Smiles away...You're so many smiles away.

Peb 27, 2008

Bago ang lahat, nalaman kong nobelista na si Bob Ong. Nobela ba iyong MacArthur? Hindi ko alam kasi hindi ko pa nababasa iyon.

Natutuwa ako para sa kaniya. =)

###

Kamakailan lamang ay napapansin kong napapadalas ang mga solitary smiling moments ko. Iyon bang ngingiti na lang ako bigla dahil sa mga sobrang babaw na happy thoughts. Nakakabaliw, di ba? Kahit ako nawiwirdohan sa sarili ko. Delikado nga e.

Napansin ko lang iyon nang makita ako ni mama na nakangiti habang may inaabot sa kaniya. E hindi normal sa akin ang nakangiti kasi lagi daw akong nakasimangot. HIndi naman siguro ako aabot ng mental hospital dahil sa pagngiti dahil sa mga nakakatawang bagay na pumapasok sa isipan ko? Buti nga may dahilan e, kaysa ngumingiti ng wala naman talagang dahilan.

Tuwing kailan nga ba ngumingiti ang isang tao? Maliban sa mga unggoy, wala nang hayop bukod sa mga tao ang may kakayahang ngumiti sa aking pagkakaalam. Kaya nga siguro masarap paglaruan ang mga larawan ng mga pusa at i-distort ang kanilang mga mukha na parang ngumingiti, at hindi ko malilimutan iyong pusa ni Bob Ong na tinatawanan ang mga taong hindi maganda ang gupit ng buhok [pusang hindi na makahinga sa kakatawa]...

Ang mga tao'y ngumingiti kapag nagagalak, kapag natutuwa, kapag may binabalak na masama, kapag nae-excite, kapag nang-aalaska, kapag nandiyan na ang crush niya, at marami pang dahilan.

Tao rin naman ako e, na may karapatang ngumiti. Iyon nga lang, natataong mag-isa ako. Wah! Delikado talaga...

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger