pero mas maraming nangyayari sa loob ng dalawang araw. Part 2.
Martes
Late na naman ako ng gising pero mabilis akong kumilos kanina at saktong umalis ako ng bahay nang mga 6 o 6:10. Naglalakad pa lang ako papuntang simbahan may Katipunan FX nang dumaan. Sa sobrang gulat ko, hindi ko na-para. Pero hindi naman nakapanghihinyang kasi may sumunod naman agad.
Sakto lang ang dating ko sa Katipunan. Hindi ako late para sa Socio Anthro. Nagpasa kami ng topic proposal. Ang topic namin generally ay tungkol sa mga Cosplayers, at mas excited pa yung mga kaklase namin kaysa sa aming magkakagrupo.
May nanlibre ng suman, nagkwentuhan tungkol sa mga iba't ibang klase ng suman, nagdiskurso tungkol sa mga kakanin, at nagpapak ng asukal.
Histo meeting. Kami lang dalawa ni Carissa, pero ok lang. Gumawa kami ng outline. Naghati na ng mga workload. Humiram ng mga libro. At nagkwentuhan.
Kinuha ko na nga rin pala yung mga natitirang pahina ng mga photocopies na hindi ko nakuha kahapon.
Kung ang tawag nila sa akin sa NSTP ay "Ate Ghurl," ang tawag naman niya sa akin ay "yung blockmate niyo na malalim mag-Tagalog."
Drained ako dahil sa pagbabago ng sked, wala kasing CW. Hindi ako makausap nang matino ni Sir nung Fil.
Naiwala nila yung 128 mb ko na USB. Ayos lang, pero kailangan ko ng USB kaya pinahiram muna nila ako.
Ngayon lang uli ako nakakita ng dot matrix printer. Isa't kalahating taon na. Expert na ako sa mga ganiyang printer, paano ba namang hindi e nung 4th year panay ang paprint namin sa library ng draft ng research namin at paghahapit na rin ng mga project sa TLE.
Umulan bigla. Hindi inaasahan.
Medyo lutang ang utak ko ngayon. May galit yata sa akin e. Hindi ko naman alam na negative yung dating nung sinabi ko. Nagsign-out nang di nagpapaalam (sa gitna ng pag-uusap) at ngayon ay online uli pero takot akong kausapin siya. Shit. Ayoko ng ganito. Sana nga na-disconnect lang siya. O sana bukas makalimutan na niya yung sinabi ko. Ito kasi ang hirap kapag masyado na akong nagiging palagay...hindi ko na nababantayan yung mga sinasabi ko. Hindi ko naman alam na seseryosohin niya. Hindi ko naman alam na ganun siya ka-sensitive.
Sige na nga. Huling banat na lang. Sisiguruhin ko lang na di siya galit. Tapos kung galit de sorry na lang ako. Kung hindi, sorry pa rin. Ayoko kasi ng may kagalit.
Tapos mag-aaral na ako. Kasi mas maraming nangyayari sa loob ng tatlong araw.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento