Step 6 and 7, here we come!!!

Peb 29, 2008

Status:
Kasalukuyang nasisiyahan dahil sa pag-usad ng kanilang mga gawain bilang grupo sa Fil12.

###

Matapos ang ilang linggong inubos sa paghahanap ng mga viable sources and secondary sources sa library at sa internet, heto kami ngayon at nakausad na sa step 6 at 7!!! Ang saya talaga kahit na pumalya ako sa mga sagot ko, haha...May tanong nga si sir na sinagot ko ng ngiti. Shete talaga, ganoon kasi ako kapag may tanong na hindi ko masagot agad o may tanong na ang dating sa akin ay rhetorical. Tsaka kinakabahan na ako noon e. Sa katunayan nga nanginig ang mga kamay ko, at talagang nanlamig ako.

Pero masaya naman kasi nakausad na kami. Ayos lang kahit na nagkalat kami, buhay pa rin naman kami. Nakakakaba lang naman kasi, lalo na at iba't ibang balita na tungkol sa mga consultations ang mga naririnig namin. Una, isang libro daw sa isang tao. Pangalawa, may mga pinapalabas na group member para ma-solo interrogate yung isang member. Pangatlo, madali lang naman daw. Pang-apat, may mga tanong na para kang binabaril. Ang labo, para lang mga mito o alamat iyong mga narinig kong balita tungkol sa mga consultations na nauna sa amin, kasi hindi mo alam kung totoo, maraming variations, at contradicting na rin. Buti na lang natapos na kami - kahit na muntik na kaming magback-out nang makita namin si sir at marinig iyong mga reactions ng naunang grupo sa amin at kahit na ayaw sana ng isa kong kagrupo kasi may kailangan siyang puntahan by 1:30 pm, at dahil na rin hindi kami gaano handa, at kahit na nag-set ako ng meeting after Math11 sa playground [iyong sa tabi ng de la Costa, iyong may mga nakakatuwang structures/stress relievers by Impy Pilapil; sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na babae pala si Impy Pilapil at hindi pala siya iyong lalaking kamukha ni Einstein na gumagala-gala sa Ateneo] para maglaro kasama nina Miggy, Fourth, Kira, at Jamie.

YES!!! <--- trademark shout ni Arnold Behr Lasic, kaklase ko noong high school. Wala lang, kasi nagkasabay kami kanina sa FX. Haha, buti naman ibang tao naman ang nakasabay ko, lagi na lang kasing si Patrick Jason Jorge e. [at talagang binanggit ang buo nilang mga pangalan!]


###
Status:
Kasalukuyang hindi alam ang gagawin para sa Open Mic Night ng Gabay. Ipagdasal niyo ako...Parang awa niyo na't habag.

Addicted

Peb 27, 2008


Pretty. Odd.

Smiles away...You're so many smiles away.

Bago ang lahat, nalaman kong nobelista na si Bob Ong. Nobela ba iyong MacArthur? Hindi ko alam kasi hindi ko pa nababasa iyon.

Natutuwa ako para sa kaniya. =)

###

Kamakailan lamang ay napapansin kong napapadalas ang mga solitary smiling moments ko. Iyon bang ngingiti na lang ako bigla dahil sa mga sobrang babaw na happy thoughts. Nakakabaliw, di ba? Kahit ako nawiwirdohan sa sarili ko. Delikado nga e.

Napansin ko lang iyon nang makita ako ni mama na nakangiti habang may inaabot sa kaniya. E hindi normal sa akin ang nakangiti kasi lagi daw akong nakasimangot. HIndi naman siguro ako aabot ng mental hospital dahil sa pagngiti dahil sa mga nakakatawang bagay na pumapasok sa isipan ko? Buti nga may dahilan e, kaysa ngumingiti ng wala naman talagang dahilan.

Tuwing kailan nga ba ngumingiti ang isang tao? Maliban sa mga unggoy, wala nang hayop bukod sa mga tao ang may kakayahang ngumiti sa aking pagkakaalam. Kaya nga siguro masarap paglaruan ang mga larawan ng mga pusa at i-distort ang kanilang mga mukha na parang ngumingiti, at hindi ko malilimutan iyong pusa ni Bob Ong na tinatawanan ang mga taong hindi maganda ang gupit ng buhok [pusang hindi na makahinga sa kakatawa]...

Ang mga tao'y ngumingiti kapag nagagalak, kapag natutuwa, kapag may binabalak na masama, kapag nae-excite, kapag nang-aalaska, kapag nandiyan na ang crush niya, at marami pang dahilan.

Tao rin naman ako e, na may karapatang ngumiti. Iyon nga lang, natataong mag-isa ako. Wah! Delikado talaga...

Under Pressure!

Peb 25, 2008

Ngayon lang ako gumamit ng PC sa isang computer shop, and grabe ang pressure kasi may timer iyong desktop. Kaya kung lalagpas ako ng isang oras sa pag-internet, dagdag bayad agad. Walang ligtas. Buti na lang wala gaanong tao kasi isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi ko gusto ang mga computer shop ay ang pagiging matao at maingay dito.

Kaya in less than one hour, dapat makagawa ako ng blog entry dito [required?]...May deal pa man din kami ni daddy na kung mag-iinternet ako dito, hindi na ako mag-iinternet sa bahay. Wah!

Nandito nga pala ako sa Cavite ngayon, mayroon kasing celebration kasi successful iyong operation ng pinsan ko. At pinostpone ko iyong online meeting ng grupo namin sa Filipino kasi hindi naman ako makakadalo.

At sa ngayon ay nakakaranas ako ng blogger's block.

Marami akong nakapilang ideya ngayon, nakapila sila tulad ng mga taong nakapila sa harap ng nag-iisang poso, nag-uunahan at nagbabanatan, may sumisiksik. Nandoon din si Impeng Negro, sinusuntok at binabayo si Ogor. Haha, "suntok, bayo, suntok, bayo..." Kung hindi niyo kilala si Impeng Negro, kilalanin ninyo. Maikling kwento yan ni Rogelio Sicat, at dapat niyo siyang kilalanin.

Thirty minutes na lang ang natitira. Ang hirap naman nito...challenging... pero wala ako sa kondisyon.

Kanina ko pa binabasa iyong The Second Treatise on the Civil Government ni John Locke, isang mahabang sanaysay tungkol sa kalayaan at gobyerno, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nangangalahati. At ang hirap mag-notetakings sa pamamagitan ng summarizing at paraphrasing. Nagsisisi tuloy ako na hindi ko dinala ang dictionary ko, at umaasa naman ako na may UP Diksiyonaryong Pilipino sa library. Kung puwede lang sana na puro direct quotations na lang, pero syempre, kalabisan naman iyon.

Hayness...

[ayokong gamitin iyang salita na iyan, pramis...pero hinihingi ng pagkakataon.]

Twenty-four minutes left.

At umiingay na dito sa loob dahil napupuno na ng mga batang lansangan na siguro ay mga panatiko o mga addictus sa mga online games o kahit anong puwedeng gawin sa PC at internet [chatting? posible...]. Buti na lang hindi air-conditioned itong shop, dahil sigurado akong hindi iyon makakabuti sa mga tao dito sa loob...kuha niyo ba?

Dalawang linggo na ang nakalipas, eksakto dalawang linggo. Lunes iyon, hindi ako maaaring magkamali. At dalawang linggo na akong naiinip at di-mapakali. Hayaan ninyo, patatapusin ko lang itong linggong ito, ibabahagi ko ito sa inyo...

Seventeen minutes left.

Seventeen years old na nga pala ako, ngayong taon na ito ang debut ko pero hindi ako maghahanda. Para que pa? Taray...

Sabi ng Tito Ped ko, sa Manila Pen daw ako mag-dedebut, hihintayin na lang daw namin si Trillanes para libre na. Ayos, solve...may media coverage pa.

Fifteen minutes left.

Halos pudpudin ko ang mga daliri ko kahapon sa paggigitara, akala mo kung sinong marunong maggitara. Bumawi lang naman ako sa ilang linggo din na hindi pag-practice, ang laki na siguro ng kasalanan ko sa instructor ko na si Jer - kapwa estudyante ko na kasapi ng AMP, na nataong naging instructor ko sa guitar playing for beginners bilang bahagi ng Guitar 101 na proyekto ng AMP.

Sa ngayon, pinag-aaralan ko ang kantang Ako'y sa Iyo, at Ika'y Akin Lamang ng I'Axe.

Ten minutes left.

Napansin ko lang na ang tagal kong gumawa ng blog entry. Ganoon na siguro ka-stagnant ang utak ko. Kailangan ng turnover!

Hanggang dito na lang muna.

Sabado Syndrome

Peb 23, 2008



Wala pa akong nasisimulang gawin.

Meron na pala...mag-update ng friendster account, maghanap ng bantam edition ng Much Ado About Nothing sa internet nang makabili na ako, i-check ang mga yahoo accounts ko, magsimula nang maghanap ng puwedeng pag-aralang piyesa para igitara, at kung ano-ano pang mga walang kabuluhang bagay.

Bukod sa tinatamad, inaantok din ako.

Ito ang tinatawag kong Sabado Syndrome.

o.O

Clueless/Walang kamalay-malay

Peb 22, 2008

[sigh/bugtong-hininga]

Biyernes na naman. Parang Lunes pa lang kahapon. At tila ba wala akong kamalay-malay na dapat ngayon pa lang ay busy na ako. Bakit? Nabanggit ko na ang mga ilang gawain na kailangan ko munang daanan bago pa man ako makaranas ng bakasyon.

Una sa listahan ang Filipino paper ng grupo ko, na 4000-5000 words/60 pages double-spaced, na kailangang tapusin sa loob ng humigit-kumulang tatlong linggo. Nagkita-kita kami kaninang magkakagrupo [tatlo lang naman kami] pagkatapos ng Intact namin. Napagdesisyunan na naming magbasa ng mga librong posibleng maging major sources namin nang makausad na kami. Siguro tatlong linggong naging stagnant ang grupo namin. Buti na lang reflection na lang kami sa English at natapos na ang pesteng argumentative research paper ko - na hihintayin ko na lang kung bibigyan na naman niya ako ng -C+ na grade, ng mas mataas [sana!], o ng mas mababa [wag naman sana...].

Pangalawa ay yung term project namin sa environmental science. Gagawa sana kami ng nobela/koleksiyon ng mga maiikling-kwento ukol sa kapaligiran [the four elements]. Kaya lang hanggang ngayon wala pa kaming nagagawa.

Pangatlo ay ang adaptasyon namin ng Much Ado About Nothing ni William Shakespeare para sa Lit14. Kanina, nagkaroon kami ng maikling pagpupulong para sa presentasyon namin ng nasabing dula. At para bang nakikinikinita ko na kailangan kong mag-aral na maggitara para sa gagawin naming dula. Wow. Sabi nga ni Jamie, "first musical debut" ko iyon. Sa bagay, may tatlong linggo pa ako para matuto. Teka, tatlong linggo? E mayroon din akong tatlong linggo para sa FIl12, at term project sa ES, at marami pang iba.

Pang-apat ay ang Wushu finals.

Happy-happy muna. Kaninang Intact kumanta sina Pin at Fourth. Nagbasa ng tula sa Chris tungkol sa block E. Siguro unang beses iyon na nabanggit ako sa isang tula bilang ako, at hindi bilang kabilang ng isang kolektib.

"...I gonna love Ace, for having three letters for a name..."

Hahaha...galing. Sobra.


###

Eto: Tell me your dreams.

Iyan: I dream of you, of stars that shine, of waves that crash, I dream of you...

[bugtong-hininga]

Peb 21, 2008

Minsan, kapag wala nang pag-asa, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag kinakapos ng hininga, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag bumabagsak sa eksamin, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag napapahiya sa klase, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag lumikha ng ingay ang silya sa silid-aklatan, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag nagkaka-virus ang computer, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag nagloloko ang friendster, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag nandiyan siya sa harapan mo, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag wala nang maisip, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag maraming iniisip, bumubuntong-hininga ka na lang.

Minsan, kapag hindi bumubuntong-hininga, bumubuntong hininga ka na lang.

Maagang pagplalano ng bakasyon

Peb 20, 2008

Isa't kalahating buwan na lang at tapos na ang second sem. Bakasyon na. Bakasyon na naman. Kaya para hindi ako mainip o maging stagnant sa darating na bakasyon, naghahanda na ako ng mga bagay na dapat kong pagkaabalahan.

Una ay yung creative writing activity na binigay sa akin ni Noh. Ang tagal na kasi sa akin no'n, hindi ko pa natatapos, o nasisimulan nang matino.

Pangalawa ay mga blog entry na may 'sense'.

Pangatlo ay magbasa ng mga libro at nobela na matagal nang nakapila sa ibabaw ng cabinet ko.

Pang-apat ay manood ng mga anime dvds.

...

Iyan pa lang, pero marami na iyan.

At bago ko pa nga pala maisasakatuparan ang mga nabanggit na gawain, kailangan munang lampasan ang term project sa Environmental Science, final exam sa Math11, play ng Much Ado About Nothing para sa Lit14, final exam sa Lit14, reflection paper para sa English12, group presentation para sa Wushu, final exam sa Wushu, 60-page/4000-5000 words na paper para sa Fil12 in more or less 3 weeks!!!!


Whew...si William Shakespeare ang dapat sisihin sa lahat. I dare do all that may become a man, who dares do more is none!!! I hate you, Shakespeare!!!


:p

I'm gonna get an effing F !!!

Peb 19, 2008

Yesterday was my third Math long test, and I'm pretty sure that I will get a freakin' effin' F.

I didn't have time to study during the weekend because I crammed on my Argumentative paper - which took enormous number of hours from my supposedly sleeping time. What else? We went to Cavite to visit my newborn cousin, Kent Eizen.

One thing that I learned from the weekends that I have spent in Cavite: I never finish any school work there (Sometimes, I don't even get the opportunity to start anything!).

[sigh]

"If you're looking for the guilty, you need only look into a mirror" - V (V for Vendetta)

Fine, fine...Even if I blame the whole world for me getting an F in Math, it'll still end up on me anyway because I was the one who took the exam, and because I was the one responsible for that exam.

There's a scarcity of seriousness in my life right now (Don't I seem serious enough?).

Focus man, focus...

And I guess I should bear with my panda eyes and more sleepless nights ahead, since finals are getting nearer, and nearer, and nearer...

and nearer...

and nearer.

I would love to have a laptop. Gimme gimme!

Peb 18, 2008

After two sleepless nights writing my final argumentative research paper for English on my brother's laptop, I found myself this morning during English class actually loving the feeling of writing down words with my black, blotty pen. I guess too much of everything is not good after all. But don't get me wrong, I still want a laptop.

>.< <--- two nights without sleep, feels so high, hates her attire right now, misses wearing slippers to school, has long tests in Environmental Science laboratory and Math11, still hasn't reviewed anything, needs a bantam copy of William Shakespeare's Much Ado About Nothing, is starting to hate William Shakespeare, loves being so random, is hungry, is hopeless...

Maligayang Araw ng mga Puso!!!

Peb 14, 2008

Ngayong araw ng mga puso, wala akong klase pero nandito ako sa eskuwelahan. Ewan ko ba kung bakit parang ginawa nilang holiday ang Valentine's Day, iyan tuloy makulimlim ang langit. Dadalawa na nga lang ang klase ko kapag Huwebes, halos apat na oras pa ang break time, tapos parehong nagdesisyon ng freecut iyong dalawa kong guro.

Dapat kasi may practice kami ngayon sa Wushu para sa group presentation namin na gaganapin na sa Feb. 28, kaya lang ayaw nilang magpractice. Para naman sa Fil, ngayong umaga kami naglibrary work, kasi nga naman Valentine's Day...may date yung isa kong kagrupo [na bumili ng ferrero rocher chocolate na nagkakahalagang 500 pesos LANG NAMAN!]. Mananatili pa ako dito sa eskuwelahan hanggang hapon, mamayang 1:30 kukunin ko yung Math notebook ko kay Anna G. Tapos baka irevise ko na din yung peste kong English paper.

Ayoko na talagang hawakan yung papel na iyon e, kung puwede nga lang hindi na ako magpapasa ng final paper. Paano ba naman kasi, last last week, nakakondisyon na akong magreevise ng draft at ang kulang na lang ay iyong second draft ko na nasa guro pa namin. Paano ba naman ako magrerevise nang walang pinagbabasehan kung ano ang mga babaguhin, tatanggalin, o idadagdag sa gawa ko? Sabi siya ng sabi na ilalagay niya sa pigeonhole niya, tapos halos dalawang linggo akong pabalik-balik sa de la Costa, wala naman doon yung mga second draft namin.

At eto, noong Monday lang ibinalik sa amin ang mga papel namin. What kind of a grade is -C+ anyway? Ayan tuloy napapa-Ingles ako. Sana pinlakda na lang niya sa C/C+ yung grade ko nang hindi ako nag-aasume na hindi ako karapatdapat sa grade na C+, o maging sa grade na C. Sabi nga nung iba kong mga kaibigan, baka F ang ibig sabihin ng -C+. Ngayon ko napatutunayan na hindi talaga para sa akin ang subject na English, o hindi ko gamay ang subject na English di tulad ng pinaniniwalaan ko noon.

Balik sa kuwentong puso.

May mga badges na binebenta ngayon dito, ibinalita lang sa akin ni kuya: S.A.W.I. at S.A.P.U.L. SAWI = Samahan ng mga Atenistang Walang Iniibig.
SAPUL = Samahan ng mga Atenistang Palaging Umaasa Lang.

Kung mga organisasyon ang mga iyan, malamang sasalihan ko. For conformity purposes. Pero hindi pa rin bagay sa akin. Kasi hindi totoong wala akong iniibig/minamahal, pero hindi rin totoong palagi akong umaasa. Umiibig ako, ngunit hindi umaasa. Sapagkat ang umibig ay isang bagay na hindi ko mapipigilan, at ang pag-asa'y isang bagay na aking itinataboy dahil wala naman talaga akong aasahan. Wala namang bago e, lagi nang ganito kaya tila namamanhid na ako. At isa pa, ang pakiramdam ko'y wala ako sa tamang lugar para magsabi/magsulat tungkol sa mga bagay ukol dito.

Ang Valentine's Day bilang isang araw.

Hanggang sa ngayon ay nananatiling mito para sa aking ang mismong araw ng Valentine's Day, sapagkat para lamang ito sa mga taong "marunong" umibig. Marunong: nakaranas na ng pag-ibig, nagmahal at minahal, nagmamahal at minamamahal, nagpipilit magmahal at mahalin. Ipagpapalagay kong hindi ako "marunong" umibig. Ngayon ko lang nakita kung gaano kabigat ang araw na ito para sa ibang mga tao. Ang dami kong nakikitang mga bouquet ng mga bulaklak, at iyong mga magagandang halimbawa ng mga taong pinaghahandaan ang araw na ito ay iyong kagrupo kong bumili ng ferrero rocher.

Para sa akin noon, ang Valentine's Day ay isang araw kung kailan kailangan mong magdala ng red art paper, red cartolina, red glitters, glue, scissors, design, etc., sa eskuwelahan. Pagagawin ng mga cards ang mga estudyante para sa kanilang mga magulang o mga kaibigan. Noong isang taon ang huling beses kong ginawa iyan, pero hindi bilang isang proyekto sa Art kundi bilang pasasalamat at paghingi ng tawad sa lahat ng mga naging guro namin noong high school. Masyado na raw kasing marami ang atraso ng seksiyon namin sa mga guro ng eskuwelahan namin, at panahon na raw para humingi kami ng tawad. Buti na lang cinareer ko nang todo. Hindi ako halos natulog noong eve ng Valentine's Day para gumawa ng mga cards para sa mga guro. Gumawa ako ng apat na tula, tig-isa sa bawat year level. Naibigay naman sa mga guro. Iyong iba natuwa. Meron namang guro na nagtampo kasi hindi namin binigyan ng card, e hindi naman namin siya naging guro. Buti na lang may isa akong kaklase ng nagdala din ng Valentine Cards
para sa mga guro, kaya solve ang problema.

Bukod sa mga cards, namigay din ako ng mga bulaklak sa mga kaibigan ko. At siyempre, hindi ko iyan pinagkagastusan. Namitas lang ako ng mga roses sa miniature rose plants ng mama ko at ng mga rosal sa rosal plant ng mama ko. Talagang bongga di ba? Haha, hindi ko na matandaan kung anong pumasok sa isipan ko at talagang pinaghandaan ko ang Valentine's Day last year.

Ngayong taon na ito, pula ang panyo ko at pula din ang medyas ko. Kahit papaano naman nakikiayon din ako sa panahon. Ayokong magmukhang KJ o maging conformist sa pagtiwalag sa pagseselebra ng araw ng mga puso. Natutuwa nga rin ako sa mga nagiging epekto ng Valentine's Day sa mga tao. May mga taong labis na napanghihinaan ng loob dahil wala silang date ngayong Valentine's [mga conformist], may mga taong galit sa Valentine's [Non-conformist DAW pero nagko-conform sa pagiging rebelde sa conformity. Uso e.], may mga taong nababaliw at tumatalon sa mga billboard, may mga taong minumura ang mga bulaklak sa labis na kamahalan, may mga taong sagot nang sagot ng love surveys sa friendster, may mga taong gumagawa ng blog entry tungkol sa Valentine's Day, may mga gurong nagbibigay ng freecut, may mga nanay na nalilimutang bigyan ng baong pera ang kaniyang anak kaya kailangan niyang makipagkita sa kuya niya sa loob ng eskuwelahan para kunin ang baon, may mga sikmurang kumukulo dahil sa gutom, may mga taong nagkakamali, may mga taong nagbibilang ng nunal sa kanilang buong katawan, at may mga taong binabago ang friendster profile nila.

How random.

Wanted si Kupido ngayong araw na ito. Ang sinumang makahuli sa kaniya ay magkakamit ng walang hanggang pagmamahal.

Halina't Magbakasakali.

Peb 10, 2008

Hindi ako halos natulog kagabi.

Hindi dahil nanood ako ng Rambo at binagabag ng labis na kabrutalan.

Kundi dahil nagbakasakali na naman ako.

Bumaha ng mga salita kagabi.

Mahirap palang maglimas ng mga salita.

Naabala ang mga talang walang ginawa kundi panoorin ang mga mangingibig.

Kaya hinele nila ako.

At nakatulog ako nang bukas ang ilaw ng kuwarto.

Nakabitin ang mga salitang nilimas at pinatutuyo.

Tinulugan ko silang lahat.

At nagpatuloy ang pagbabakasakali sa aking mundo ng mga panaginip.

Sagala '08. Totoo na 'to!

Peb 9, 2008

Gharhabhe...

Oo, gharhabhe...hindi grabe. Gharhabhe!!!

Pagod na pagod ako kahapon dahil sa Sagala ng mga Sikat '08. Kasali kasi ang section namin. Ang tema namin ay "The Jewel Sisters." Hindi man kami nanalo sa pagandahan ng float, o sa pagandahan ng performance, uhmmm [isip, isip!]...may binaon naman kaming mga alaala! (ninakaw ko lang ang mga pics sa multiply account ni John Mark...pero nagpaalam naman ako.)


The Jewel Sisters: Tasha (Sapphire1), Aya (Ruby), Sarah (Sapphire2), and Ethel (Emerald).




The Jewel Sisters again.




Some of the Avid Fans! From left: Anna, Mirza, Heinz, Yanna, Jong, Ybonne, Anonymous, and Marcy. On Marcy's banner: Bawal Pumitas ng mga Bulaklak!




A blurry pic: Vince as the director, Tina as the manager, and Orly as Terrence.




Yipee! Parada na! Nasa harapan ako...hehe. Kaya lahat ng kumukuha ng litrato sa float namin, ako agad ang makikita. Feeling sikat?



Avid fans pa rin...Sarap ng tawa ni Mirza...Todo naman ang ngiti ko. Meow!



Hay...panalo talaga para sa akin ang performances ng 1) mga bayani ng Martial Law, 2) Apokalipsis [astig pati yung maikling kuwento!], at 3) Burlesk Queen.

Paano ko masasabing nagandahan ako sa mga performances na sinabi ko? Ganito:
Wow, ang ganda...
Wow. Ang ganda.
Wow shit, ang ganda...
Shit, ang ganda.
Shit. Ganda.
Whoa. Ang ganda, shit.

Makatotohanan ang performance ng mga bayani ng martial law, kasi talagang nilublob sa isang baldeng tubig iyong ulo nung babae. Tapos binuhusan ng isang timbang tubig iyong isang lalaki. Iyong gumanap na Inang Bayan, mapapaniwala kang umiiyak talaga siya. Ang lalim pati ng mensahe ng performance. At ayon na din kay G. Jelson Capilos [emcee para sa gabing iyon kasama si G. Yol Jamendang], napapanahon ang tema nila. SIla ang nagwagi ng unang gantimpala!

Sa Apokalipsis naman, na base sa maikling kuwento ni G. Alvin Yapan, kahit na lalaki ang gumanap sa tatlong bidang babae, napanatili ang seryosong mensahe ng kuwento. Ang ganda din nung boses ng nagvoice-over. Nakasama din yata sila sa Top Ten.

Sa Burlesk Queen, hindi ko akalaing may matapang na magsusuot ng ganoon. Hulaan niyo na lang kung anong itsura nung 'ganoon' na tinutukoy ko. Mapangahas ang pagganap ng mga estudyante rito, at hindi naman nasayang ang pagod nila kasi nakasama naman sila sa Top Ten para sa gabing iyon.


Sayang naman, kasi baka hindi na kami makasali sa mga susunod pang Sagala ng mga Sikat. Pero baka ayaw na rin nilang sumali kung sakali. Hehe...ewan ko lang, sino bang makapagsasabi?








Nocturne!

Peb 8, 2008

After almost a year, ngayon ko lang nadownload ang video na ito sa youtube! Nandiyan ako, hanapin niyo ako...




alas-trese

Peb 7, 2008

Nandito ako sa RSF ngayon [hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng RSF, basta katabi ng RMT o Rizal Mini Theatre], sa station number 13. Ano? 13? Tapos bigla kong naalala iyong codename ko noong third year sa sinalihan kong patimpalak para sa pagsulat ng sanaysay. Alas-trese. Astig. Tapos naalala ko din na 13 ang petsa ng birthday ko. Noong grade 6 ako, hindi ako pinapasok sa eskuwela ng mama ko kasi natapat ng Biyernes ang birthday ko. Friday the 13th. Ngayon kayang kolehiyo ako, tatapat ba uli sa araw na Biyernes ang birthday ko? Kung sakali man, papapasukin kaya ako ng mama ko? Naman, OA na siguro 'yun....

Nakakatakot iyong mouse sa computer na 'to. Paano ba naman, gumagalaw mag-isa iyong mouse pointer, nanginginig pa. Parang si Sadako. Pakiramdam ko din possessed iyong mouse kasi ang hirap kontrolin.

###

Pinanood namin sa English 12 iyong pelikulang "Malena." Maganda naman ang istorya, kaya lang may mga pang-adult na nilalaman. Pero siyempre, kailangan open-minded na ako sa mga ganiyang bagay. Buti na lang babae ako, kasi sa tingin ko mas mature ang paningin ng mga babae sa mga bagay ukol sa sex, o mas seryoso. Hindi ko lang alam, pero iyon kasi ang pananaw ko, kahit na minsan hindi ko pa ring maiwasan na hindi tumawa o mandiri.

Tulad na lang noong isang klase namin sa Environmental Science at pinag-aaralan namin ang pagkontrol sa paglago ng populasyon. Bilang sex education na rin sa amin, isinama sa lecture namin ang mga iba't-ibang paraan ng birth control methods. Pinag-aralan ko na iyan noong fourth year, iyon nga lang, kinabisado ko lang iyong mga methods at percentage ng effectivity nila. Sa pagtuturo sa amin ng guro namin, hindi maiiwasan ang pag-iisip ng marumi o malaswa - tao lang din naman ako, tulad ninyo. OK na sana, maayos naman at interesante ang lecture na medyo inspired ng theology education ng teacher namin, nang biglang nagtawanan ng malakas iyong ibang mga lalake. Tiningnan ko iyong powerpoint presentation. Ang sa isip ko: "Ah, diagram/picture ng parts ng male organ. Bakit pa kaya sila natatawa e araw-araw naman nilang nakikita iyon?" Tiningnan ko uli ng maigi iyong powerpoint presentation. At...

Vasectomy na ang pinag-aaralan namin noong panahong iyon. Sa screen, may pinakitang picture ng body part na inooperahan. Iyon na nga...

Aminado ako at hindi nagkunwari, na gulat na gulat ako. Hindi pa kasi ako handa...

Pero sige, for the sake of Science na lang...pero hindi na kinakailangang tingnan iyon.

Hindi lang naman tungkol sa sex ang mga bagay na natutuhan ko nang tanggapin kasi nariyan lang naman talaga iyan sa tabi-tabi. Pati na rin tungkol sa homosexuality, at lalong-lalo na sa bisexuality.

Open-mindedness. Lagi kong naririnig at nakikita itong salitang ito sa mga characteristics ng isang good researcher o scientist.

Masasabi kong open-minded ako noong pinanood ko ang "Malena" [ang direktor nito ay ang direktor din ng "Cinema Paradiso" at "The Legend of 1900"] At pati na rin ang "Death of Memory" ni Glen Mas.

Pero hindi pa sapat iyon.


###

Alas-trese. Bigla lang akong nagtaka kung bakit walang oras na alas-trese. Ang pangit siguro no'n, ano? Thirteen O'Clock.

40% Girlish, 50% Boyish, 50% Nerdy, 60& Emo, 70% Childish

Peb 6, 2008

Girly
[x] I like at least one shade of pink.
[ ] I don't like being messy.
[ ] My belongings are organized.
[ ] I don't like rock music.
[ ] I like wearing accessories.
[x] Bright colors amaze me.
[ ] I hate black.
[ ] I go to the salon once a week.
[x] I comb my hair almost all the time.
[x] I bring my phone with me
everywhere.

TOTAL:40

Boyish
[x] I wear baggy pants.
[x] I play video games.
[x] I listen to boy bands like Fall
Out Boy,Yellowcard,
Switchfoot, etc.
[x] I like wearing jackets with hoods.
[x] I'm too lazy to do chores.
[ ] I don't like shopping.
[ ] I like to go bungee jumping.
[ ] I like being sweaty.
[ ] I'm a big fan of marvel heroes.
[ ] I always wear perfume.

TOTAL: 50

Nerdy
[x] I always carry a pen in my
purse or pocket.
[x] I enjoy studying.
[ ] I wear glasses
[ ] I'm a straight-A student.
[ ] I've never skipped any class in my
whole life.
[ ] I like my shirt tucked in.
[x] One of My favorite subject is
science.
[x] I like reading books.
[x] My assignments are passed up on
time.

TOTAL: 50

Emo
[x] I love the color black.
[ ] I always sit at the corner.
[ ] One side of my hair is covering
one of my eyes.
[x] I like listening to metal rock
music.
[x] I have a lot of problems in my
life. Promise.
[x] I don't talk much.
[x] I don't have that much friends.
[ ] I barely have fun.
[x] I barely go out with my folks or
friends.

TOTAL:60

Childish
[x] I love to stare at the ceiling for
ten minutes.
[x] I sleep with a stuff toy.
[x] I watch cartoons.
[x] I love to invent words only i
understand.
[ ] I sleep with a night light.
[ ] My parents are the ones who choose
my outfit.
[x] I'm scared of roller coasters.
[x] I like being with my family
relatives.
[ ] I take bubble baths.
[x] I love Spongebob.

TOTAL:70

Multiply each score by 10. And repost
as
"_% girlish, __% boyish, __% nerdy, __% childish


###

Isang walang kuwentang survey na kinuha ko sa Friendster. Sinagutan ko lang, kasi mukhang interesante. At natuklasan ko na lahat ng ito ay puro stereotypes. Tapos gagawa na nga ng stereotype, hindi pa reliable!

VIOLENT REACTION #1

Bakit ito tinawag na survey? Ano ba ang batayan para matawag na survey ang isang survey?


VIOLENT REACTION #2

So ang babae hindi dapat marumi at ang lalake ay dapat laging marumi? Nababading na ba ang mga lalaking dinadala ang mga phone nila kahit saan sila magpunta? That's called communication necessity man! Hindi girly attitude/trait...

VIOLENT REACTION #3

Sa tingin ko, mas maraming babae ang may gusto ng mga bandang fallout boy at yellowcard, dahil maraming babae ang trip ang mga emo boys...na mga lalaki naman ang umiiyak imbis na lagi na lang mga babae...At wala na rin bang karapatang maging tamad ang mga babae?

VIOLENT REACTION #4

So kung ang paborito mong subject ay Filipino o English, hindi ka na puwedeng ihanay sa mga nerds? Sa Science lang ba nagiging nerd ang isang tao, o nasusukat ang sobra-sobrang katalinuhan ng isang tao? Tungkol sa mga libro, dapat binibigyang kahalagahan kung anong klaseng libro ang binabasa...Tucked-in shirt? That's part of fashion, not education.

VIOLENT REACTION #5

Emo. Naman. Parang ayokong magsalita. I assume that nerds don't have a lot of friends...so can they be emo? At paano kung mahiyain lang talaga? Emo na? Ganoon?

VIOLENT REACTION #6

There are just some childish things that we bring throughout our life...and in a way, they don't become childish anymore. They will become YOU.

###

Pumapatay lang ng oras.

###

Math is full of shit. Alam mo na, TAE. Trial And Error.

Now Playing.....

Peb 5, 2008

...is Slapshock with Agent Orange, in live and acoustic with Rivermaya - noong mukha pang tambay si Rico Blanco. Ikumpara mo naman kasi iyong itsura niya noon sa itsura niya ngayon, at makikita mo ang napakalaking improvement. At para naman patas kay Rico Blanco [pilit tinagalog ang 'in fairness to'] kahit na iniwan niya ang Rivermaya, marami pa naman siyang puwedeng gawin bukod sa pagkanta. Ang galing nga niyang umarte sa indie film na 'Nasaan si Francis.' At nabalitaan ko ding nagpipinta rin siya. Sabi nga rin sa isang article na nabasa ko sa isang song hits, renaissance man daw talaga itong si Rico Blanco.

Good luck na lang siguro sa kaniya at sa bagong bokalista ng Rivermaya na si Jason.

Good luck din sa akin sa pagsagot ng math homework ko.

Good luck din sa patuloy kong pakikipagkaibigan kina John Locke at Immanuel Kant.

Good luck din sa paghihintay ko sa isang email.

Good luck din sa isa ko na namang pagbabakasakali.

Good luck din sa block E para sa Sagala '08.

Good luck kay Jose de Venecia.

Naalala ko tuloy iyong balita na napanood ko sa TV Patrol. Ang sabi daw ay mamalasin ng todo-todo ang mga ipinanganak sa year of the horse ngayong year of the rat. E, paano ba yan? Year of the horse ako, pati na rin mommy ko, at karamihan ng mga kaklase ko at kapwa freshmen...Tatanggap daw kami ng walong klaseng hagupit ng kamalasan, at makokontra lang iyon kapag bumili kami ng lucky charm...

Three words: I DON'T CARE.

Mas naniniwala ako sa Chinese planner na nabasa ko sa National Bookstore na hindi ko binili. At siyempre diskarte ko na yan, at ng kalibre kwarenta'y singko kong balat sa kaliwa kong kamay.

Good luck uli kay Jose de Venecia.

Now playing: ...'wag na init ulo, baby. Dinggin mo please payong ito. Inom tubig, nood ng t.v. Gaan bigla problema mo...

Paglaruan ang blog...

Peb 4, 2008

Sinumpong lang ako na paglaruan ang blog kong ito. Ang resulta: isang hit counter at chat box. Wala lang...sana nga magamit e.

###

Sa ngayon, kinakaibigan ko sina Immanuel Kant, John Locke, Karl Marx, at Machiavelli. Kaya lang ilag pa sila sa akin. Ayaw nilang ipaintindi sa akin ang mga pilosoppiya nila. Kailangan ko ang tulong ni Sophie Amundsen ng Sophie's World...

###

May pasok na naman bukas, Wushu lang naman at meeting ng block para sa Sagala '08 na sa Biyernes na gaganapin. Atsaka maghahanap pa ako ng ibang mga pilosopo o mga manunulat na puwedeng kaibiganin sa library. At may nakabitin pa nga pala akong math homework...

###

May hinihintay akong email, kaya lang malabo na yatang dumating iyon. 'Eto na naman akong nagbabakasakali. Ang buhay ko ay puno ng pagbabakasakali.

###

Pinag-iisipan ko pa kung tuluyan ko ng bibitawan ang friendster blog ko, para ito na lang 'can't think of a name' ang pagkakaabalahan ko. Priorities, man, priorities. [at kailan pa naging priority ang blog? matanong ko lang...]

###

Sa ngayon, mas naeengganyo akong mag-type, kaysa magsulat. Alam mo na, yung pagsusulat sa papel gamit ang kahit na anong panulat. Minsan, hindi kaya ng kamay ko ang pagdagsa ng mga salita...kahit na walang katuturan.

Isang Pangako

Peb 3, 2008

Heto na ang hinog na hinog kong reflection paper para sa minalas kong poetry reading na One Night Only: a night of poetry, spectacle, and songs. Edited na ito, kasi iyong paper namin ay maximum of 2 pages lang, kaya isiniksik ko sa dalawang pahina na double-spaced ang repleksiyon ko. At dahil hinog na hinog na nga itong papel na ito, kaunti na lang ang naidagdag ko, at medyo nauubusan na ako ng mga nararapat na adjectives.


Breathing Poetry and Drinking Songs


“One Night Only: A night of poetry, spectacle, and songs” was the first poetry reading that I ever witnessed. Of course this night was very different from the poetry readings done in my Lit14 class and Fil12 class (In Lit14, we read poems because it is required not because we like to, although sometimes I also like it. In Fil12, our teacher reads some Filipino poems for us as part of the prayer/introduction for the class.) Located at the MVP roof deck, a very natural, airy, and carefree atmosphere was created. Away from the usual background of college life, teachers, poets, and students were able to see things in a different angle, to see beauty in the form of words and rhythm, and to experience beauty in an elevated consciousness.


Managed by the English Department, the program showcased the talents of some of the members of the faculty. Even before the program started, I have already eyed some of the teachers whose faces were familiar because of Glenn Mas’ Death of Memory, which I have watched last year and I was unaware back then that there were members of the English Department in the cast. When Leo Locsin led the prayer with a wonderful song number with some people from the Glee Club, I thought, “What else do these teachers keep from us?” I mean, it’s nice to know that your teachers can do more than teaching, that they also have a life besides preparing for their lectures and computing for your grades.


When the poetry reading started, I could really feel the waves of seemingly infinite images splash against me. Really, there is a difference between reading a poem and listening to someone read it. When I read a poem, of course I read it from my own point of view. Unconsciously, I give it a new meaning based on how my mind interprets the words. I’m just too busy understanding it, unraveling its message, story or theme. I always find myself scrambling for definitions of unfamiliar words (in my case, I’ve already encountered a lot of unfamiliar words). I always forget something that is more important, though I really don’t know what THAT is. I think it’s the essence, or more like the soul of the poem. When I listen to someone read a poem, I hear more, I feel more, and I see more. I feel its soul. There’s nothing more significant than listening, then everything’s just going to follow. It seemed like going under hypnosis and I was forced to swim with the images that the reader kept on flowing through his/her voice.


Of all the poetry readings done, I would never forget Mr. Migoy Lizada and Miss Anina Abola’s poetry readings for making my heart throb with overwhelming emotions. Mr. Migoy Lizada’s “The Morning After” was a very good poem. He warned beforehand that the author is different from the persona, a general knowledge in poetry though it takes time to fully master its context. Personally, I think that his poem is in its best when being read, taking particular stress on the same lines being repeated all throughout the poem – which bear different meanings when interchanged with the other lines. While Miss Anina Abola’s sad poem and letter made me teary-eyed. Again, I have proved how sensitive I can be towards other people’s pains, wounds, and memories.


More poems were read and students from Korea, Japan, and Cambodia even shared a piece of their culture. As the Cambodian student read his poem by chanting/singing it, I realized that our very own “Pasyon” is not, after all, exceptional. As of how I understood the student, Cambodian poems are really interesting because you can read/sing/chant it along with any rhythm that you want, just like our “Pasyon.”


As a final presentation, a Lit class performed an abridged version of Grease. I could almost see Zac Efron of High School Musical in the lead actor, while I bet that the lead actress is even better than Vanessa Hudgens, also from HSM. This mini-play reminded me of my experience in producing an abridged version of Miss Saigon with my classmates back in high school. I didn’t play any of the major roles, but I did most of my part backstage. Putting up a play is a tedious activity, thus the power of teamwork and group effort becomes its heart.


As the Grease presentation ended, the time to end the one and only night of poetry, spectacle, and songs came. I never regret staying until the last minute - which was spent stacking monoblock chairs - for that was one of my most fascinating night. Hopefully, I am looking forward for another “one and only night.”

Sadness

Peb 2, 2008

Naranasan mo na bang...


1. malungkot dahil nasaktan ka?

2. malungkot dahil hindi ka kuntento?

  • malungkot dahil hindi ka kuntento sa sarili mo?

  • malungkot dahil hindi ka kuntento sa iyong kakayahan?

  • malungkot dahil hindi ka kuntento sa mga ginagawa mo?

  • malungkot dahil hindi ka kuntento sa nangyayari sa buhay mo?

  • malungkot dahil hindi ka kuntento sa paningin ng ibang tao sa iyo?

3. malungkot dahil malungkot ang mga tao sa paligid mo?

4. malungkot dahil alam mong hindi madali ang maging masaya?

5. malungkot dahil alam mong malulungkot ka muli sa hinaharap?

6. malungkot dahil lahat sila masaya?

7. malungkot dahil wala kang magawa?

8. malungkot dahil walang katiyakan ang iyong kinabukasan?

9. malungkot dahil sa maling akala?

###

Hindi ba halatang nalulungkot ako ngayon?

Advisory marks...

Peb 1, 2008

Ace: Ay ma, nakuha ko na nga pala yung advisory marks ko...

Mommy: O, kamusta?

Ace: Uhmmm, ayos lang po...may isa po akong C+...

Mommy: Uhuh, sa susunod gusto kong maging B yang C+ na yan...

Ace: Opo.

Mommy: May A ka naman pala e. Sa lab. nga lang, 1 unit lang.

Ace: Kaya nga po e...


###


Weee.....kailangang bumawi!

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger