Kahapon ang interview ko sa Heights, para maging kasapi ng bagwisang Filipino.
Harhar naman. Hinapit ko yung requirements...mainit pa yung mga papel. Fresh from the printer. Sa theology ko binasa yung mga interview materials - yung second reading, nabasa ko na naman lahat ng yun, nakakatakot lang kasi yung instructions na nakalakip sa application form: basahin ng maigi ang mga interview materials.
Pero maayos naman yung interview -kumpara last year *shiver.
At nakabuti yung maingay sa loob ng pub room. Medyo informal ang dating. At Filipino kasi eh, hindi gaanong tense tulad ng sa English.
Nakatulong ang mga natutunan ko sa Fil11, 12, at 14: depamilyarisasyon, bugtong, talinhaga, sukat, imahe, etc.
Ngayon hindi ko lang alam kung maayos ang mga interpretasyon ko. Lalo na sa tulang Bugtong ni Sir Egay. At sa Apokalipsis!!!
Hay, sana matanggap ako. Umaasa. Haha. Pero kung hindi ako matatanggap, uhmmm...tanggap naman yata ako sa AMP.
Ibang kuwento na yun.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento