Hmmm...sa totoo lang, naiinis ako. Naiinis ako sa ibang mga blog. Yun bang magaganda yung layout, hindi lang basta html. Baka css. Tapos may flash pa. Taob naman 'tong blog 'to. Kawawa naman.
Tapos puno ng kung ano-ano yung mga sidebars nila. Ads, blogroll, icons, friends, pictures, etc...
Nominado pa sila sa kung ano mang blog contest na base sa boto ng mga mambabasa.
Anong klase...
Iniisip ko tuloy na di ako karapatdapat na tawaging "blogger."
Naalala ko lang yung nabasa ko sa Stainless Longganisa (yata) ni Bob Ong...tungkol sa mga taong matatalino. Wala raw sumeseryoso sa kanila. Sa tingin ko naman matalino ako =D, pero aanhin ko ang talino kung walang makatutunghay nito? Hindi ito pagyayabang, iyon ang nais kong linawin, kundi isang paraan ng pagkilala.
Sabi ni Sir Tenorio, ang blog daw ang nagsisilbing patunay ng mga tao ngayon na sila ay mga indibidwal. Ito ang nagpapaalala sa atin na tayo ay mga taong may kanya-kanyang identidad, buhay, problema, at pag-iisip.
Oo. Marahil nga.
Pero hanggang doon pa lang ang naiintindihan ko. Hindi ko alam ang punto sa pagkakaroon ng pinakasikat na blog sa world wide web, ng mga boto para umangat sa listahan ng mga pinakasikat na blog...
Sinubok ko dating maglagay ng site meter. Pero wala, na-depress lang ako.
Siguro naiinggit ako sa mga blog na napuntahan ko, kasi may mga nag-iiwan ng komento sa mga entries nila. May naglalaman sa mga chatbox nila. Ibig sabihin may nagbabasa. May bumibisita. May nag-aaksaya ng panahon para kilalanin ang mga gawa nila. Samantalang sa akin...Wala.
Hay, malungkot.
Isa lamang ako sa mga langaw na umaalialigid sa mundo ng mga tags at css codes, ng mga javascript at flash players. Sakto sa pangalan ng una kong blog: The Flyspeck.
Sana'y hindi dumating ang pagkakataong baduy na ang blogging - kumbaga sa sining ay kitsch.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento