pero mas maraming nangyayari sa loob ng dalawang araw. Part1.
Lunes
Nagsuot ako ng pink na blouse.
Nag-cut ako sa Tai Chi kasi late na akong nagising at talaga namang napakahirap sumakay. Halos isang oras akong naghintay ng masasakyan sa harap ng simbahan. Sa jeep na ako nakasakay at doon nagbasa ng readings para sa long test sa western history kahit na mahangin at masikip.
25 ang siningil sa akin ng konduktor. Dapat 20 lang pero alam kong wala akong laban sa konduktor kaya hindi ko na sinita.
Pagbaba sa Petron, may nakita akong isang taong nakatalikod. Naglalakad habang sinusuot ang bagpack sa likuran. Pucha, kilala ko yun. Kaya binilisan ko ang lakad ko para mahabol siya. Mabagal siyang maglakad kaya mabilis ko siyang naabutan. Nag-HI ako sa kanya, kinamusta niya ako. Katahimikan.
...
...
...
"Magkano na'ng pamasahe mula sa inyo?"
At nagkwentuhan.
Nagpapasalamat ako dahil late akong nagising para sa TaiChi, dahil mahirap sumakay sa harap ng simbahan, dahil isang oras ang biyahe kung Cubao jeep ang sasakyan, dahil tanga ako at 1 PM ko sinet ang alarm ko, dahil hindi ako nag-aral agad para sa histo long test, at dahil naglakas-loob akong habulin siya sa sidewalk na bumabagtas sa Katipunan.
Hindi ko alintana ang hirap ng histo long test. Hindi ako nanghinayang at hindi ako nagsisi dahil sa hindi ko pag-aaral. Positive ang outlook ko buong araw. Mabait ako sa mga tao. Masayahin ang dating ko. Tumulong ako sa dalawang concept papers ng section namin para sa Buwan ng Wika. Pagdating ko sa bahay, ako ang nagsaing. Nag-set ako ng goal para maisulat ko na yung base ng kanta namin para sa Patimpalak. Nice. Hindi ko 'to malilimutan. Sana maulit pa. Sana dumalas.
"May gaganda pa ba sa araw na 'to? Wala na. Wala pa."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento