Now Playing.....

Peb 5, 2008

...is Slapshock with Agent Orange, in live and acoustic with Rivermaya - noong mukha pang tambay si Rico Blanco. Ikumpara mo naman kasi iyong itsura niya noon sa itsura niya ngayon, at makikita mo ang napakalaking improvement. At para naman patas kay Rico Blanco [pilit tinagalog ang 'in fairness to'] kahit na iniwan niya ang Rivermaya, marami pa naman siyang puwedeng gawin bukod sa pagkanta. Ang galing nga niyang umarte sa indie film na 'Nasaan si Francis.' At nabalitaan ko ding nagpipinta rin siya. Sabi nga rin sa isang article na nabasa ko sa isang song hits, renaissance man daw talaga itong si Rico Blanco.

Good luck na lang siguro sa kaniya at sa bagong bokalista ng Rivermaya na si Jason.

Good luck din sa akin sa pagsagot ng math homework ko.

Good luck din sa patuloy kong pakikipagkaibigan kina John Locke at Immanuel Kant.

Good luck din sa paghihintay ko sa isang email.

Good luck din sa isa ko na namang pagbabakasakali.

Good luck din sa block E para sa Sagala '08.

Good luck kay Jose de Venecia.

Naalala ko tuloy iyong balita na napanood ko sa TV Patrol. Ang sabi daw ay mamalasin ng todo-todo ang mga ipinanganak sa year of the horse ngayong year of the rat. E, paano ba yan? Year of the horse ako, pati na rin mommy ko, at karamihan ng mga kaklase ko at kapwa freshmen...Tatanggap daw kami ng walong klaseng hagupit ng kamalasan, at makokontra lang iyon kapag bumili kami ng lucky charm...

Three words: I DON'T CARE.

Mas naniniwala ako sa Chinese planner na nabasa ko sa National Bookstore na hindi ko binili. At siyempre diskarte ko na yan, at ng kalibre kwarenta'y singko kong balat sa kaliwa kong kamay.

Good luck uli kay Jose de Venecia.

Now playing: ...'wag na init ulo, baby. Dinggin mo please payong ito. Inom tubig, nood ng t.v. Gaan bigla problema mo...

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger