Paglaruan ang blog...

Peb 4, 2008

Sinumpong lang ako na paglaruan ang blog kong ito. Ang resulta: isang hit counter at chat box. Wala lang...sana nga magamit e.

###

Sa ngayon, kinakaibigan ko sina Immanuel Kant, John Locke, Karl Marx, at Machiavelli. Kaya lang ilag pa sila sa akin. Ayaw nilang ipaintindi sa akin ang mga pilosoppiya nila. Kailangan ko ang tulong ni Sophie Amundsen ng Sophie's World...

###

May pasok na naman bukas, Wushu lang naman at meeting ng block para sa Sagala '08 na sa Biyernes na gaganapin. Atsaka maghahanap pa ako ng ibang mga pilosopo o mga manunulat na puwedeng kaibiganin sa library. At may nakabitin pa nga pala akong math homework...

###

May hinihintay akong email, kaya lang malabo na yatang dumating iyon. 'Eto na naman akong nagbabakasakali. Ang buhay ko ay puno ng pagbabakasakali.

###

Pinag-iisipan ko pa kung tuluyan ko ng bibitawan ang friendster blog ko, para ito na lang 'can't think of a name' ang pagkakaabalahan ko. Priorities, man, priorities. [at kailan pa naging priority ang blog? matanong ko lang...]

###

Sa ngayon, mas naeengganyo akong mag-type, kaysa magsulat. Alam mo na, yung pagsusulat sa papel gamit ang kahit na anong panulat. Minsan, hindi kaya ng kamay ko ang pagdagsa ng mga salita...kahit na walang katuturan.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger