or “Stickman Exodus Sex Ed”).

Drink Gin. Grapefruit flavor. Welcome to the bitter heaven.

Make playlists. Then play it in shuffle mode.

Write while you’re watching TV while you’re listening to your media player.

Stalk him!!!

Get your Grandma’s sandals. She gave it to you anyway.

Be the food taster of the day, even if you have a cold and your senses are 50% useless.

Steal two Magic Flakes from your grandparents’ cupboard. You’re hungry, what choice do you have?

Continue writing, despite the fact that your head aches and that you have something more important to write.

Eat.You need food in your system. Maybe your uncle’s right. You’re studying too much and you’re risking your health.

*singhot

Hul 25, 2008

Mukha naman akong emo ngayon kahit na nakapula ako at girly-girl ang dating. *singhot. Paano naman kasi, *singhot, may sipon at tonsilitis at ubo at report sa aesthetics at problema sa attitude ko (kailangan ko yata ng footnote dito, kasi may source).

Kung kagabi grabeng sakit ng tonsil ang naranasan ko, ngayong umaga naman bukod sa tonsilitis ay sipon, pag-uhog (eewww), ubo, at pananakit sa parehong tenga ang nararamdaman ko.

Ayoko sa lahat ay yung sisinghot-singhot ako. Dyahe. Tapos dalawa pa ang dala kong twalya. Yung isa pang-alalay sa uhog, yung pangalawa pangsipon.

Naalala ko tuloy nung UPCAT, ACET, at USTET. Nung UPCAT ko, yung katabi ko may sipon (nakaka-distract, promise!). Nung ACET, yung nasa likod ko naman (OK lang, guwapo naman e). Nung USTET, nasa tabi ko rin (metrosexual dude).

Naaapektuhan din ang mga pagkilos ko. Ang bagal ko ngayon, siguro dahil sa pananakit ng mga tenga ko. Nasa tenga natin yung balance ng katawan di ba? Hindi ako makangiti at sumasakit na bagang ko dahil sa sakit sa lalamunan. Inaantok ako dahil sa sipon ko. Ayokong magsalita pero pasalamat na lang ako na kaya ko pang magsalita.

At pakingsyet, report namin sa aesthetics ngayon. Hindi ko ramdam. Sa palagay ko, hindi 'to big deal na kailangan sobrang gandahan. Maayos, oo. Pero bongga? Ayokong magkabisa ng lines, hindi naman sila makikinig e. Tapos nahihirapan pa akong magsalita.

Pero kanina sa bahay, bago ako umalis, nag-sound trip muna ako. Nag-stick sa utak ko yung kantang Life is easy ng Urbandub. Nakalimutan ko kasing may sipon ako nung pinakikinggan ko yung kanta. Ang summer kasi ng feel...parang walang bagyo, parang wala akong sipon, parang walang worries tulad ng report sa aesthetics at mga papers.


Life is easy
URBANDUB

Check the waves
Crashing down right by the sand
Feel the water go through my empty hands
Cuz today is mine
No troubles in my mind
Out this cynical world, ooh
Out this cynical world
Today we ride the waves

Riding on the curl
Straight into the shore
Take it easy, take it easy
Under the sun
Having fun cuz life is easy
Life is easy, Life is easy

I don't really care what people say
Cuz they really don't know me anyway
Cuz today is mine
No troubles in my mind
Out this cynical world, ooh
Out this cynical world
Today we rule the waves
My mind is free today
The tides they center my soul
Time and time and time and time again

Life is easy, Life is easy, Life is easy

Riding on the curl
Straight into the shore
Take it easy, take it easy
Under the sun
Having fun cuz life is easy
Life is easy

Riding on the curl
Straight into the shore
Take it easy, take it easy
Under the sun
Having fun cuz life is easy

Life is Easy, Life is easy, Life is easy


Hay, masarap maniwala. Wala namang mawawala.

Busy

Hul 24, 2008

  • Nangangapal ang lalamunan ko. Siguro dahil 'to sa ininom kong strawberry iced tea sa caf kanina. Muntik na kasing lumabas sa ilong ko nung tumawa ako at nasamid. Simula nun, nakaramdam na ako ng plema na nakadikit sa ngala-ngala ko. Tahimik nga ako sa klase sa Fil, kasi nahihirapan na akong magsalita. Hahantong yata 'to sa sore throat.
  • Tatlong oras kaming nakaupo sa caf at nagkwentuhan tungkol sa mga walang kapararakang bagay pero totoo namang educational. Nagdiskusyon din naman kami tungkol sa mga dulang pinanood namin noong nakaraang linggo, yung Tarong ng Entablado.
  • Do not associate a purple blouse with a purple underwear. =|
  • Hinarasss nila yung bag ko: hinanapan ng mga phallic at ionic symbols, hinipo, pinisil-pisil, kinapa, pinaglaruan, hinimas-himas...at pakingsyet, kailan pa nag-vibrate ang isang Cream Silk spritz bottle? Iba talaga ang mga utak ng creative writers - mga soon-to-be-slaves-of-literature. Grabe ang imahinasyon.
  • Ok, hindi ko alam kung paano magrereport bukas sa Aesthetics. Tungkol sa Reproduction and Art kasi yung report namin. Ako ang magre-report ng pregnancy and offspring in art at ng philippine context ng bawat art sa sex.
  • GA ng Heights bukas.
  • Kailangan ko nang simulan lahat ng papers ko.

Mga Leksiyon

Hul 23, 2008

  • Kapag magse-search (stalk) ng mga tao sa Multiply, siguruhing naka-log-out sa Multiply.
  • Wag kalimutang isuot ang ID pagkatapos ng PE.
  • Wag iwan ang stapler sa kung saan-saan.
  • Wag masyadong kumain ng Jollibee kasi nakaka-beke (yung sa lymph nodes, kung di ako nagkakamali).
  • maging pasensyosa sa dot matrix na printer.
  • pwede rin palang magpa-photocopy nang higit sa 20 pages sa express photocopying (sa lib 2nd floor) basta't may bendisyon ng nagfo-photocopy sa general circulation 2nd floor.
  • ang busol ay ang doorknob.
  • wala akong karapatang mangdusta ng gawa (isinulat) ng iba.
  • mag-aral sa Histo Long Test (I fucked up my first long test, but I don't feel any sense of regret and guilt about it. I'm not being boastful, but it's not normal for me to get 74 out of a hundred. And based on the grading system I got used to in high school, 74's a failing grade. I didn't even got 75, which is the pasang-awa grade.)
  • pag-isipan nang mabuti ang Histo reflection paper. (I also did a terrible job on writing my first reflection paper in Histo. I got 16/20 while a lot got perfect scores. I'm not being grade-conscious, it's just the need and the habit to get something higher than the average.)
  • more coming up...

First Offense

Lumapit yung guard sa akin. Sabi niya, "Miss, ID niyo?"

At narinig ko mula sa di-kalayuan ang pagsigaw ni Master Pogi ng "Oh, HINDEEEEEEE!!!!!" Shit. Naunahan niya akong sumigaw.

Galing ako sa Covered Courts kasama ang isang kaibigan. Sa CTC na ako nagbalak na magbihis kasi marami nang tao sa CR ng CovCourts. Nang biglang lumapit nga sa amin yung isang guard at tinanong na ako...

Nakalimutan kong isuot yung ID ko paglabas ng CC. Paano naman kasi, nagbago ng setting yung Tai Chi class namin. Imbes na sa MPR, sa court kami nagklase. Imbes na sa CR sa CC ako nagbihis, sa CTC ako pumunta para magbihis. Nawala yung usual pattern ng umaga ko. Pero ayos lang naman daw, sabi nung guard sa akin, kasi una palang 'to. Sorry naman nang sorry yung kaibigan ko kasi siya yung nag-suggest na sa CTC na lang ako magbihis. Pero ok lang. At least may experience na ako (ang pait naman ng experience na 'to).

Tuwing papasok ako, paulit-ulit kong tinitingnan sa bag ko kung dala ko nga yung mga gamit na kailangan ko, partikular na ang ID, Wallet, susi ng kwarto ko, at mga notebook at libro. Paulit-ulit, pero hindi sing-kulit ng mga certified OCs. Paranoid lang ako.

Kanina, masyado akong naging carefree. OK lang, minsan lang naman e. At least may isa na naman akong traumatic experience (exaggerated, alam ko) na tiyak na magiging leksiyon sa akin.

+++

Naiwan ko yata kahapon yung stapler ko sa CTC 313. Ewan ko kung may mababalikan pa ako kung babalikan ko. Sayang, malaki pa man din ang tulong ng stapler na yun sa buhay ko (simula nung high school, naging mahalaga na sa akin ang stapler sa aking buhay-eskuwela). Sayang, kasi ang dami ko pang staples dito sa bahay.



Para sa mga Atenistang interesado. =)




HEIGHTS

Call For Contributions

WANTED : Short Stories, Poems, Artworks

Art Gallery Theme : NOSTALGIA

Deadline for the 1st batch : August 15,2008

Submit your works at the Heights Room

located at the Publications Office G206

Download a contribution form here :

http://www.heights- ateneo.org/

Contributions may also be

sent through e-mail :-)

heights.english @ gmail.com

heights.filipino @ gmail.com


O pwedeng ibigay niyo sa akin tapos ako na ang magpapasa. Salamat!


Marami ang nangyayari sa loob ng dalawang minuto

Hul 22, 2008

pero mas maraming nangyayari sa loob ng dalawang araw. Part 2.

Martes

Late na naman ako ng gising pero mabilis akong kumilos kanina at saktong umalis ako ng bahay nang mga 6 o 6:10. Naglalakad pa lang ako papuntang simbahan may Katipunan FX nang dumaan. Sa sobrang gulat ko, hindi ko na-para. Pero hindi naman nakapanghihinyang kasi may sumunod naman agad.

Sakto lang ang dating ko sa Katipunan. Hindi ako late para sa Socio Anthro. Nagpasa kami ng topic proposal. Ang topic namin generally ay tungkol sa mga Cosplayers, at mas excited pa yung mga kaklase namin kaysa sa aming magkakagrupo.

May nanlibre ng suman, nagkwentuhan tungkol sa mga iba't ibang klase ng suman, nagdiskurso tungkol sa mga kakanin, at nagpapak ng asukal.

Histo meeting. Kami lang dalawa ni Carissa, pero ok lang. Gumawa kami ng outline. Naghati na ng mga workload. Humiram ng mga libro. At nagkwentuhan.

Kinuha ko na nga rin pala yung mga natitirang pahina ng mga photocopies na hindi ko nakuha kahapon.

Kung ang tawag nila sa akin sa NSTP ay "Ate Ghurl," ang tawag naman niya sa akin ay "yung blockmate niyo na malalim mag-Tagalog."

Drained ako dahil sa pagbabago ng sked, wala kasing CW. Hindi ako makausap nang matino ni Sir nung Fil.

Naiwala nila yung 128 mb ko na USB. Ayos lang, pero kailangan ko ng USB kaya pinahiram muna nila ako.

Ngayon lang uli ako nakakita ng dot matrix printer. Isa't kalahating taon na. Expert na ako sa mga ganiyang printer, paano ba namang hindi e nung 4th year panay ang paprint namin sa library ng draft ng research namin at paghahapit na rin ng mga project sa TLE.

Umulan bigla. Hindi inaasahan.

Medyo lutang ang utak ko ngayon. May galit yata sa akin e. Hindi ko naman alam na negative yung dating nung sinabi ko. Nagsign-out nang di nagpapaalam (sa gitna ng pag-uusap) at ngayon ay online uli pero takot akong kausapin siya. Shit. Ayoko ng ganito. Sana nga na-disconnect lang siya. O sana bukas makalimutan na niya yung sinabi ko. Ito kasi ang hirap kapag masyado na akong nagiging palagay...hindi ko na nababantayan yung mga sinasabi ko. Hindi ko naman alam na seseryosohin niya. Hindi ko naman alam na ganun siya ka-sensitive.

Sige na nga. Huling banat na lang. Sisiguruhin ko lang na di siya galit. Tapos kung galit de sorry na lang ako. Kung hindi, sorry pa rin. Ayoko kasi ng may kagalit.


Tapos mag-aaral na ako. Kasi mas maraming nangyayari sa loob ng tatlong araw.

Marami ang nangyayari sa loob ng dalawang minuto

pero mas maraming nangyayari sa loob ng dalawang araw. Part1.

Lunes

Nagsuot ako ng pink na blouse.

Nag-cut ako sa Tai Chi kasi late na akong nagising at talaga namang napakahirap sumakay. Halos isang oras akong naghintay ng masasakyan sa harap ng simbahan. Sa jeep na ako nakasakay at doon nagbasa ng readings para sa long test sa western history kahit na mahangin at masikip.

25 ang siningil sa akin ng konduktor. Dapat 20 lang pero alam kong wala akong laban sa konduktor kaya hindi ko na sinita.

Pagbaba sa Petron, may nakita akong isang taong nakatalikod. Naglalakad habang sinusuot ang bagpack sa likuran. Pucha, kilala ko yun. Kaya binilisan ko ang lakad ko para mahabol siya. Mabagal siyang maglakad kaya mabilis ko siyang naabutan. Nag-HI ako sa kanya, kinamusta niya ako. Katahimikan.

...

...

...

"Magkano na'ng pamasahe mula sa inyo?"

At nagkwentuhan.

Nagpapasalamat ako dahil late akong nagising para sa TaiChi, dahil mahirap sumakay sa harap ng simbahan, dahil isang oras ang biyahe kung Cubao jeep ang sasakyan, dahil tanga ako at 1 PM ko sinet ang alarm ko, dahil hindi ako nag-aral agad para sa histo long test, at dahil naglakas-loob akong habulin siya sa sidewalk na bumabagtas sa Katipunan.

Hindi ko alintana ang hirap ng histo long test. Hindi ako nanghinayang at hindi ako nagsisi dahil sa hindi ko pag-aaral. Positive ang outlook ko buong araw. Mabait ako sa mga tao. Masayahin ang dating ko. Tumulong ako sa dalawang concept papers ng section namin para sa Buwan ng Wika. Pagdating ko sa bahay, ako ang nagsaing. Nag-set ako ng goal para maisulat ko na yung base ng kanta namin para sa Patimpalak. Nice. Hindi ko 'to malilimutan. Sana maulit pa. Sana dumalas.

"May gaganda pa ba sa araw na 'to? Wala na. Wala pa."

oh my gawd part 3

Hul 20, 2008

Oh well. I could just make zillions of blog entries entitled "oh my gawd part n."

Even if it's irrelevant, stupid, and dumb.

Because.

+++

Finally finished rewriting my western history notes. BUT I haven't read my readings yet. Oh no, don't tell me I'm not gonna sleep tonight? Or should I cut my PE tomorrow? No. No. No. Neither? Fuck.

Oh please would someone tell me what's happening to me? I am not usually like this.

Am I still disturbed with the plays that I have watched last Friday? No...

Is this because of the itching sensation the chain necklace - that I borrowed and wore around my neck all afternoon last Friday and which I forgot to give back - brought to my neck? Probably not...

Or is it because of the pain that I feel in my womb? The gushing of warm blood in between my thighs, threatening to stain the existence of my green patterned shorts... - maybe.

As red circles fill my whispers, maroon chunks of soft mallows spurt out and breathe the world. It was relief and suffering at the same time.


Maybe...

Maybe.

oh my gawd part 2

Still can't get over Ping Medina (why oh why do I have to like someone NOW when things are messily piled and stucked inside my head?). Fuck. And I need to rewrite ALL my notes for western history and read FOUR THICK CHAPTERS of photocopied readings for the long test tomorrow. And what? I also volunteered to do the miniature scale of our float in our Sagala '09 proposal.

How? Now I ask myself. How?

I am trying to think that I should have all my TENTATIVE answers typed here before my laptop battery gets drained.

But, the hell, sorry. I have no idea.

To make things more depressing, here is a list of things I should have done and/or should be doing now:

  • the lyrics for our entry to the songwriting competition for the coming Buwan ng Wika.
  • reviewing for the long test in western history tomorrow
  • the miniature scale float for Sagala
  • reading the pieces that I am required to read for the deliberation in Heights this coming Wednesday
  • reading Cubao Midnight Express by Tony Perez for Heights (but the photocopied book still costs too much! well, at least for me who has to deal with fare hikes EVERYDAY. My fare alone scrapes off half of my daily allowance; I have to skip meals just to provide money for extra somethings like printing papers (our printer died just recently) and photocopying loads of readings, half of which I don't read. Lucky me I haven't experienced doing the famous 1,2,3 in jeepneys and fx taxis.)
  • my Fil paper, as long as the plays in Tarong are still fresh in my mind
  • studying Ping Medina's life (haha, for our topic proposal in our Fil documentary NOT for personal purposes. oh fine. as well as for my personal pleasure.)
  • a bath (yes, i haven't taken a bath. so what? it's a Sunday and i am definitely not going out of the house. and i don't smell. i'll take a bath after i rewrite my notes in Western History. i'm busy, you see.)
Battery's going down. Should be going.

oh my gawd....


...crush ko na si Ping Medina. shet.

Matagal ko na siyang napapanood at nakikita sa TV: sa mga indie films tulad ng Anak ng Tinapa, sa mga music videos (hindi ko lang maalala kung anong music video; noong may channel 41 pa), at marami pang iba. Hindi ko nga alam pangalan niya e, basta pamilyar yung mukha niya kasi madalas ko siyang makita sa TV.

Noong Huwebes, nag-usap kaming magkakagrupo sa Filipino 14 tungkol sa dokyu na gagawin namin tungkol sa isang tao na may mala-epikong buhay (ayon sa labing-isang anda ni Isagani Cruz). Ang napag-usapan namin noong Martes ay si Bamboo. Pero marami pang suggestions si Raffy, at isa na roon ang taong nagngangalang Ping Medina.

Pamilyar lang sa akin yung pangalan. Sabi ko pa nga nung una, parang pangalan ng comics illustrator (meron kasi akong kilala na may apelyidong Medina na magaling gumuhit).

Tapos parang napagtagpi-tagpi ko yung mga naaalala at nalalaman ko sa mga sinabing descriptions ni Raffy tungkol kay Ping Medina, na anak ni Pen Medina. Ah, siya pala yun...

At eto ako ngayon, na nakiki-crush sa kanya (maraming may gusto sa kanya e!).

Argh. Ano ba yan.

sina Chubs at Tiny

Hul 18, 2008

Narito ako sa harap ng computer screen at sinisigurado ang aking existence. blublublublup....=P

+++

Woah. Napaka-busy naman o. Bukod pa kasi sa mga schoolworks at projects, may mga extra-curricular activities na rin ako (hello org life).

---

Okay naman yung first long test sa Theology. Hindi kasindaksindak, pero mahirap pa rin syempre (sa totoo lang, ang mahirap ay ang pag-aaral, hindi ang pagsasagot sa test).

---

CW: so far, so good. Dalawang linggo ang freecut namin dito.

---

TARONG: gusto ko lahat ng mga dula sa Tarong - na pinanood namin kanina (11pm na ako nakarating dito sa bahay). Nakakatakot yung una, malungkot yung pangalawa, nakapangingilabot/nakababagabag yung pangatlo ("ano? ba't di mo masabi? dyahe ka? dyahe ka?")

Ayokong magsulat tungkol sa mga dula ngayon, kasi baka ma-overwhelm ako at hindi ko na magawa nang maayos yung talagang paper ko tungkol sa mga dula.

---

Inaantok ako. Hindi totoong di ako makakatulog dahil sa mga nasaksihan ko sa pangatlong dula (pero paiyak na ako kanina nung...ano...uhmm...wah!)

---

May NSTP pa bukas. Argh, pagod ako. =(

---

Pssst...












what?











blublublublup...=P




Ito pala ang buhay Org

Hul 16, 2008

Kahit na hindi naman talaga org ang Heights at Comelec, samahan pa rin naman ang mga ito kaya mas magiging madali para sa akin na tawagin silang mga org - at kung tutuusin naman ay hindi pa naman talaga ako member ng Heights, isa pa lamang akong aspirant.

AMP
Akala ko hindi ako papasa sa AMP bilang parte ng docs and pubs. Wala kasi akong alam sa mga music blogs, at medyo sabog ang pagsusulat ko pagdating sa mga reviews. Pero opisyal na nga akong manunulat ng AMP. Bukas nga ay may interview akong gagawin. Makakapanayam ko ang bandang Tonight We Sleep. First time 'to.
Bukod sa interview bukas, may mga event na hindi pwedeng hindi ako pupunta. Syempre, para makapagsulat ako tungkol sa event, dapat nandun ako. Duh. Obvious ba?
All in all, busy.

COMELEC
Day group lang naman ako. Aaminin ko, kaya ako sumali dito ay para sa service hours ko. Pero masaya rin naman, kasi makakakilala ako ng ibang mga tao. Nakakawala ng sobrang hiya, totoo yan. Lalo na nung nag-room to room announcement ako. Limang klase rin yun ng mga freshmen, at limang mga guro - dalawa ang kilala ko. Nagulat din ako sa tatas ng Ingles ko nun. Haha, scripted naman kasi. Hindi nga pala kasama sa service hours ko yung room to room announcement ko. Hindi ko pa matantiya kung gaano ka-busy ang sked ko sa Comelec.

HEIGHTS
Unang meeting ng bagwisang Filipino kanina. Doon, nakilala ko nang personal si Wyatt Ong, kasapi ng Heights sa English department. Starstrucked naman ako, may nabasa na kasi akong gawa niya. Tinanong niya ako, "Are you single?" Sabi ko, "Yes" - sabay ng isang matipid na ngiti. Tapos inangat niya ang isa niyang kamay para umapir sa akin, "Now's a great time to be single!"
Bilang isang aspirant, kailangang patunayan ko na karapatdapat akong maging miyembro sa pamamagitan ng pagpapatalas ng aking kakayahan sa pagaanalisa ng mga akda, partikular na sa paggamit ng pormalistikong pananaw. Bukod pa roon, kailangang maging active ako.
Super Mega Busy to the highest maximum level.

+++

Tinanong ako ni Brandz kung anong genre ko sa pagsusulat. Fiction ang isinagot ko, yun kasi ang pinili kong aralin sa susunod na semestre. Bale, yun yung una sa dalawang genre na bibigyan ko ng pokus. E bakit naman daw mga tula ang ipinasa ko?

Tinanong din ako ni Walther kung anong specialization ko sa pagsusulat. Dahil totoo naman na hindi ako sigurado, sabi ko sa kanya "di ako sure." Taglish pa. Nakakahiya.

Isang member, si Kat. CW din siya pero third year. Palagay ko naging prof din niya si Sir Brion.

Heights online contribution

Tumingin ako sa salamin

Hul 15, 2008

At ano ang aking nakita?

Isang tao. At marami pang iba.

+++

Hiningan nila ako ng titik para sa isang kanta. Wala akong naibigay.

Ilan na ba ang naisulat ko? Higit pa rito, ilan ang maganda sa mga naisulat ko na?

16/20 lang ang reflection paper ko sa History.

Hindi ko matapos-tapos ang sinimulan kong maikling kwento/novella.

Tumingin ako sa salamin, tinitigan ang sarili, sabay nagtanong, "Creative Writing student ka ba?"

+++

Sinubok kong magsulat ng tula tungkol sa pag-ibig. Ang alam ko, nangako ako na hinding-hindi na ako susulat pang muli ng mga tulang tungkol sa mga bagay na hindi ko labis na naiintindihan. Partikular na ang pag-ibig. Pero, haha, ginawa ko pa rin:

[walang pamagat, pero sige na nga...]

hindi ako emo [aba, pinag-isipan ko yan nang mabuti ha]

Pagkagising sa umaga
Ikaw ang naaalala
Sa pagdilat mo kaya'y
Ako ang nasok sa isipan?

Humihiyaw ang puso kong ito
Sinisigaw ang di masambit sa iyo.

Hindi ako emo
Hindi ako posero
Ngunit anong lungkot ang nadarama
dahil imposibleng tayo.

Ang sama ng reaksyon sa mukha ni Fourth nang mabasa niya ito. Haha, ang baduy, shet. Pero gusto ko yung dalawang huling stanza. Cliche nga lang yung pangalawang stanza. Yung pangatlong stanza, sa palagay ko ay may KONTING pagpapasaring sa mga emo at posero. Lahat naman kasi ng tao ay nakararamdam ng lungkot. Hindi lang limitado sa mga taong saklaw ng genre na emo ang pagiging malungkot at suicidal. Pwede ba, natural lang yun sa mga tao. At dahil tao rin ako, at madalas ay inaalipin ng sariling puso't damdamin, inaalay ko ito kay happy crush:

Hindi ako emo
Hindi ako posero
Ngunit anong lungkot ang nadarama
dahil imposibleng tayo.

Bloghopping

Hmmm...sa totoo lang, naiinis ako. Naiinis ako sa ibang mga blog. Yun bang magaganda yung layout, hindi lang basta html. Baka css. Tapos may flash pa. Taob naman 'tong blog 'to. Kawawa naman.

Tapos puno ng kung ano-ano yung mga sidebars nila. Ads, blogroll, icons, friends, pictures, etc...

Nominado pa sila sa kung ano mang blog contest na base sa boto ng mga mambabasa.

Anong klase...

Iniisip ko tuloy na di ako karapatdapat na tawaging "blogger."

Naalala ko lang yung nabasa ko sa Stainless Longganisa (yata) ni Bob Ong...tungkol sa mga taong matatalino. Wala raw sumeseryoso sa kanila. Sa tingin ko naman matalino ako =D, pero aanhin ko ang talino kung walang makatutunghay nito? Hindi ito pagyayabang, iyon ang nais kong linawin, kundi isang paraan ng pagkilala.

Sabi ni Sir Tenorio, ang blog daw ang nagsisilbing patunay ng mga tao ngayon na sila ay mga indibidwal. Ito ang nagpapaalala sa atin na tayo ay mga taong may kanya-kanyang identidad, buhay, problema, at pag-iisip.

Oo. Marahil nga.

Pero hanggang doon pa lang ang naiintindihan ko. Hindi ko alam ang punto sa pagkakaroon ng pinakasikat na blog sa world wide web, ng mga boto para umangat sa listahan ng mga pinakasikat na blog...

Sinubok ko dating maglagay ng site meter. Pero wala, na-depress lang ako.

Siguro naiinggit ako sa mga blog na napuntahan ko, kasi may mga nag-iiwan ng komento sa mga entries nila. May naglalaman sa mga chatbox nila. Ibig sabihin may nagbabasa. May bumibisita. May nag-aaksaya ng panahon para kilalanin ang mga gawa nila. Samantalang sa akin...Wala.

Hay, malungkot.

Isa lamang ako sa mga langaw na umaalialigid sa mundo ng mga tags at css codes, ng mga javascript at flash players. Sakto sa pangalan ng una kong blog: The Flyspeck.

Sana'y hindi dumating ang pagkakataong baduy na ang blogging - kumbaga sa sining ay kitsch.

Your Personality Type: The Harmony-Seeking Idealist

Hul 14, 2008

Your Personality Type: The Harmony-Seeking Idealist

Posted using ShareThis

Nakita ko ito sa blog ni Carlo Vergara. Haha, nakigaya naman ako. Take note of the words and phrases that are in bold and are italicized - which means they're true. =)

Harmony-seeking Idealists are characterised by a complex personality and an abundance of thoughts and feelings. They are warm-hearted persons by nature. They are sympathetic and understanding. Harmony-seeking Idealists expect a lot of themselves and of others. They have a strong understanding of human nature and are often very good judges of character. But they are mostly reserved and confide their thoughts and feelings to very few people they trust. They are deeply hurt by rejection or criticism. Harmony-seeking Idealists find conflict situations unpleasant and prefer harmonious relationships. However, if reaching a certain target is very important to them they can assert themselves with a doggedness bordering on obstinacy.

Harmony-seeking Idealists have a lively fantasy, often an almost clairvoyant intuition and are often very creative. Once they have tackled a project, they do everything in their power to achieve their goals. In everyday life, they often prove to be excellent problem solvers. They like to get to the root of things and have a natural curiosity and a thirst for knowledge. At the same time, they are practically oriented, well organized and in a position to tackle complex situations in a structured and carefully considered manner. When they concentrate on something, they do so one hundred percent - they often become so immersed in a task that they forget everything else around them. That is the secret of their often very large professional success.

As partners, harmony-seeking idealists are loyal and reliable; a permanent relationship is very important to them. They seldom fall in love head over heels nor do they like quick affairs. They sometimes find it very difficult to clearly show their affection although their feelings are deep and sincere. In as far as their circle of friends is concerned, their motto is: less is more! As far as new contacts are concerned, they are approachable to only a limited extent; they prefer to put their energy into just a few, close friendships. Their demands on friends and partners are very high. As they do not like conflicts, they hesitate for some time before raising unsatisfactory issues and, when they do, they make every effort not to hurt anyone as a result.



Adjectives which describe your type

introverted, theoretical, emotional, planning, idealistic, harmony-seeking, understanding, peace-loving, sensitive, quiet, sympathetic, conscientious, dogged, complicated, inconspicuous, warm-hearted, complex, imaginative, inspiring, helpful, demanding, communicative, reserved, vulnerable

These subjects could interest you

literature, philosophy, psychology, music, meditation, writing, yoga, art, astrology, drawing/painting, spiritual things, handicrafts

I'm singing in the rain...

Hul 13, 2008

Shet. Ang ganda ng balita. Sobra. No words can express how I feel tonight. Pero mali yun kasi bilang isang manunulat (eherm!) dapat mga salita ang pupunan sa mga blangko ng mundo.

Nag-text sa akin ang Heights, at ang sabi...
Magandang gabi! Iknalulugod kng ipmhagi ang magndang balita n tanggap k n s Heights! Magkkaroon tyo ng 1st Staff Mtg ngyng Miyerkules 430-530pm s Pub Rm*some text missing*


Haha, natutuwa ako. Hihihihi.

Kaya lang hindi ko alam kung ano ang katapusan ng text message. Ano yung "*some text missing*?"

Clashing yung 1st meeting ng Heights sa Amp Camp. Hmmm...paano kaya to?

The best things in life are free. Well, hindi naman totally free, kasi hindi mo "binili" directly. Tulad nito, may 100 pesos akong binayaran para makakuha ng application form. Oras, effort, etc...lahat dapat may kapalit, pero hindi kinakailangang direkta o inaasahan ang magiging katumbas ng mga kilos at gawa mo. Hay...basta, go girl!

Celebrity Collage by MyHeritage

Hul 12, 2008

http://www.myheritage.com/collage

MyHeritage: Family trees - Genealogy - Celebrities

Viddy Well

Tapos ko nang panoorin ang A Clockwork Orange; disturbing, reminiscent of V for Vendetta dahil sa futuristic approach (speculative fiction) at sa super English accent ng mga actors, liberating in a way, sexist (?), eery (pinakanakakakilabot yung first scene. mag-isa lang ako nung pinanood ko 'to.):



at unpredictable. It was based on a novel by Anthony Burgess.

I got this from http://fruitsofourlabour.blogspot.com. I think this is the list of Nadsat words used in the movie. Viddy well.

Nadsat Glossary

A

  • Appy-polly loggies - apologies

B

  • Baboochka - old woman
  • Bezoomny - crazy
  • Bitva - battle
  • Bog - God
  • Bolshy - big
  • Bratty, brat - brother
  • Britva - razor

C

  • Cal - shit
  • Cancer - cigarette
  • Cantora - room
  • Carman - pocket
  • Chasha - cup
  • Chasso - guard
  • Cheena - woman
  • To cheest - to wash
  • Chelloveck - man, gentleman
  • Chepooka - nonsense
  • Collocoll - bell
  • To crast - to steal
  • To creech - to scream
  • Cutter - money

D

  • Deng - money
  • Devotchka - girl
  • Dobby - good
  • Domy - house
  • To drats - to fight
  • Droog, droogie - friend

E

  • Eemya - name
  • Eggiweg - egg

F

  • To filly - to play
  • Forella - lady, woman

G

  • Glaz, glazzy - eye, nipple (in context)
  • Gloopy - stupid
  • Golly - coin
  • Goloss - voice
  • Goober - lip
  • To gooly - to go
  • Gorlo - throat
  • To govoreet - to talk, speak
  • Grahzny - dirty
  • Grazzy - dirty
  • Gromky - loud
  • Groody - breast
  • Gulliver - head
  • Guff - laugh

H

  • Hen-korm - pocket change
  • Horrorshow - good
  • Hound-and-horny - common

I

  • Interessovated - interested
  • To itty - to go

J

  • Jammiwam - jam, jelly
  • Jeezny - life

K

  • Kleb - bread
  • Klootch - key
  • Kopat - understand
  • Koshka - cat
  • Krovvy - blood
  • To kupet - to buy

L

  • Lewdies - people
  • Lighter - drinker
  • Litso - face
  • Lomtick - piece
  • To lovet - to catch
  • To lubbilub - to kiss


M

  • Malchick - boy
  • Malenky - little
  • Maslo - butter
  • Messel - idea
  • Mesto - place
  • Millicent - policeman
  • Molodoy - young
  • Moloko - milk
  • Moodge - man, husband
  • Mounch - food
  • Mozg - brain



N

  • Nadsat - teen
  • Nagoy - naked
  • Neezhnies - panties
  • Nochy - night
  • Noga - foot, leg
  • Nosh - knife

O

  • Oddy knocky - alone
  • Okno - window
  • To ookadeet - to leave
  • Ooko - ear
  • Oomny - smart
  • Oozy - chain
  • To osoosh - to wipe
  • Otchkies - glasses

P

  • To peet - to drink
  • Pischa - food
  • To platch - to cry
  • Platties - clothes
  • Pletcho - shoulder
  • Plot - body
  • Pol - sex
  • To pony - to understand
  • Poogly - frightened
  • Pooshka - pistol
  • Prestoopnick - degenerate
  • Pretty polly - money
  • To prod - to produce
  • Ptitsa - woman
  • Pyahnitsa - drunk

R

  • To rabbit - to work
  • Radosty - joy
  • Rassoodock - mind
  • Raz - time
  • Razdraz - angry
  • Razrez - anger
  • To razrez - to tear
  • Rooker - hand or arm
  • Rot - mouth
  • Rozz - policeman

S

  • Sabog - shoe
  • Sarky - sarcastic
  • Shaika - gang
  • Sharp - woman
  • Sharries - (expletive to be used with “kiss my –”)
  • Shest - barrier
  • Shilarny - interest
  • Shlaga - club, cudgel
  • Shlapa - hat
  • Shlem - helmet
  • Shoom - noise
  • Shoomny - noisy
  • Shoot - fool
  • Sinny - cinema
  • To skazat - to say
  • Skolliwol - school
  • Skorry - fast
  • To skvat - to snatch
  • Sladky - sweet
  • To sloochat - to happen
  • To slooshy - to hear
  • Slovo - word
  • To smeck - laugh
  • To smot - to see
  • Sneety - dream
  • Snoutie - mucus coming from the nose
  • To sobirat - to pick up
  • To spat with - to have sex with
  • Spatchka - sleep
  • Starry - old

T

  • Tashtook - handkerchief
  • To tolchock - to hit
  • Twenty-to-one - gang violence

U

  • Ultra-violence - rape

V

  • What was vareeting - what was up
  • Veck - man, guy
  • Veshch - thing
  • To viddy - to see
  • Voloss - hair
  • Von - smell
  • To vred - to injure

Y

  • Yahma - hole
  • Yahzick - tongue
  • Yarbles - testicles, bollocks
  • To yeckat - to drive

Z

  • Zheena - wife
  • Zlook - ring, sound
  • Zooby - tooth





The week never ends.

Hul 11, 2008

Hay, ang hirap maglaba nang de-kamay ha. Sira kasi ang washing machine namin (at sira rin ang printer namin), kaya tiis-tiis muna sa handwashing.

Ngayon, download muna nang download dito sa laptop ko ng kung ano-anong programs. iTunes, iPLay, at Safari. Shet, ang ganda ng programs ng Apple. Talo ang Windows, shet. Haha, di ba halatang hinahamak ko ang OS ko na Windows XP?

Tapos na pala ang pagda-download ko ng pelikulang Clockwork Orange, na matagal ko na sanang gustong panoorin dahil sa Panic! at the Disco. Mayroon kasi silang kanta na inspired (God-breathed? hehe, Theo-inspired.) ng pelikulang to. O yung costume nila? Ewan, basta. Ayun.

Hay, ang pangit na ng My Girl. Hindi ko gusto ang My Girl na Filipino version. Lalo na ngayon. Nagsusulat ako dito sa blog ko, nang binuksan nila ang TV. Argh. May idinagdag sila sa cast. Yakikadiri.

May dina-download pa rin akong pelikula: The Last King of Scotland. Para uli sa History reflection paper ko. Gory daw. Bloody. Siguro maganda.

Nag-download ako ng dalawang software na makakatulong sa pag-aaral ko ng paggigitara. Sana nga.

Hay! Ang dami kong dinownload na EBooks! Galing sa pensteronline.com. (Oo, nagbabalik ang Penster. Mas maganda ang site nila ngayon, promise!) Dissonant Umbrellas (shit! di ko alam na Pinoy pala to...sana di ko na lang dinownload, pero ayan na e), Jane Eyre, The Count of Monte Cristo, City of Masks, at Pride and Prejudice.

Stickies. Para sa organization ko ng mga to-do list. Parang post-it notes sa desktop. Maganda ang reviews, so kinuha ko. Kailangan ko! Lalo na ngayon!

+++

...dahil ang saging ay may puso.

Whew!

Hul 10, 2008

Magaan ang pakiramdam ko ngayon. Hay...paano kasi tapos na yung spiel namin sa Aesthetics art exhibit. At maayos yung sa akin kahit na alam kong may inconsistency ang verb tenses ko at may kulang na information. Nakita ko namang interested si Miss Missy sa topic ko (Faberge Eggs), tsaka nadala ako ng enthusiasm ko towards the eggs. Sabi ko nga kay Miss pagkatapos ng spiel ko, "I would like to have one [Faberge Egg] in my debut." Haha, alam ko namang imposible, pero maganda yung idea e. Tsaka na-appreciate ni Miss yung paggawa ko ng styro Faberge Eggs

- and yesterday I thought they were crap...compared with all the fancy things the other groups brought and presented. But Miss looked so amazed when I took my version of the Imperial Hen Egg and showed her the golden yolk with the golden hen. And I think my version of the Imperial Birch Egg really looked like the real thing because she complimented on it when she saw the image of the real egg in the slideshow. =D

Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, kabaligtaran kahapon. Kahapon bad trip ako at SOOOBRANG stressed. Iniyak ko na lang...bago ako natulog. Medyo mugto pa nga mga mata ko kaninang umaga.

So...ngayon carefree mode muna ako. Nanonood nga ako ngayon ng videos ng Happy Tree Friends. Haha, laughtrip! Dapat mga sayaw nung UAAP opening ang hahanapin ko, e nakita ko 'to...'Eto muna. Pampawala ng stress.

Likas talaga sa akin ang pagiging praning. Minsan naprapraning ako kasi wala akong ginagawa o inaalala. Kaya 'rto. Magpapaka-praning muna ako - habang nagpapakalma.

  • July 11 friday - SCHOOL. last day of exhibit. fashion show. guidance testing. get photocopy of readings in histo. AFTERNOON. theology paper. history topic. filipino documentary topic.
  • July 12 saturday - NSTP. diagnostic test ng mga grade 2? HOUSE. theo paper.
  • July 13 sunday - theo paper
  • July 14 monday - theo paper due
things to do:

  • theo paper
  • article for petra
  • sanaysay about nationalistic music
  • tula
  • titik ng isang awit
  • mag-isip ng topic sa histo
  • mag-isip ng tao para sa fil documentary
  • rebisyon ng mga ginawa ko sa FA105
  • pagsasaayos ng mga maiikling kwento na meron ako
  • magbasa ng readings
  • magbasa ng panitikan/literature
  • ayusin ang mga notes sa LAHAT ng subjects
  • maglaba
  • ayusin ang cabinet
  • maglinis ng kwarto!!!
  • ayusin ang sked.
Ang dami ano...

Pakiramdam ko Biyernes.

Woo! Sasali nga pala uli kami sa Sagala ng mga Sikat!

Fourth said...

Hul 9, 2008

laugh trip

+ "Ace, may first year bang freshmen?"

+ "I'm fine with what I am." [tapos biglang kumulog ng pagkalakas-lakas]

+ "I had a crush on Brad Pitt." [nung grade 4 pa naman daw]

Hectic and Confused

Hul 8, 2008

Ganun pa rin, may pinoproblema pa rin ako. Yung tungkol pa rin sa dati. At marami pang iba. Brainstorming muna tayo:

  • Second fucked-up test sa FA105, intro to lit and creative writing. Question: According to Klarer, what are the three types of point of view? At para sa aking hindi nagbasa, ang sagot ko ay 1st, 2nd, at 3rd point of view. Tae, iba pala. Damn you, Klarer!
  • First fucked-up quiz sa Fil14. Ang dami kong blangko!!! Puro ba naman pangalan ng mga tauhan/mga bagay basta may pangalan sa Labaw Donggon. Buti na lang alam ko ang sagot sa dalawang bonus questions. 2 sure points!!!
  • Napagod kakatawa dahil sa mga mababahong pangalan na makikita sa epikong Labaw Donggon.
  • Sumakit ang puson ko kakatawa.
  • Dapat talaga meron na ako ngayon e, kaya lang wala pa.
  • The grasshopper and the Bell Cricket ni Yasunari Kawabata. Nakakalusaw ng puso.
  • "Probably you will find a girl like a grasshopper whom you think is a bell cricket."
  • Sana may isang lalaki na makikita ako bilang isang bell cricket at sana hindi siya magkamali.
  • mga alaala sa puno ng aratiles
  • nag-iisip ako kung tama bang fiction ang magiging specialization ko. baka dapat non-fiction.
  • inaantok na ako
  • amoy sigarilyo sa loob ng bahay
  • nakasabay ko si Jorge sa paghihintay ng FX at pati sa biyahe.
  • sabi ni Fourth, dumb daw yung philosophy ni Mike tungkol sa aso-lalaki analogy. ("that's the dumbest thing i ever heard.")
  • our dog has poop on its butt and is sitting all over the place.
  • guidance testing bukas.
  • kailangang tapusin ang mga Faberge eggs at pati ang spiel.
  • Full sked bukas dahil sa exhibit sa aesthetics
  • reporting bukas sa tai chi
  • exam sa tai chi
  • bring the Bible for theo
  • magsisi dahil hindi nagbabasa ng readings
  • binasa nina Miggy at Fourth yung freewriting ko sa likod ng notebook ko, which was embarrassing.
  • Gah. Disappointing literary works of my own.
On writing fiction: show, do not tell. details are great when you associate them with movement. should tell a good story.

Horoscope

Hul 7, 2008

Sige nga, paano ba naman ako hindi maniniwala sa horoscope?(c/o Yahoo! Astrology pero ganito rin yung sa Friendster) Sagittarius for July 7, 2008:

Like a baby that can stare at jingling keys for hours, you might be easily distracted by shiny things today -- which could cause you some difficulty with authority. But as long as you make sure you get everything done in a timely manner, you'll be fine. Give yourself little deadlines all day and you'll not only make your boss happy, you'll give yourself a great sense of accomplishment. Don't scold yourself for having scattered thoughts -- it's only to be expected right now.



Lame

Nahihinuha ko na lame o boring o walang kwenta ang araw na 'to. Simulan ba naman kasi ang araw sa paggawa ng blog entry tungkol sa kaartehan ng puso. Iyan tuloy, disoriented na ang utak.

Pagdating ko sa school, marami akong naabutan na naka-blue t-shirt. Nahiya naman tuloy ako. Akala ko naman kasi tribute para sa pagkapanalo ng Ateneo basketball team sa laban kahapon (at hindi lang basta laban, versus La Salle!), nagpasalamat na lang ako kanina na hindi ako nag-green t-shirt. Yun naman pala may pictorial ek ek ang mga taga-Management. Inggit naman kaming Humanities. Joke.

Nakita ko si Sean. Hehe, actually siya ang nakakita sa akin. Para kasi akong lumulutang kanina sa dagat ng mga Atenistang naka-blue shirt, kaya hindi ko napansin na nandun pala siya. Buti naman at hindi niya ako katulad na mahiyain, at tinawag niya ako. Natuwa naman ako. Syempre, ilang tao lang ba na kilala ako dito sa Ateneo ang magtiyatiyagang tawagin ako para lang mag-hello? Tsaka matagal na kaming di nagkita e, noong June pa yata yun.

Nag-meeting naman ang ilang mga estudyante ng Aesthetics sa Macci (Mateo Ricci, duh?) para sa exhibit na gaganapin ngayong linggo. Dapat class meeting ito e, ang nangyari ay group representatives' meeting lang.

Medyo lame agn meeting, usual stuff na pwede na lang sanang sabihin sa yahoogroups o YM. Fine, mas maganda pa rin kung personal. Pero para rin naman akong YM ID na naka-invisible kanina. Hindi pumunta yung mga kaibigan ko. Hindi ko close yung mga nandun. Hello, kung close ako sa kanila e di sana di ako magtra-transform into an invisible YM ID.

Umalis na ako nung hindi ko na ma-take ang setting. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ng nao-OP di ba? At tutal, mas matagal pa ang oras na sinayang namin sa paghihintay ng mga tao kaysa dun sa mismong meeting.

Pumunta ako sa LS Bookstore para kunin ang sweldo ko. First timer ako, syempre bano pa ako sa kalakaran ng pagkuha ng sweldo at sa pagkuha ng pirma para sa service hours. Hay, nakakahiya naman ako. Magmumukha ka ngang tanga kung hindi ka magtatanong sa ibang tao kung wala ka talagang alam, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na magmumukhang tanga kung magtatanong ka sa iba.

Disappointed naman ako sa sweldo ko: 160 pesos. Nangangailangan pa man din ako ng pera para sa pagbili ng mga materyales na gagamitin ko sana sa paggawa ng mga Faberge eggs imitation para sa exhibit namin sa Aesthetics. Di bale, next sem, sa first batch ng orientation ako pupunta para hindi ako maubusan ng magandang schedule.

At eto, nanlulumo pa rin ako kasi wala nang pag-asa na mahahanap ko pa ang aking minamahal na USB. Wala raw. Pati yung guard, sabi wala raw. Peste kang estudyante ka na nakakuha ng USB ko. May araw ka rin.

At dahil wala akong USB, ginagamit ko ang yahoo! mail ko sa pagdadala ng files dito sa school. Pumapasok din sa aking isip na dalhin ang laptop ko, pero hindi pa naman ako ganun ka-desperada. Hassle din kaya kasi nagko-commute ako. Malaki ang laptop ko pero magaan. Magaan nga, pero malaki naman. Hassle, di ba?

Pagkatapos nito, pupunta ako sa OAA para kumuha ng pirma. Kaya lang lunch break yata nila ngayon. O di kaya ay tatmbay sa Caf. Teka, may balita akong narinig na bawal nang tumambay sa caf. Tapos kailangan mo nang magdala ng sarili mong kubyertos. WTH. Saving the earth can be a nuisance.

Dilemma

Oo, ang dami kong problema ngayon. Pero wala naman akong ginagawang solusyon.

  1. Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng spiel para sa presentation ko ng Faberge Eggs.
  2. Hindi ko alam kung paano gumawa ng miniature/imitation ng Faberge Eggs.
  3. Nawawala ang USB ko, kaya hindi ko alam kung paano ako maghahapit ng spiel.
  4. Tinatamad akong pumasok ngayon.
  5. May kailangan pa akong ipasa na article sa AMP (pero pasok na ako as writer sa DP ng AMP).
  6. Tinatamad talaga akong pumasok.
  7. Wala akong pera.
  8. Nababagabag ako kasi may isang bagay na hindi ko naman talaga dapat iniisip pero iniisip at iniisip ko pa rin -
- parang wala akong pagpipilian kundi isipin at isipin yun. Mabigat ang problemang ito dahil naaapektuhan na ang mga pangaraw-araw kong gawain. Kung tutuusin hindi naman ito ganun kahalaga. Pero matapos ang talk kahapon sa The Feast na tumukoy sa paggawa ng mga moments sa buhay, at matapos mabasa ang isang article sa Kerygma na tungkol sa pagsisising maaari mong maramdaman buong buhay mo kung meron kang tanong na kailanman ay di mo tinanong sa isang tao...nagkakaroon ng dahilan ang puso kong manalo laban sa isip ko.

Naguguluhan na ako. Kailangan ko ng makakausap tungkol dito. Yung kilala ako, tsaka hindi magsisinungaling sa akin. Yun bang walang bias sa mga advice. Yung hindi rin kilala yung mga taong involved maliban sa akin. Yun bang tao na hindi lang basta puso ang pinaiiral, kundi pati isip.

Pero hindi ako normal na tao. Kaya baka hindi applicable sa akin yung mga cliche na love can move mountains, love will find a way, you and me against the world...isipin ko pa nga lang yung posibilidad na in-love ako e nandidiri na ako.

Ewww...kadiri talaga.

Kaya lang nakakasawa na rin yung puro happy crush na lang:

False hopes, empty dreams, self-inflicted emotional damage, pa-emo effect...shetness.

Ang boring talaga ng buhay ko. I'm a dork. =|

The Feast

Hul 6, 2008

Natuloy na rin kami sa wakas sa Kerygma Feast, na binago na pala ang pangalan: The Feast.

First time kong...
  • pumunta sa Valle Verde
  • halos maligaw sa Valle Verde
  • pumunta sa The Feast
  • umalis kasama mga kaibigan/groupmates ko na wala akong chaperon
  • makita si Bo Sanchez
  • mag-interview para sa isang project
  • pumunta sa isang religious gathering (na hindi sa Church) as an adolescent (last yata yung kay Father Corsie nung bata pa ako).
  • halos maiyak kakatawa dahil sa isang religious talk (Brother Arum)
  • pumunta sa Pasig nang maayos ang daloy ng trapiko!!!
  • pumunta sa misa nang linggo kahit na walang okasyon matapos ang ilang taon
  • magkomunyon uli - binawalan kasi kami ng mga manang mula sa simbahan namin sa San Mateo na magkomunyon dahil nabubuhay daw kami sa isang malaking kasalanan. Sa huwes lang kasi kasal ang mga magulang ko at sabi nila, dapat magpakasal muna ang mga magulang ko sa simbahan bago kami uli magkomunyon.
Masaya naman yung first time, kahit na nahihiya ako kasi hindi ako maka-relate dun sa mga kanta. At na-overwhelm ako sa pag-observe ng mga tao.

Naramdaman ko lang yung pagod ko nung humiga ako sa kama ko pag-uwi. Diretso tulog na ako. Ala-sais na nang gabi ako nagising.

Nakakatuwa si Bro. Eng Sy. Siya yung overall-head ng The Feast at yung nakausap ni Ybonne para sa appointment namin.

Masaya ang araw ko. Hehe. Kahit na hindi natuloy sa SM Pasig (isang first time din siguro yun!), ok lang.

Live life. Transcend. Make memories. Splurge on the moments of your life.

Accomplish your mission, forgive, and be at peace with God.

Dazzled by eggs

Hul 5, 2008

sNagre-research ako ngayon tungkol sa mga Faberge eggs. At grabe, ang astig ng mga Faberge eggs! Sayang lang at yung iba ay hindi na nahanap, o yung ibang parts ay ninakaw na.

Gusto ko yung history ng mga eggs...pati yung elegance at extravagance nila. Hay! Mahilig talaga ako sa mga bagay na medyo walang function pero sobrang ganda.

Sa darating na linggo, may exhibit kami sa FA101. Russian art ang na-assign sa grupo namin, at ang topic na inako ko ay yung mga Faberge eggs.

Ngayon, kumpleto na ako sa mga sources. Puro sa internet nga lang (at least hindi sa Wikipedia, kumpleto pa). Wala akong source na libro, sa encyclopedia namin ang konti ng info tungkol sa Russian art. Elitista ang encyclopedia namin e.

Chat rooms: scariest place in the net

Nakakatakot ang mga chatroom. Paano naman kasi, ang hanap ng mga tao ngayon: date, online special friend, eyeball, sex, etc.

Napagtripan ko lang kasi na pumasok sa isang Tagalog chatroom. Wala lang. Naghanap lang ako ng kulitan kasi medyo asar na ako. Iyon bang kulitan na naranasan ko sa isang chatroom mga tatlong taon na ang nakakalipas. Batuhan ng asaran, batian, alukan ng boy bawang, kulitan lang. Wala nang iba. Kaya sinubukan ko.

E putsa, may nag-IM na agad sa akin. May link para sa isang online dating site. Yung isa may link tungkol sa hot stuff daw niya. Shit. Nakakakaba.

Tapos may isang makulit kanina na gusto raw i-view ang webcam ko. E totoo naman wala akong webcam. Gusto ba namang makipag-share ng pics? Sinabihan ko nga ng hindi ako interesado.

Sabi pa nga niya sa akin nung ayaw kong magpakita ng picture, "ganda mo siguro..."

Sa isip ko, baka magsisi ka sa pinag-iisip mo. Pero sabi ko sa kanya,"hehe, hindi talaga."

Pero matino naman siyang kausap. Hindi niya ako pinilit.

Katakot talaga.

Hindi na ako kailanman papasok sa kahit na anong chatroom!!!

The hell...

Hul 4, 2008

Of course, nobody cares whether I need my flash disk back or not. Or if I need help in spreading the word.

That's a perk of being an understatement in the block. Nice, nice...

HELP!!!

Nawawala ang flash disk ko. Sa RSF (sa tabi ng Rizal Mini Theatre), computer #24, ko ito huling ginamit - kaninang 2 pm. Kingston ang tatak at 1G. Dark blue ang kulay at metal ang casing o takip na nagro-rotate at hindi nahihiwalay sa katawan.

May mga files ako doon (obvious ba?) na kailangan ko para mabuhay ngayong sophomore year. Meron ding pangalan ang mga word documents ko doon: Rachel V. Marra, BFA Creative Writing.

ACE MARRA ang pangalan ng flash disk ko. Ipagbigay alam lang po ninyo sa akin kung may nakakita o nakakuha. Kailangan ko po yung flash disk na yun kahit na 1G lang. Kung may oras kayo't awa't habag, ipagbigay-alam din sa ibang Atenista na madalas na pumupunta sa RSF.

Paki-contact na lang ako: 09208999711, o mag-PM sa akin dito sa Multipy.

Maraming Salamat.

=(

I quit!!!

Hul 3, 2008

Shetness...I can't help but write in this blog. The hell I miss this. Writing knowing that no one will actually read what I write. It's depressing, in a way, but I like it. Not that I like being depressed, it's just the feeling that I write freely. I don't get to see who goes or just passes by here, unlike in Multipy.

And why and what exactly do I quit in?

This...*bleck*...feeling.

I give up. I'm not gonna do anything at all. I'll just let it pass by, as I hope that everything goes back to normal. Like the rainbow after the storm.

And why do I blog when I have a paper due tomorrow?

Because if I don't blog, I'll end up (eherm) stalking someone. And I hate it!!! It leads to nowhere, when you learn something, you'll just crave for more, and end up yearning for infinite knowledge.

Damn you, you pushed me into this.

Theo update

Nagbago kami ng topic, and this time, mas malinaw ang patutunguhan ng group work namin. Imbes na Kerygma magazine, Kerygma feast na lang ang topic namin - dahil sa sked namin.

Of course, para-paranoid na naman ako kanina. Patawag ng ym confe kuno-kuno...panic-panic. Konting pressure sa group. Well, pressured naman talaga kami.

Basta...so far, so good.

Broke

Mahal na ang mga pagkain ngayon sa caf at sino bang hindi gugutumin sa paglalakad mula sa aurora blvd. hanggang sa bellarmine? Ayokong mag-trike...kasi nga, tulad ng sinabi ko kay Fourth, hindi worth it. Bente din yun, sayang. Ilang pages din yun sa pagpapa-print sa mga computer lab, o pages sa pagpapa-photocopy, o isang kiddie cone ng ice cream sa caf up.

Kanina, ubos ang pera ko kasi 25 ang pamasahe sa FX, 65 ang kanin, at 11 ang juice. Hindi ako makatanggi sa 20 pesos na kiddie cone. Sa pangalawa kong kiddie cone, nilibre ako ni Fourth. May utang naman ako kay Fourth kasi hindi na kasya ang pera ko para sa photocopies namin sa FA105. 25 ang pamasahe.

Sa buong maghapon, nagkaroon ako ng utang na 21 para sa FA105 readings, may babayaran pa akong readings para sa Fil. May utang pa ako kay Tina na hindi ko pa nababayaran (SA readings namin).

Pwede na raw naming kunin yung sweldo namin sa LS Bookstore. Magkano naman kaya yun? Sana sapat na pang-bayad ng mga utang ko, pambayad sa mga readings, at pambili ng nobelang Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin Yapan para sa Fil.

Am I asking too much?

Histo

Tinatamad akong isulat yung reflection paper namin, pero hanggat maaari gusto ko nang matapos 'to. Sa ngayon may dalawang pangungusap pa lang ang nilalaman ng paper ko. Ayokong mag-all nighter, masama ang all-nighter.

Maya-maya lang siguro. Pag nasa kwarto na ako at walang internet connection at walang distractions. Tutal naman nasa laptop ko na ang pelikula at may nakuha ako sa internet na script. Tama, tama...kumpleto ang sources ko. Kaya lang hindi ko matandaan kung kailangan pa ng citations.

Okay...sa school pa ako magpri-print. Paano nama'y clogged ang black cartridge ng aming pinakamamahal na printer. Nagtitipid ako, susubukan ko yung sa CTC 313, yung exclusive sa mga scholar, magdadala ako ng sarili kong papel.

Boy prob...

Here we go again...

Kung bakit naman kasi ang dami kong nakikita sa mga kilos niya? Napakalaki ng porsiyento na mali ako sa mga akala ko.

Gah! Kasi naman dapat dumating ka na sa buhay ko. Hindi yung nandito ako at naiinggit sa iba. Malapit na akong mg-18. Alam kong cliche pero, kailangan ko rin naman ng kahit konting kilig sa buhay ko ano. Nakaka-depress din yung patingin-tingin na lang. Iwas ng tingin kapag nahuli ka. Babae rin naman ako no. Well, hindi lang maganda. Kung maganda sana ako sa paningin ng mga lalaki, e di sana kahit papaano may nanligaw na sana sa akin?

Kahit nga sa paningin ng kuya ko e, hindi ako papasa sa pamantayan niya pagdating sa kagandahan.

Usually kasi, ang maganda, maputing porselana at hindi puting alanganin tulad ko. Payat at hindi matabang tulad ko. Beauty and brains: wala na nga akong beauty, minsan naiiwan ko pa utak ko.
Singkit at cute: pwede ba, Pilipina ako at hindi hapon, koreana, o intsik. Baka may dugong intsik ako mula sa lola ko pero maliit na porsyento lang yun.

Girly magdamit, o at least cute magdamit. Sorry na kung nagmumukha akong isang malaking understatement dahil sa pananamit ko. I'm an insult to our Aesthetics class!!!

Hindi pango. E ano bang magagawa ko?



Bukas. Makikita ba kita?

Ang panahon

Hul 2, 2008

Ang panahon, ang panahon, kamusta naman ang panahon?

Ewan. Ang kulit e. Mainit, pero maulan. May bagyo ba uli? Hassle.

Theo groupwork

Hindi pa rin ako kinokontak ng office ng shepherd's voice/Kerygma. Sana kung ayaw nila, sabihin na lang nila.

July 9 na ang deadline ng part I ng groupwork. Wala pa kaming experience. Nababahala ako.

Marifel part 2

Pumunta nga si Maripi sa Ateneo kanina kahit na hindi siguradong may nagbebenta ng ticket para sa UAAP opening. Buti na lang at pumunta siya, kasi hindi lang pala halata na may nagbebenta ng mga tickets.

Sayang at may consultation kami sa theology, hindi ko nai-tour si Maripi sa Ateneo. Excited din naman kasi ako kasi may bumisita sa akin sa school - kahit na hindi naman talaga ako ang pakay.

Boob talk with Mommy

Dapat, ang lakad ko raw, ay parang pang-model. Para hindi umaalog ang aking hinaharap.

Ayusin ko raw ang mga bra ko. Pumili ng tamang bra. Dapat hindi bakat ang bra sa kamiseta.

Malaki raw talaga ang mga hinaharap namin, kaya wala akong magagawa.

Ang hirap maging babae.

Genre

Hul 1, 2008

Dapat by Thursday, sigurado na ako sa kung anong genre sa pagsusulat ang kukunin ko.

Ang mga pagpipilian: drama, poetry, fiction, and non-fiction.

Alin ba ang gusto ko?

Gusto ko sana ng fiction at poetry...pero praktikal ang non-fiction at doon naman talaga nagsimula ang pagsusulat ko. Sa fiction, pangarap ko ang magsulat ng nobela...at sa poetry, gusto ko lang matuto. Alam mo ba na ang tula ang pinakamataas na uri ng panitikan? Kaya naman bilib ako sa mga makata e...

Sa ngayon, ang nasa isip ko ay fiction at non-fiction.

Marifel

Nagpapabili si Marifel ng ticket para sa opening ng UAAP. E wala naman akong pera pang-abono. Mahal na ang pamasahe ngayon, mahal na rin ang pagkain, at bawal magpakagutom.

Dahil hindi naman ako panatiko ng UAAP, at hindi ako required tulad ni Marifel na manood ng opening nito, hindi ko alam kung saan bibili ng ticket. Pero malamang sa Blue Eagle Gym. Hindi ko lang alam kung ongoing pa rin ang bentahan.

Sabi ni Maripi, pupunta na lang siya sa Ateneo bukas. Hehe, magkikita kami sa free time ko. Excited ako, ewan ko kung bakit. May bibisita kasi sa akin - kahit na hindi talaga ako ang pakay niya, bibisitahin pa rin niya ako. Eh, actually, magiging guide niya ako. Sana nga magamapanan ko ito nang maayos.

AMP interview

Yay! Sabi ni Petra sa akin pagkatapos ng interview,"You're pretty much in..."

Nakakatuwa yung interview sa AMP. Informal at nakakatuwa si Petra. Medyo kilala ko na siya kasi parte siya ng Heights, nakita ko siyang mag-perform noong One Night Only: Lit Night, at napanood ko siyang magbasa ng tula sa poetry reading ng Heights noong nakaraang sem. Nabasa ko nga rin pala yung article tungkol sa kanya (sa pananamit yata yun) sa Guidon.

Sabi niya tungkol sa favorite teacher ko, "He's a good guy..."

Natuwa siya (sa palagay ko) noong nalaman niyang mas palagay ako sa pagsusulat gamit ang Filipino. Gusto niya akong magpasa ng isang sanaysay tungkol sa kantang maghahari sa lahat ng mga kanta sa MYX weekly hit chart sa Filipino. Natuwa naman ako, kasi tungkol sa OPM ang isusulat ko at Filipino ang wika ko. This is definitely my niche (hehe, pagkatapos sabihing Filipino ang wika ko, tsaka nag-Ingles).

Kasi nga naman, mas exposed ako o mas madaling ma-expose sa OPM kaysa sa Foreign Music. Iba pa rin kasi pag Pinoy. At syempre mas madaling magpahayag ng mga nais kong ipahayag sa wikang nakasanayan ko na.

Uulitin ko lang, masarap sa pandinig e.

"You're pretty much in..."

Heights interview

Kahapon ang interview ko sa Heights, para maging kasapi ng bagwisang Filipino.

Harhar naman. Hinapit ko yung requirements...mainit pa yung mga papel. Fresh from the printer. Sa theology ko binasa yung mga interview materials - yung second reading, nabasa ko na naman lahat ng yun, nakakatakot lang kasi yung instructions na nakalakip sa application form: basahin ng maigi ang mga interview materials.

Pero maayos naman yung interview -kumpara last year *shiver.

At nakabuti yung maingay sa loob ng pub room. Medyo informal ang dating. At Filipino kasi eh, hindi gaanong tense tulad ng sa English.

Nakatulong ang mga natutunan ko sa Fil11, 12, at 14: depamilyarisasyon, bugtong, talinhaga, sukat, imahe, etc.

Ngayon hindi ko lang alam kung maayos ang mga interpretasyon ko. Lalo na sa tulang Bugtong ni Sir Egay. At sa Apokalipsis!!!

Hay, sana matanggap ako. Umaasa. Haha. Pero kung hindi ako matatanggap, uhmmm...tanggap naman yata ako sa AMP.

Ibang kuwento na yun.

Kerygma

Ok, so ang gagawin ko ngayon ay magpo-post ako ng maraming posts. Marami na kasing nangyayari sa buhay ko ngayon. Haha, aaminin ko, mukhang maganda ang mga nangyayari sa akin pero ayokong maging kampante. Pero hindi ko pa rin maiwasang umasa.

Para sa theo group work namin, pinili namin ang Kerygma magazine para pag-aralan at pagkuhanan ng experience tungkol sa church reality na church and society. Wala pa kaming progreso kasi...

una: hindi nila (office ng Kerygma) nabasa yung email ni Ybonne.

pangalawa: hindi nila hawak yung desisyon kung papayag silang magpa-interview
kaya ipina-fax nila sa akin yung email na sinend namin.

pangatlo: hindi pa rin daw binabasa nung head nila yung fax ko.

Hindi maganda ang pakiramdam na pinagpapasa-pasahan ka sa phone.

Alam ko na mga estudyante pa lang kami. At baka iniisip nila na ginagawa lang namin yun para sa grades namin. Totoo. Pero hindi lang yun yung gusto namin. Yung experience nga e.

Tinawagan ko uli sila kanina. Buti at natanggap nila yung fax namin. Hihintayin na lang namin yung response nila.

May consultation kami bukas sa theology, at ang sasabihin namin kay Sir Jimenez hinihintay pa namin yung reply nila. Huhu...

Ayoko nang ganitong hindi sigurado yung hinihintay ko. Kasi hindi pa naman kami sigurado na papayag nga sila. Sana pumayag sila.

tarot card...(from Diego)

http://quizfarm.com/quiz_repository/general/42243/



Which Major Arcana Tarot Card Are You?
You scored as a III - The Empress
The Empress is a maternal symbol. She is the mother figure who loves, nurtures and protects. She will protect you, she will always be there when you are in trouble. When you fall over and graze your knee, the Empress will kiss it better. Yet she is not a weak figure. Her compassion is strength. If her children are threatened she will stop at nothing to protect them. If well aspected in a Tarot spread, the Empress can symbolise security, protection and unconditional love. If badly aspected it can represent over-protectiveness, fear of risk taking and refusal to face the real world.
III - The Empress

100%
II - The High Priestess

88%
0 - The Fool

81%
XIX: The Sun

75%
IV - The Emperor

75%
XIII: Death

75%
I - Magician

69%
X - Wheel of Fortune

63%
VIII - Strength

63%
VI: The Lovers

56%
XV: The Devil

50%
XVI: The Tower

50%
XI: Justice

44%

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger