Clueless/Walang kamalay-malay

Peb 22, 2008

[sigh/bugtong-hininga]

Biyernes na naman. Parang Lunes pa lang kahapon. At tila ba wala akong kamalay-malay na dapat ngayon pa lang ay busy na ako. Bakit? Nabanggit ko na ang mga ilang gawain na kailangan ko munang daanan bago pa man ako makaranas ng bakasyon.

Una sa listahan ang Filipino paper ng grupo ko, na 4000-5000 words/60 pages double-spaced, na kailangang tapusin sa loob ng humigit-kumulang tatlong linggo. Nagkita-kita kami kaninang magkakagrupo [tatlo lang naman kami] pagkatapos ng Intact namin. Napagdesisyunan na naming magbasa ng mga librong posibleng maging major sources namin nang makausad na kami. Siguro tatlong linggong naging stagnant ang grupo namin. Buti na lang reflection na lang kami sa English at natapos na ang pesteng argumentative research paper ko - na hihintayin ko na lang kung bibigyan na naman niya ako ng -C+ na grade, ng mas mataas [sana!], o ng mas mababa [wag naman sana...].

Pangalawa ay yung term project namin sa environmental science. Gagawa sana kami ng nobela/koleksiyon ng mga maiikling-kwento ukol sa kapaligiran [the four elements]. Kaya lang hanggang ngayon wala pa kaming nagagawa.

Pangatlo ay ang adaptasyon namin ng Much Ado About Nothing ni William Shakespeare para sa Lit14. Kanina, nagkaroon kami ng maikling pagpupulong para sa presentasyon namin ng nasabing dula. At para bang nakikinikinita ko na kailangan kong mag-aral na maggitara para sa gagawin naming dula. Wow. Sabi nga ni Jamie, "first musical debut" ko iyon. Sa bagay, may tatlong linggo pa ako para matuto. Teka, tatlong linggo? E mayroon din akong tatlong linggo para sa FIl12, at term project sa ES, at marami pang iba.

Pang-apat ay ang Wushu finals.

Happy-happy muna. Kaninang Intact kumanta sina Pin at Fourth. Nagbasa ng tula sa Chris tungkol sa block E. Siguro unang beses iyon na nabanggit ako sa isang tula bilang ako, at hindi bilang kabilang ng isang kolektib.

"...I gonna love Ace, for having three letters for a name..."

Hahaha...galing. Sobra.


###

Eto: Tell me your dreams.

Iyan: I dream of you, of stars that shine, of waves that crash, I dream of you...

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger