Narito ako sa harap ng computer screen at sinisigurado ang aking existence. blublublublup....=P
+++
Woah. Napaka-busy naman o. Bukod pa kasi sa mga schoolworks at projects, may mga extra-curricular activities na rin ako (hello org life).
---
Okay naman yung first long test sa Theology. Hindi kasindaksindak, pero mahirap pa rin syempre (sa totoo lang, ang mahirap ay ang pag-aaral, hindi ang pagsasagot sa test).
---
CW: so far, so good. Dalawang linggo ang freecut namin dito.
---
TARONG: gusto ko lahat ng mga dula sa Tarong - na pinanood namin kanina (11pm na ako nakarating dito sa bahay). Nakakatakot yung una, malungkot yung pangalawa, nakapangingilabot/nakababagabag yung pangatlo ("ano? ba't di mo masabi? dyahe ka? dyahe ka?")
Ayokong magsulat tungkol sa mga dula ngayon, kasi baka ma-overwhelm ako at hindi ko na magawa nang maayos yung talagang paper ko tungkol sa mga dula.
---
Inaantok ako. Hindi totoong di ako makakatulog dahil sa mga nasaksihan ko sa pangatlong dula (pero paiyak na ako kanina nung...ano...uhmm...wah!)
---
May NSTP pa bukas. Argh, pagod ako. =(
---
Pssst...
what?
blublublublup...=P
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento