Hay, ang hirap maglaba nang de-kamay ha. Sira kasi ang washing machine namin (at sira rin ang printer namin), kaya tiis-tiis muna sa handwashing.
Ngayon, download muna nang download dito sa laptop ko ng kung ano-anong programs. iTunes, iPLay, at Safari. Shet, ang ganda ng programs ng Apple. Talo ang Windows, shet. Haha, di ba halatang hinahamak ko ang OS ko na Windows XP?
Tapos na pala ang pagda-download ko ng pelikulang Clockwork Orange, na matagal ko na sanang gustong panoorin dahil sa Panic! at the Disco. Mayroon kasi silang kanta na inspired (God-breathed? hehe, Theo-inspired.) ng pelikulang to. O yung costume nila? Ewan, basta. Ayun.
Hay, ang pangit na ng My Girl. Hindi ko gusto ang My Girl na Filipino version. Lalo na ngayon. Nagsusulat ako dito sa blog ko, nang binuksan nila ang TV. Argh. May idinagdag sila sa cast. Yakikadiri.
May dina-download pa rin akong pelikula: The Last King of Scotland. Para uli sa History reflection paper ko. Gory daw. Bloody. Siguro maganda.
Nag-download ako ng dalawang software na makakatulong sa pag-aaral ko ng paggigitara. Sana nga.
Hay! Ang dami kong dinownload na EBooks! Galing sa pensteronline.com. (Oo, nagbabalik ang Penster. Mas maganda ang site nila ngayon, promise!) Dissonant Umbrellas (shit! di ko alam na Pinoy pala to...sana di ko na lang dinownload, pero ayan na e), Jane Eyre, The Count of Monte Cristo, City of Masks, at Pride and Prejudice.
Stickies. Para sa organization ko ng mga to-do list. Parang post-it notes sa desktop. Maganda ang reviews, so kinuha ko. Kailangan ko! Lalo na ngayon!
+++
...dahil ang saging ay may puso.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento