alas-trese

Peb 7, 2008

Nandito ako sa RSF ngayon [hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng RSF, basta katabi ng RMT o Rizal Mini Theatre], sa station number 13. Ano? 13? Tapos bigla kong naalala iyong codename ko noong third year sa sinalihan kong patimpalak para sa pagsulat ng sanaysay. Alas-trese. Astig. Tapos naalala ko din na 13 ang petsa ng birthday ko. Noong grade 6 ako, hindi ako pinapasok sa eskuwela ng mama ko kasi natapat ng Biyernes ang birthday ko. Friday the 13th. Ngayon kayang kolehiyo ako, tatapat ba uli sa araw na Biyernes ang birthday ko? Kung sakali man, papapasukin kaya ako ng mama ko? Naman, OA na siguro 'yun....

Nakakatakot iyong mouse sa computer na 'to. Paano ba naman, gumagalaw mag-isa iyong mouse pointer, nanginginig pa. Parang si Sadako. Pakiramdam ko din possessed iyong mouse kasi ang hirap kontrolin.

###

Pinanood namin sa English 12 iyong pelikulang "Malena." Maganda naman ang istorya, kaya lang may mga pang-adult na nilalaman. Pero siyempre, kailangan open-minded na ako sa mga ganiyang bagay. Buti na lang babae ako, kasi sa tingin ko mas mature ang paningin ng mga babae sa mga bagay ukol sa sex, o mas seryoso. Hindi ko lang alam, pero iyon kasi ang pananaw ko, kahit na minsan hindi ko pa ring maiwasan na hindi tumawa o mandiri.

Tulad na lang noong isang klase namin sa Environmental Science at pinag-aaralan namin ang pagkontrol sa paglago ng populasyon. Bilang sex education na rin sa amin, isinama sa lecture namin ang mga iba't-ibang paraan ng birth control methods. Pinag-aralan ko na iyan noong fourth year, iyon nga lang, kinabisado ko lang iyong mga methods at percentage ng effectivity nila. Sa pagtuturo sa amin ng guro namin, hindi maiiwasan ang pag-iisip ng marumi o malaswa - tao lang din naman ako, tulad ninyo. OK na sana, maayos naman at interesante ang lecture na medyo inspired ng theology education ng teacher namin, nang biglang nagtawanan ng malakas iyong ibang mga lalake. Tiningnan ko iyong powerpoint presentation. Ang sa isip ko: "Ah, diagram/picture ng parts ng male organ. Bakit pa kaya sila natatawa e araw-araw naman nilang nakikita iyon?" Tiningnan ko uli ng maigi iyong powerpoint presentation. At...

Vasectomy na ang pinag-aaralan namin noong panahong iyon. Sa screen, may pinakitang picture ng body part na inooperahan. Iyon na nga...

Aminado ako at hindi nagkunwari, na gulat na gulat ako. Hindi pa kasi ako handa...

Pero sige, for the sake of Science na lang...pero hindi na kinakailangang tingnan iyon.

Hindi lang naman tungkol sa sex ang mga bagay na natutuhan ko nang tanggapin kasi nariyan lang naman talaga iyan sa tabi-tabi. Pati na rin tungkol sa homosexuality, at lalong-lalo na sa bisexuality.

Open-mindedness. Lagi kong naririnig at nakikita itong salitang ito sa mga characteristics ng isang good researcher o scientist.

Masasabi kong open-minded ako noong pinanood ko ang "Malena" [ang direktor nito ay ang direktor din ng "Cinema Paradiso" at "The Legend of 1900"] At pati na rin ang "Death of Memory" ni Glen Mas.

Pero hindi pa sapat iyon.


###

Alas-trese. Bigla lang akong nagtaka kung bakit walang oras na alas-trese. Ang pangit siguro no'n, ano? Thirteen O'Clock.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger