Ito pala ang buhay Org

Hul 16, 2008

Kahit na hindi naman talaga org ang Heights at Comelec, samahan pa rin naman ang mga ito kaya mas magiging madali para sa akin na tawagin silang mga org - at kung tutuusin naman ay hindi pa naman talaga ako member ng Heights, isa pa lamang akong aspirant.

AMP
Akala ko hindi ako papasa sa AMP bilang parte ng docs and pubs. Wala kasi akong alam sa mga music blogs, at medyo sabog ang pagsusulat ko pagdating sa mga reviews. Pero opisyal na nga akong manunulat ng AMP. Bukas nga ay may interview akong gagawin. Makakapanayam ko ang bandang Tonight We Sleep. First time 'to.
Bukod sa interview bukas, may mga event na hindi pwedeng hindi ako pupunta. Syempre, para makapagsulat ako tungkol sa event, dapat nandun ako. Duh. Obvious ba?
All in all, busy.

COMELEC
Day group lang naman ako. Aaminin ko, kaya ako sumali dito ay para sa service hours ko. Pero masaya rin naman, kasi makakakilala ako ng ibang mga tao. Nakakawala ng sobrang hiya, totoo yan. Lalo na nung nag-room to room announcement ako. Limang klase rin yun ng mga freshmen, at limang mga guro - dalawa ang kilala ko. Nagulat din ako sa tatas ng Ingles ko nun. Haha, scripted naman kasi. Hindi nga pala kasama sa service hours ko yung room to room announcement ko. Hindi ko pa matantiya kung gaano ka-busy ang sked ko sa Comelec.

HEIGHTS
Unang meeting ng bagwisang Filipino kanina. Doon, nakilala ko nang personal si Wyatt Ong, kasapi ng Heights sa English department. Starstrucked naman ako, may nabasa na kasi akong gawa niya. Tinanong niya ako, "Are you single?" Sabi ko, "Yes" - sabay ng isang matipid na ngiti. Tapos inangat niya ang isa niyang kamay para umapir sa akin, "Now's a great time to be single!"
Bilang isang aspirant, kailangang patunayan ko na karapatdapat akong maging miyembro sa pamamagitan ng pagpapatalas ng aking kakayahan sa pagaanalisa ng mga akda, partikular na sa paggamit ng pormalistikong pananaw. Bukod pa roon, kailangang maging active ako.
Super Mega Busy to the highest maximum level.

+++

Tinanong ako ni Brandz kung anong genre ko sa pagsusulat. Fiction ang isinagot ko, yun kasi ang pinili kong aralin sa susunod na semestre. Bale, yun yung una sa dalawang genre na bibigyan ko ng pokus. E bakit naman daw mga tula ang ipinasa ko?

Tinanong din ako ni Walther kung anong specialization ko sa pagsusulat. Dahil totoo naman na hindi ako sigurado, sabi ko sa kanya "di ako sure." Taglish pa. Nakakahiya.

Isang member, si Kat. CW din siya pero third year. Palagay ko naging prof din niya si Sir Brion.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger