Status:
Kasalukuyang nasisiyahan dahil sa pag-usad ng kanilang mga gawain bilang grupo sa Fil12.
###
Matapos ang ilang linggong inubos sa paghahanap ng mga viable sources and secondary sources sa library at sa internet, heto kami ngayon at nakausad na sa step 6 at 7!!! Ang saya talaga kahit na pumalya ako sa mga sagot ko, haha...May tanong nga si sir na sinagot ko ng ngiti. Shete talaga, ganoon kasi ako kapag may tanong na hindi ko masagot agad o may tanong na ang dating sa akin ay rhetorical. Tsaka kinakabahan na ako noon e. Sa katunayan nga nanginig ang mga kamay ko, at talagang nanlamig ako.
Pero masaya naman kasi nakausad na kami. Ayos lang kahit na nagkalat kami, buhay pa rin naman kami. Nakakakaba lang naman kasi, lalo na at iba't ibang balita na tungkol sa mga consultations ang mga naririnig namin. Una, isang libro daw sa isang tao. Pangalawa, may mga pinapalabas na group member para ma-solo interrogate yung isang member. Pangatlo, madali lang naman daw. Pang-apat, may mga tanong na para kang binabaril. Ang labo, para lang mga mito o alamat iyong mga narinig kong balita tungkol sa mga consultations na nauna sa amin, kasi hindi mo alam kung totoo, maraming variations, at contradicting na rin. Buti na lang natapos na kami - kahit na muntik na kaming magback-out nang makita namin si sir at marinig iyong mga reactions ng naunang grupo sa amin at kahit na ayaw sana ng isa kong kagrupo kasi may kailangan siyang puntahan by 1:30 pm, at dahil na rin hindi kami gaano handa, at kahit na nag-set ako ng meeting after Math11 sa playground [iyong sa tabi ng de la Costa, iyong may mga nakakatuwang structures/stress relievers by Impy Pilapil; sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na babae pala si Impy Pilapil at hindi pala siya iyong lalaking kamukha ni Einstein na gumagala-gala sa Ateneo] para maglaro kasama nina Miggy, Fourth, Kira, at Jamie.
YES!!! <--- trademark shout ni Arnold Behr Lasic, kaklase ko noong high school. Wala lang, kasi nagkasabay kami kanina sa FX. Haha, buti naman ibang tao naman ang nakasabay ko, lagi na lang kasing si Patrick Jason Jorge e. [at talagang binanggit ang buo nilang mga pangalan!]
###
Status:
Kasalukuyang hindi alam ang gagawin para sa Open Mic Night ng Gabay. Ipagdasal niyo ako...Parang awa niyo na't habag.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento