First time kong...
- pumunta sa Valle Verde
- halos maligaw sa Valle Verde
- pumunta sa The Feast
- umalis kasama mga kaibigan/groupmates ko na wala akong chaperon
- makita si Bo Sanchez
- mag-interview para sa isang project
- pumunta sa isang religious gathering (na hindi sa Church) as an adolescent (last yata yung kay Father Corsie nung bata pa ako).
- halos maiyak kakatawa dahil sa isang religious talk (Brother Arum)
- pumunta sa Pasig nang maayos ang daloy ng trapiko!!!
- pumunta sa misa nang linggo kahit na walang okasyon matapos ang ilang taon
- magkomunyon uli - binawalan kasi kami ng mga manang mula sa simbahan namin sa San Mateo na magkomunyon dahil nabubuhay daw kami sa isang malaking kasalanan. Sa huwes lang kasi kasal ang mga magulang ko at sabi nila, dapat magpakasal muna ang mga magulang ko sa simbahan bago kami uli magkomunyon.
Naramdaman ko lang yung pagod ko nung humiga ako sa kama ko pag-uwi. Diretso tulog na ako. Ala-sais na nang gabi ako nagising.
Nakakatuwa si Bro. Eng Sy. Siya yung overall-head ng The Feast at yung nakausap ni Ybonne para sa appointment namin.
Masaya ang araw ko. Hehe. Kahit na hindi natuloy sa SM Pasig (isang first time din siguro yun!), ok lang.
Live life. Transcend. Make memories. Splurge on the moments of your life.
Accomplish your mission, forgive, and be at peace with God.
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento