Broke

Hul 3, 2008

Mahal na ang mga pagkain ngayon sa caf at sino bang hindi gugutumin sa paglalakad mula sa aurora blvd. hanggang sa bellarmine? Ayokong mag-trike...kasi nga, tulad ng sinabi ko kay Fourth, hindi worth it. Bente din yun, sayang. Ilang pages din yun sa pagpapa-print sa mga computer lab, o pages sa pagpapa-photocopy, o isang kiddie cone ng ice cream sa caf up.

Kanina, ubos ang pera ko kasi 25 ang pamasahe sa FX, 65 ang kanin, at 11 ang juice. Hindi ako makatanggi sa 20 pesos na kiddie cone. Sa pangalawa kong kiddie cone, nilibre ako ni Fourth. May utang naman ako kay Fourth kasi hindi na kasya ang pera ko para sa photocopies namin sa FA105. 25 ang pamasahe.

Sa buong maghapon, nagkaroon ako ng utang na 21 para sa FA105 readings, may babayaran pa akong readings para sa Fil. May utang pa ako kay Tina na hindi ko pa nababayaran (SA readings namin).

Pwede na raw naming kunin yung sweldo namin sa LS Bookstore. Magkano naman kaya yun? Sana sapat na pang-bayad ng mga utang ko, pambayad sa mga readings, at pambili ng nobelang Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin Yapan para sa Fil.

Am I asking too much?

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger