Nahihinuha ko na lame o boring o walang kwenta ang araw na 'to. Simulan ba naman kasi ang araw sa paggawa ng blog entry tungkol sa kaartehan ng puso. Iyan tuloy, disoriented na ang utak.
Pagdating ko sa school, marami akong naabutan na naka-blue t-shirt. Nahiya naman tuloy ako. Akala ko naman kasi tribute para sa pagkapanalo ng Ateneo basketball team sa laban kahapon (at hindi lang basta laban, versus La Salle!), nagpasalamat na lang ako kanina na hindi ako nag-green t-shirt. Yun naman pala may pictorial ek ek ang mga taga-Management. Inggit naman kaming Humanities. Joke.
Nakita ko si Sean. Hehe, actually siya ang nakakita sa akin. Para kasi akong lumulutang kanina sa dagat ng mga Atenistang naka-blue shirt, kaya hindi ko napansin na nandun pala siya. Buti naman at hindi niya ako katulad na mahiyain, at tinawag niya ako. Natuwa naman ako. Syempre, ilang tao lang ba na kilala ako dito sa Ateneo ang magtiyatiyagang tawagin ako para lang mag-hello? Tsaka matagal na kaming di nagkita e, noong June pa yata yun.
Nag-meeting naman ang ilang mga estudyante ng Aesthetics sa Macci (Mateo Ricci, duh?) para sa exhibit na gaganapin ngayong linggo. Dapat class meeting ito e, ang nangyari ay group representatives' meeting lang.
Medyo lame agn meeting, usual stuff na pwede na lang sanang sabihin sa yahoogroups o YM. Fine, mas maganda pa rin kung personal. Pero para rin naman akong YM ID na naka-invisible kanina. Hindi pumunta yung mga kaibigan ko. Hindi ko close yung mga nandun. Hello, kung close ako sa kanila e di sana di ako magtra-transform into an invisible YM ID.
Umalis na ako nung hindi ko na ma-take ang setting. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ng nao-OP di ba? At tutal, mas matagal pa ang oras na sinayang namin sa paghihintay ng mga tao kaysa dun sa mismong meeting.
Pumunta ako sa LS Bookstore para kunin ang sweldo ko. First timer ako, syempre bano pa ako sa kalakaran ng pagkuha ng sweldo at sa pagkuha ng pirma para sa service hours. Hay, nakakahiya naman ako. Magmumukha ka ngang tanga kung hindi ka magtatanong sa ibang tao kung wala ka talagang alam, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na magmumukhang tanga kung magtatanong ka sa iba.
Disappointed naman ako sa sweldo ko: 160 pesos. Nangangailangan pa man din ako ng pera para sa pagbili ng mga materyales na gagamitin ko sana sa paggawa ng mga Faberge eggs imitation para sa exhibit namin sa Aesthetics. Di bale, next sem, sa first batch ng orientation ako pupunta para hindi ako maubusan ng magandang schedule.
At eto, nanlulumo pa rin ako kasi wala nang pag-asa na mahahanap ko pa ang aking minamahal na USB. Wala raw. Pati yung guard, sabi wala raw. Peste kang estudyante ka na nakakuha ng USB ko. May araw ka rin.
At dahil wala akong USB, ginagamit ko ang yahoo! mail ko sa pagdadala ng files dito sa school. Pumapasok din sa aking isip na dalhin ang laptop ko, pero hindi pa naman ako ganun ka-desperada. Hassle din kaya kasi nagko-commute ako. Malaki ang laptop ko pero magaan. Magaan nga, pero malaki naman. Hassle, di ba?
Pagkatapos nito, pupunta ako sa OAA para kumuha ng pirma. Kaya lang lunch break yata nila ngayon. O di kaya ay tatmbay sa Caf. Teka, may balita akong narinig na bawal nang tumambay sa caf. Tapos kailangan mo nang magdala ng sarili mong kubyertos. WTH. Saving the earth can be a nuisance.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento