Dilemma

Hul 7, 2008

Oo, ang dami kong problema ngayon. Pero wala naman akong ginagawang solusyon.

  1. Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng spiel para sa presentation ko ng Faberge Eggs.
  2. Hindi ko alam kung paano gumawa ng miniature/imitation ng Faberge Eggs.
  3. Nawawala ang USB ko, kaya hindi ko alam kung paano ako maghahapit ng spiel.
  4. Tinatamad akong pumasok ngayon.
  5. May kailangan pa akong ipasa na article sa AMP (pero pasok na ako as writer sa DP ng AMP).
  6. Tinatamad talaga akong pumasok.
  7. Wala akong pera.
  8. Nababagabag ako kasi may isang bagay na hindi ko naman talaga dapat iniisip pero iniisip at iniisip ko pa rin -
- parang wala akong pagpipilian kundi isipin at isipin yun. Mabigat ang problemang ito dahil naaapektuhan na ang mga pangaraw-araw kong gawain. Kung tutuusin hindi naman ito ganun kahalaga. Pero matapos ang talk kahapon sa The Feast na tumukoy sa paggawa ng mga moments sa buhay, at matapos mabasa ang isang article sa Kerygma na tungkol sa pagsisising maaari mong maramdaman buong buhay mo kung meron kang tanong na kailanman ay di mo tinanong sa isang tao...nagkakaroon ng dahilan ang puso kong manalo laban sa isip ko.

Naguguluhan na ako. Kailangan ko ng makakausap tungkol dito. Yung kilala ako, tsaka hindi magsisinungaling sa akin. Yun bang walang bias sa mga advice. Yung hindi rin kilala yung mga taong involved maliban sa akin. Yun bang tao na hindi lang basta puso ang pinaiiral, kundi pati isip.

Pero hindi ako normal na tao. Kaya baka hindi applicable sa akin yung mga cliche na love can move mountains, love will find a way, you and me against the world...isipin ko pa nga lang yung posibilidad na in-love ako e nandidiri na ako.

Ewww...kadiri talaga.

Kaya lang nakakasawa na rin yung puro happy crush na lang:

False hopes, empty dreams, self-inflicted emotional damage, pa-emo effect...shetness.

Ang boring talaga ng buhay ko. I'm a dork. =|

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger