First Offense

Hul 23, 2008

Lumapit yung guard sa akin. Sabi niya, "Miss, ID niyo?"

At narinig ko mula sa di-kalayuan ang pagsigaw ni Master Pogi ng "Oh, HINDEEEEEEE!!!!!" Shit. Naunahan niya akong sumigaw.

Galing ako sa Covered Courts kasama ang isang kaibigan. Sa CTC na ako nagbalak na magbihis kasi marami nang tao sa CR ng CovCourts. Nang biglang lumapit nga sa amin yung isang guard at tinanong na ako...

Nakalimutan kong isuot yung ID ko paglabas ng CC. Paano naman kasi, nagbago ng setting yung Tai Chi class namin. Imbes na sa MPR, sa court kami nagklase. Imbes na sa CR sa CC ako nagbihis, sa CTC ako pumunta para magbihis. Nawala yung usual pattern ng umaga ko. Pero ayos lang naman daw, sabi nung guard sa akin, kasi una palang 'to. Sorry naman nang sorry yung kaibigan ko kasi siya yung nag-suggest na sa CTC na lang ako magbihis. Pero ok lang. At least may experience na ako (ang pait naman ng experience na 'to).

Tuwing papasok ako, paulit-ulit kong tinitingnan sa bag ko kung dala ko nga yung mga gamit na kailangan ko, partikular na ang ID, Wallet, susi ng kwarto ko, at mga notebook at libro. Paulit-ulit, pero hindi sing-kulit ng mga certified OCs. Paranoid lang ako.

Kanina, masyado akong naging carefree. OK lang, minsan lang naman e. At least may isa na naman akong traumatic experience (exaggerated, alam ko) na tiyak na magiging leksiyon sa akin.

+++

Naiwan ko yata kahapon yung stapler ko sa CTC 313. Ewan ko kung may mababalikan pa ako kung babalikan ko. Sayang, malaki pa man din ang tulong ng stapler na yun sa buhay ko (simula nung high school, naging mahalaga na sa akin ang stapler sa aking buhay-eskuwela). Sayang, kasi ang dami ko pang staples dito sa bahay.



0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger