Isa't kalahating buwan na lang at tapos na ang second sem. Bakasyon na. Bakasyon na naman. Kaya para hindi ako mainip o maging stagnant sa darating na bakasyon, naghahanda na ako ng mga bagay na dapat kong pagkaabalahan.
Una ay yung creative writing activity na binigay sa akin ni Noh. Ang tagal na kasi sa akin no'n, hindi ko pa natatapos, o nasisimulan nang matino.
Pangalawa ay mga blog entry na may 'sense'.
Pangatlo ay magbasa ng mga libro at nobela na matagal nang nakapila sa ibabaw ng cabinet ko.
Pang-apat ay manood ng mga anime dvds.
...
Iyan pa lang, pero marami na iyan.
At bago ko pa nga pala maisasakatuparan ang mga nabanggit na gawain, kailangan munang lampasan ang term project sa Environmental Science, final exam sa Math11, play ng Much Ado About Nothing para sa Lit14, final exam sa Lit14, reflection paper para sa English12, group presentation para sa Wushu, final exam sa Wushu, 60-page/4000-5000 words na paper para sa Fil12 in more or less 3 weeks!!!!
Whew...si William Shakespeare ang dapat sisihin sa lahat. I dare do all that may become a man, who dares do more is none!!! I hate you, Shakespeare!!!
:p
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento