Yay! Sabi ni Petra sa akin pagkatapos ng interview,"You're pretty much in..."
Nakakatuwa yung interview sa AMP. Informal at nakakatuwa si Petra. Medyo kilala ko na siya kasi parte siya ng Heights, nakita ko siyang mag-perform noong One Night Only: Lit Night, at napanood ko siyang magbasa ng tula sa poetry reading ng Heights noong nakaraang sem. Nabasa ko nga rin pala yung article tungkol sa kanya (sa pananamit yata yun) sa Guidon.
Sabi niya tungkol sa favorite teacher ko, "He's a good guy..."
Natuwa siya (sa palagay ko) noong nalaman niyang mas palagay ako sa pagsusulat gamit ang Filipino. Gusto niya akong magpasa ng isang sanaysay tungkol sa kantang maghahari sa lahat ng mga kanta sa MYX weekly hit chart sa Filipino. Natuwa naman ako, kasi tungkol sa OPM ang isusulat ko at Filipino ang wika ko. This is definitely my niche (hehe, pagkatapos sabihing Filipino ang wika ko, tsaka nag-Ingles).
Kasi nga naman, mas exposed ako o mas madaling ma-expose sa OPM kaysa sa Foreign Music. Iba pa rin kasi pag Pinoy. At syempre mas madaling magpahayag ng mga nais kong ipahayag sa wikang nakasanayan ko na.
Uulitin ko lang, masarap sa pandinig e.
"You're pretty much in..."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento