At ano ang aking nakita?
Isang tao. At marami pang iba.
+++
Hiningan nila ako ng titik para sa isang kanta. Wala akong naibigay.
Ilan na ba ang naisulat ko? Higit pa rito, ilan ang maganda sa mga naisulat ko na?
16/20 lang ang reflection paper ko sa History.
Hindi ko matapos-tapos ang sinimulan kong maikling kwento/novella.
Tumingin ako sa salamin, tinitigan ang sarili, sabay nagtanong, "Creative Writing student ka ba?"
+++
Sinubok kong magsulat ng tula tungkol sa pag-ibig. Ang alam ko, nangako ako na hinding-hindi na ako susulat pang muli ng mga tulang tungkol sa mga bagay na hindi ko labis na naiintindihan. Partikular na ang pag-ibig. Pero, haha, ginawa ko pa rin:
[walang pamagat, pero sige na nga...]
hindi ako emo [aba, pinag-isipan ko yan nang mabuti ha]
Pagkagising sa umaga
Ikaw ang naaalala
Sa pagdilat mo kaya'y
Ako ang nasok sa isipan?
Humihiyaw ang puso kong ito
Sinisigaw ang di masambit sa iyo.
Hindi ako emo
Hindi ako posero
Ngunit anong lungkot ang nadarama
dahil imposibleng tayo.
Ang sama ng reaksyon sa mukha ni Fourth nang mabasa niya ito. Haha, ang baduy, shet. Pero gusto ko yung dalawang huling stanza. Cliche nga lang yung pangalawang stanza. Yung pangatlong stanza, sa palagay ko ay may KONTING pagpapasaring sa mga emo at posero. Lahat naman kasi ng tao ay nakararamdam ng lungkot. Hindi lang limitado sa mga taong saklaw ng genre na emo ang pagiging malungkot at suicidal. Pwede ba, natural lang yun sa mga tao. At dahil tao rin ako, at madalas ay inaalipin ng sariling puso't damdamin, inaalay ko ito kay happy crush:
Hindi ako emo
Hindi ako posero
Ngunit anong lungkot ang nadarama
dahil imposibleng tayo.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento