Ok, so ang gagawin ko ngayon ay magpo-post ako ng maraming posts. Marami na kasing nangyayari sa buhay ko ngayon. Haha, aaminin ko, mukhang maganda ang mga nangyayari sa akin pero ayokong maging kampante. Pero hindi ko pa rin maiwasang umasa.
Para sa theo group work namin, pinili namin ang Kerygma magazine para pag-aralan at pagkuhanan ng experience tungkol sa church reality na church and society. Wala pa kaming progreso kasi...
una: hindi nila (office ng Kerygma) nabasa yung email ni Ybonne.
pangalawa: hindi nila hawak yung desisyon kung papayag silang magpa-interview
kaya ipina-fax nila sa akin yung email na sinend namin.
pangatlo: hindi pa rin daw binabasa nung head nila yung fax ko.
Hindi maganda ang pakiramdam na pinagpapasa-pasahan ka sa phone.
Alam ko na mga estudyante pa lang kami. At baka iniisip nila na ginagawa lang namin yun para sa grades namin. Totoo. Pero hindi lang yun yung gusto namin. Yung experience nga e.
Tinawagan ko uli sila kanina. Buti at natanggap nila yung fax namin. Hihintayin na lang namin yung response nila.
May consultation kami bukas sa theology, at ang sasabihin namin kay Sir Jimenez hinihintay pa namin yung reply nila. Huhu...
Ayoko nang ganitong hindi sigurado yung hinihintay ko. Kasi hindi pa naman kami sigurado na papayag nga sila. Sana pumayag sila.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento