Thinking.

Mar 31, 2008

I was thinking...if I should import this blog to my Multiply site. Anyway, with only 23 contacts, I don't think it matters. But I don't know. I'm having second thoughts...Besides, I still have to renovate this blog and my friendster blog, and construct my i.ph account (which is still empty).

New Species....

Mar 28, 2008


plus


is equal to...




Grabe na 'to! Hindi ko alam na gagawin nila ito. Akala ko noong una magugustuhan ko kasi ginawan nila ng anime version ang Powerpuff Girls. Hindi ko naman inisip na paghahaluin nila ang konsepto ng Sailor Moon at Powerpuff Girls!

Naaalala ko tuloy kung paano ko tinangkilik ang Sailor Moon noong bata pa ako. Kinikilig din naman ako sa love story nina Sailor Moon at Tuxedo Man. Nae-excite din naman ako sa mga power upgrades nila, sa mga karagdagang kakampi at mga kalaban. Pero, syempre nabaduyan na rin ako di kalaunan, lalo na nang dumagdag ang character ni Pegasus at ni Tsibiyusa (tama ba ang spelling?).

Salamat din naman sa Sailor Moon, dahil iyon ang unang anime na natutuhan kong idrowing. Ibig sabihin, Sailor Moon ang kailangan kong sisihin kung bakit marunong akong magdrowing, kung bakit fan ako ng anime, at kung bakit nangangarap akong gumawa ng anime na sariling atin. (Isipin mo na nga lang e, kung gagawa ang mga Pilipino ng cartoons na nasa istilo natin, anong itatawag dun?)

Powerpuff girls. Isa sa mga naunang cartoons na distorted ang mga characters. Nakakaaliw, oo.

A, basta. Naiirita ako sa Powerpuff Girls Z. Buti pa yung Pichi Pichi Pich. Kahit papaano orihinal ang konsepto: mga sirenang nasa lupa, at ang superpowers? pagkanta!

Bakasyon

Mar 27, 2008

Mag-post ba ng apat na entry nang sunod-sunod? Kung di ba naman nang-aabuso ng bakasyon.

Wala na akong pasok, last exam ko na yung kahapon, pero may aasikasuhin pa ako para sa school.

Akala ko dahil bakasyon na maaayos ko na ang mga blog ko, hindi pala. Sa school kasi, libre ang internet (Syempre, ilusyon ko lang yun kasi hindi nila ako sinisingil on the spot.) at wala akong kaagaw sa PC at oras. Ginigipit kami ng PLDT. Pinipilit nila kaming kumuha ng SmartBro, kaya eto pa rin kami...naka-dial-up pa rin.

May problema nga rin pala 'tong PC namin. Binabahayan na yata ng mga worm at virus. After almost 7 years, oras na para mag-upgrade!

OMG

Nanood ako kahapon ng PBB Teen Edition Season 2 Uber. At kagulat-gulat nga naman kung anong pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon. (Magsalita ba na parang hindi ako parte ng kabataan ngayon? Hehe, ipokrita in the making.)

Make-up. Pati lalaki marunong. Ok lang yung maglagay ng eyeshadow. Madali lang yun e. E yung mascara? No way! Daig pa ako nu'n ah! (o talaga lang bano ako sa mga ganiyang bagay?)

Tapos eto pa: maglaro ba naman ang mga boys ng shower sa loob ng banyo. This is so...YAOI! Haha, syempre, assuming lang naman. Pero yun talaga ang una kong inisip. (Paglilinaw: Hindi ako fan ng Yaoi. Totoo yan!)

Hay. Medyo hindi pa ako inclined sa season na 'to...

Step Up 2: the streets


*Kung hindi mo pa napapanood ang pelikula, 'wag mo muna 'tong basahin. Pero kung makulit ka, bahala ka na....


when the outcasts unite (ang dapat na subtitle, o ang dapat na subtitle ng subtitle)

Simula ng malaman kong may Step Up 2, at Low ang carrier single ng OST nito, hindi na ako nakapaghintay na mapanood ko 'to, lalo na't nagustuhan ko yung Step Up. Sa totoo lang, 'etong pelikula na 'to ang unang naisip ko pagkatapos ng Lit14 final exam ko kahapon.

Well, kamusta naman? Story line? Disappointing. Ayoko sa lahat ng mga pelikula ay ang pagkakaroon ng speech moments sa dulo para lang mapunto ang punto ng movie. Hindi pa pang-asar yung 2 hours kang manonood tapos 3 minutes lang ang conclusion tapos stated pa. Mas maganda kasi kung implied ang conclusion, tutal mas malawak naman ang scope ng film at may mga artista namang kung magaling umarte ay madadala yung story kahit na mababaw.

Pero, dahil this is a movie about dancing, inisip ko na lang na yung sayaw ang prioroty nila, at hindi yung storyline. So, nagtiis ako sa mababaw na istorya para mapanood ko kung gaano sila kagaling sumayaw. Pero...sorry talaga kasi hindi ako gaano nabilib sa mga sayaw nila. Hindi outstanding ang mga moves, marami na akong nakita na ganoon: sa Honey, Step Up, Bring it on movies, You Got Served, etc...

Bumawi naman ang movie sa ganda ng OST. Hanep ang mga kanta, lalo na yung Low:

Shawty had them Apple Bottom Jeans [Jeans]
Boots with the fur
[With the fur]
The whole club was lookin at her
She hit the flo
[She hit the flo]
Next thing you know
Shawty got low low low low low low low


Shet. Super duper LSS ako sa kantang 'yan. Sabihin mo ng mainstream ako, pero wala akong magagawa. Kung kilala mo lang ako by name, o kung nakikita mo lang ako sa kung saan, talagang hindi mo ako mai-imagine na kumakanta ng Low. Malas mo. =)

Shawty had them Apple Bottom Jeans [Jeans]
Boots with the fur
[With the fur]
The whole club was lookin at her
She hit the flo
[She hit the flo]
Next thing you know
Shawty got low low low low low low low


BILLIE JEAN!!!


Hindi ako fan ng American Idol, pero iba talaga kapag nadadala ka ng mga kasama mo sa bahay.

Well, buti bakasyon na, kasi ang tagal tagal ko nang gustong gumawa ng entry dito tungkol kay David Cook. (Waaah!!!! fangirl mode. fangirl mode. fangirl mode.)

Simula noong kinanta niya ang Hello, nabilib na ako sa taong 'to. Actually, so far, siya ang bet ko na mananalo sa katapusan. Grabe ang rockstar appeal! Shet. Idol ko 'to.

Lalo na noong kinanta niya yung Eleanor Rigby ng The Beatles. Ang ganda! Hindi ako admirer ng music ng Beatles, pero familiar ako sa iba nilang mga kanta (tulad nga ng Eleanor Rigby, Yellow Submarine, Twist and Shout, at iba pa na naririnig ko lang dito sa bahay) kaya naman sobra ang gulat ko nang iniba at lalong pinaganda ni David Cook ang Eleanor Rigby. Bow.

And then, kahapon. BILLIE JEAN!!! Isa ang kantang ito sa mga paborito ko mula kay Michael Jackson, pero pagkatapos kong mapanood ang performance ni David Cook, parang nag-evaporate si Michael Jackson at lalo akong naging isang fangirl ni David Cook!

Grabe, sa sobrang ganda, mangingilabot ka talaga. Talbog ang performance ni...sino yun? Yung kumanta ng We Will Rock You at We are the Champions? (Halatang wala ako gaanong pakialam sa ibang mga contestants) Umangat din naman siya sa performance niya. Actually, bow din ako dun. Pero mas matapang ang move ni David Cook.

Haha, simple ang get-up. May superstar aura. Ayos ang hairstyle. Hindi guwapo, hindi cute, pero may angas (positive). Punong-puno ng rockstar potential!

Inaasahan kong magiging maganda ang mga susunod niyang mga performance.

-ultimate fangirl

Ano-ano ang nasa balita ngayon?

Mar 25, 2008

Di sinasadyang nakapanood ako ng balita kagabi. Kumusta na nga ba ang Inang Bayan? May mga pagbabago ba? Kumusta ang panonood ng balita-ang pagsilip sa kalagayan ng bansa? Ganoon pa rin, maiinis at maiinis ka pa rin.

Tatlong balita ang nasa isip ko ngayon: ang colon cancer ni Corazon Aquino, ang barilan sa munisipyo ng Montalban, at ang pagtatalo sa kalagayan ng bigas sa bansa.

Sa lahat-lahat ng taong pwedeng bigyan ng colon cancer, si Corazon Aquino pa - ang kauna-unahang babaeng presidente ng bansa, ang iniwang maybahay ni Ninoy Aquino, ang ina ni Kris Aquino. Sana si FG Arroyo na lang. O kahit sino na corrupt. Si Erap. Mga buwaya...Tadhana nga naman.

Kabababa ko lang sa kwarto ko kagabi (natulog ako at nagpahinga dahil sa pagod na dulot ng sobrang kainitan ng panahon at di-makayanang mental stress) nang ibalita iyan sa TV Patrol (opo, kapamilya ako.) Akala ko nananaginip lang ako. Pero hindi e. Nakita ko si Kris Aquino na nagpipigil ng luha, si Drilon umiyak, at pati na rin si Lim. Mahirap paniwalaan. Pero ayan na e. Malungkot ang balita.

Dumako naman tayo sa may paanan ng kabundukan, bago sa Wawa River, bago sa mga batong minarkahan ni Bernardo Carpio ng San Mateo, sa nangangalingasaw na amoy ng mga dumpsite...doon, sa Montalban, Rizal.

Nakakainis talaga iyang si Cuerpo, hindi na nagbago. Naalala ko noong elementary pa lang ako sa Roosevelt College Rodriguez (na nasa tapat lang ng munisipyo), isa ako sa mga pumirma para umapela kay Cuerpo na huwag nang gawing dumpsite ang Montalban. E bakit ngayon ay suspendido siya dahil sa pangongotong sa mga trak ng basura na papunta sa dumpsite sa Montalban? Tapos ang tapang na sumugod sa munisipyo, e suspendido pala siya e! 'Kala mo kung sinong may-ari ng munisipyo (na noong pinagawa mga ilang taong na ang nakararaan ay may mga under-the-table daw umanong naganap). Bahala siya...talaga nga namang nakaiimbyerna ang balitang ito, lalo na't halos naging hometown ko na rin ang Montalban.

Huling balita na talaga nga namang nakakaasar. Inuuto ba tayo ng gobyerno sa pagsabi na sapat (sobra pa nga raw!) ang supply ng bigas sa Pinas? E bakit katakot-takot na pagtaas ng presyo ng bigas ang nagaganap ngayon? 30-40 pesos na ang isagn kilo ng bigas ngayon, hindi nila pwedeng ikatwiran na dahil na naman ito sa pagtaas ng presyo ng krudo sa world market.

Ang labis na kinaiinis ko sa balitang ito, ay ang pagmamaliit ng gobyerno sa kakayahang mag-isip ng mamamayang Pilipino. Sa subject na economics, ang una at ang huling aral na tatatak sa isipan mo ay ang Law of Supply and Demand, kasi kahit na hindi ka maging ekonomista o entrepreneur, parte ka ng batas na ito. Lahat ng tao apektado nito, dahil lahat tayo ay mga consumers.

Kung sapat ang supply ng bigas sa Pilipinas, bakit mataas ang presyo nito? Bakit mataas ang demand? BAKIT KAILANGANG MAG-IMPORT?

Binababoy ng gobyerno ang Law of Supply and Demand. Lagot kayo kay Sir Amado Cruz - teacher ko sa economy noong high school.

Paano ba naman kasing hindi mauubos ang supply ng bigas? (Sa parteng ito, sasabihin ko nang tahasan na kinukulang na ang Pilipinas ng supply ng bigas at ginagago tayong mga Pilipino ng gobyerno sa pagpapakain sa atin ng mga kasinungalingan [buti sana kung nakabubusog ang mga kasinungalingang inihahain nila]) Ipinagkakait nila ang mga lupain - tingnan bilang halimbawa ang ginawa nila sa mga Sumilao farmers, at malay ba natin kung may iba pang grupo ng mga magsasaka ang ginigipit sa kani-kanilang mga lupain.

Iminungkahi nila na pigilan ang pag-convert ng mga bukirin sa mga subdivisions. E hindi ba bago magtayo ng subdivision ay dumaraan muna sa gobyerno (o sa lokal na sektor ng gobyerno) ang mga papeles nito?

Tsk, tsk, tsk...

Ano na ang kakainin ngayon ng mga Pilipino? Hamburjer?

Math Finals

Dalawa't kalahating oras na lang, final exam ko na sa Math. Sana naman hindi ako ma-black-out, kasi nag-aral talaga ako (aral iyon para sa akin!) noong bakasyon atsaka kagabi at pati kaninang madaling-araw at ngayong umaga. Nagpa-consult pa nga ako kay Mrs. Reyes, instructor namin sa Ma11, kasi hindi ko talaga maintindihan ang logarithms. Buti naman umepek kahit papaano.

Salamat din naman at exempted ako sa ES10. Pangalawang beses ko na itong na-exempt sa Nat Sci final exams. Noong nakaraang sem, hindi ko na kinuha ang final exam ko sa Botany kasi optional na. Dahil dito, may isang sure B+ na ako sa class card. Ayokong magbakasakali na baka makakuha pa ako ng A kung kukunin ko pa yung final exam. Pumipili din naman ako ng tamang tyempo kung kailan ako susugod sa bangin. OK na yung B+, kailangan ko kasi talaga ng mga magagandang grades ngayon e.

Nakuha na nga rin pala namin nina Anna at Dino ang first draft namin sa Fil12. Hay, paano kaya namin i-eedit yun? Sana hindi kami masyadong gabihin mamaya sa pag-revise ng draft namin.

Ang dami naming mali sa paper: yung footnotes [ngayon ko lang narinig yung Turabian, o lumilipad ang isip ko noong nagtuturo si sir], italicized words, mga words na hindi italicized, wrong spelling [nakakahiya! palibhasa Tagalog sa tabi-tabi lang ang alam ko/namin], kawalan ng unity ng arguments, font size [may isang paragraph na na-OP kasi maliit ang font size], indentations [may isang buong paragraph na naka-indent], kawalan ng sources maliban sa common sense, etc...

Nakakuha kami ng C+ sa form at (B+) B sa content. (Binura ni Sir Egay yung B+ e, sayang!)

Muntik ko nang makalimutan, major revision din namin ang pagbabawas ng words. Siguro 2000 or more words ang kailangang tanggalin. Paano ba naman, kasalanan ko daw. Hehe, hindi ko naman akalaing sisipagin din silang gumawa. Di bale na, enjoy enjoy na lang.

Pinoy Big Brother: Teen Edition season 2

Mar 24, 2008

Sa totoo lang hindi ko nagustuhan ang promotions ng ABS-CBN sa PBB teen edition season 2. Paano ba naman kasi, masyado nilang sine-sensationalize yung mga problema ng mga soon-to-be-housemates (na sa mga oras na ito ay mga opisyal na ngang mga housemates) na para bang sila lang ang may ganoong problema at para bang wala ng mas lalaki pa sa mga problema nila. Sabi ko nga e, may mga problema pala sila, e di dapat inayos muna nila bago sumali sa PBB, hindi yung may magvo-voluntary exit na naman sa kalagitnaan ng palabas (na siya namang nakagaganda sa ratings ng show).

Kapansin-pansin din na parang gumagawa na lang ng stereotypes ang PBB: in-chick ng Davao, komedyante ng Davao...teka, sino-sino yan? Sina Kim at Ruben? Yung dalagang nagtratrabaho (bikini modeling) para makatulong sa pamilya? Wendy, Ikaw ba yan? Wag sana, kasi ang sama ng ugali ni Wendy. Hindi naman talaga maiiwasan iyon e. Kasi naman, iyon ang mga standards na hinahanap ng majority sa mga housemates ng PBB. May good girl dapat, may bitch, may pasaway, may poor, may rich...in short, a variety of stereotypes. Pero minsan, iniisip ko rin kung binabali ng PBB ang mga stereotypes. O mas pinalalakas pa?

Bago ko iwan ang telebisyon kagabi (pagkatapos ng pagpapakilala sa unang housemate), sinabi ko sa kanila (mama, kuya, atbp.) na dapat ang ginawa ng PBB management, kumuha ng isang Atenista at isang La Sallista. Kikita sila ng sobrang laki doon - mula sa ratings hanggang sa text votes. Sabi ko, dapat ganoon ang gawin nila. Sabay dampot sa mga Math reviewers ko at akyat sa kwarto.

Akalain ko ba namang naisip din nila yun? Akala ko pa naman pwede na akong mag-apply kay Direk Lauren Dyogi bilang creative consultant (malapit-lapit na rin yun sa creative writer!), iyon pala hindi na nila kailangan ng ganoon.

At ngayon, nagmimistulang mga karne sa loob ng pressure cooker ang Atenista at La Sallista sa sobrang daming pressures and expectations ng mga tao sa kanila. Hindi lang dahil sa kailangan nilang pangalagaan at pangatawanan ang kanilang mga alma mater, kundi dahil inaasahan ng mga tao na may away at conflict na magaganap sa dalawang binata. Huhulaan ko: magkakaroon ng isang task si Kuya na maglalaro ng basketball ang dalawang binatang kanina ko pa tinutukoy.

Hay, at bakit ang garbo ng bahay? Pinoy pa ba yun? Alam ko umaasenso na si Kuya at dumadami na ang mga sponsors, pero...ah! di bale na nga lang.

Sa kabila ng mga pinagsasasabi kong mga negative opinions dito, sa kahulihulihan din naman susubaybayan ko rin naman ito e. (kahit na ang ibig sabihin nito ay halos araw-araw ko na namang makikita sa Mariel.)


-PBB fanatic in denial

FInals Week

Huling linggo na ito ng second semester. May tatlo pa akong exams (pero sana dalawa na lang, mamayang hapon ko pa malalaman kung exempted ako sa ES10), isang paper (Fil12), at meeting with (Kuya) Jer - bakit may (Kuya) pa? Hehe, nakasanayan ko lang kasi na dagdagan ng kuya o ate ang tawag sa mga nakatatanda sa akin. Nakakahiya nga kasi noong una gumagamit ako ng po at opo sa pakikipag-usap sa kaniya.

Huling activity ko na yung meeting ko wth Jer (sige na nga, wala ng kuya), ibibigay na lang daw kasi niya yung certificate ko as participant sa Guitar 101 ng amp, at sasagot daw ako ng evaluation form. Take note: sa MVP Figaro ang meeting namin, first time ko na pupunta doon.

Sana bumalik uli as org ang amp, yun pa man din ang isa sa mga pinakasikat na org dito sa Ateneo, at kahit sa labas ng campus. Marami kasing mga banda ang nanggaling na sa amp, at sumikat sa music industry ng Pinas. Ako? Mananatili lang ako bilang isang masugid na tagahanga.

Naalala ko, wala pa nga pala akong org. Paano naman kasi, wala namang home org ang creative writing. (Unless bumuo kami ng sarili namin.) O subukan ko kaya uling sumali sa Heights?

(flashback: Noong first sem, nag-apply ako under English Department [e sino ba naman kasi ang nagsabing sa English Department ako makipagsapalaran?]. At tulad ng inaasahan, hindi ako pinalad. Traumatizing yun. Simula noon hindi na muli ako lumapit sa office nila sa Gonzaga.)

Wala naman sigurong masama kung susubok uli ako, di ba? Pero ngayon, sigurado akong hindi ako sa English Department mag-a-apply.

i.ph

Mar 20, 2008

May nakita akong bagong tahanan! Ang i.ph.

Naghahanap kasi ako ng mga telenovelas na pwede kong gawan ng manifestation ng love story ni Benedick at Beatrice/Hero at Claudio ng Much Ado About Nothing ni William Shakespeare. May nakita akong site via google, at nagandahan ako sa blog na iyon.

Haha, at ako naman itong si inggitera na gumawa ng account doon.

Baka doon ako magsimula ng pagbabagong-buhay (kung may mahahanap akong mga bagay na dapat/kaya kong baguhin sa sarili ko).

Modifications

Mar 19, 2008

Napagtripan ko lang na kalikutin itong blog ko. At ito ang resulta...hanapin niyo na lang kung may nagbago nga. =)

Last day ng classes ngayon, pero hindi pa tapos ang lahat! may finals pa at mga papers na due, kaya sana magamit ko nang maayos itong bakasyon. Sa ngayon, pahinga muna ako. Ang dami kong tulog na dapat bawiin ano!

It's the heat. the heat, the heat, the heat...

Mar 18, 2008

Okay...

So next week pa namin mari-revise ang Fil paper namin [na dapat ay ngayon namin ire-revise].

Kung kahapon ko nalaman na next week pa namin matatanggap ang mga draft namin sa Fil, e di sana nasa bahay ako ngayon at natutulog, at hindi pumapatay ng oras dito sa school sa pamamagitan ng pag-post ng isa na namang irrelevant blog entry.

At dahil mainit ang panahon, magkukuwento muna ako...[ha?]

Kahapon ng tanghali, naghihintay ako sa gilid ng dela Costa na matapos ang lunch break. Habang naghihintay ay nagpumilit akong magsagot ng mga Math problems para na rin review sa Math long test, nang may biglang lumapit na babae.

Mukha siyang foreigner, pero hindi mapagkakailang estudyante. Nanghingi siya ng papel sa akin. Syempre naman, binigyan ko. Ano bang gusto mong gawin ko? Wag kong bigyan? Parang papel lang naman e. Good deed ko na rin yun.

Hindi ko naman akalain na sa simpleng pagbibigay ng papel ay magkakaroon ako ng bagong kakilala sa Ateneo. Paano ba naman, pagkabigay ko sa kaniya ng papel, kinuwento na niya sa akin kung bakit niya kailangan ng papel. Napag-alaman kong En12 din siya tulad ko, at tulad ng karamihan ng mga estudyante ng En12, inirereklamo rin niya ang guro niya na nagbigay ng markang F sa walong estudyante kabilang siya.

Nakakatuwa siyang magkuwento, kasi mukha siyang foreigner tapos daig pa niya iyong mga iba kong nakilala sa Ateneo [na pawang mga purong Pilipino] na magsalita ng Tagalog. Bukod pa rito, ang ganda ng kulay ng mga mata niya. Ang sa tingin ko, super light brown. Sabi naman ni Miggy, na kaklase pala ng bago kong kakilala, gray daw ang kulay ng mga mata niya.

Akala ko doon na matatapos ang conversation naming dalawa. As usual, hindi ko na naman naalalang itanong ang pangalan niya [tulad ng nangyari sa akin noong Gabay open mic night, nakalimutan kong tanungin ang pangalan nung emcee na siyang tanging kumausap sa akin noong gabing iyon], pero bumalik uli siya para humingi uli ng papel at tinanong niya ang pangalan ko.

Ang awkward talaga ng pakiramdam kapag nakikipagkilala, likas siguro akong mahiyain [kahit na minsan ay tinatamaan ng pagkakapal ng mukha]. At nalaman kong Drea ang pangalan niya. Nagkataon namang kaklase pala siya nina Miggy at Fourth sa En12. Haha, maliit talaga ang mundo.

At may bago na nga akong kilala sa school bukod sa mga blockmates ko! Yay!

March 9 Complaints

* Wala lang. Mga reklamong napagtripan kong i-Ingles at i-type sa laptop ng kuya ko, at i-save sa USB ko.


March 9, 2008
11:03 pm

Well, here I am again, trying to do my part in the Ateneo’s ‘cramming varsity’.

Once again, I borrowed my brother’s laptop so that I could finish my hanging papers. Guess what, I have a reflection paper due tomorrow for lab and I have to pass to Kira at least three short stories for our term project in ES10. Also, I plan to pass my take home final exam in lab tomorrow so that I could get some bonus points (I rarely grab chances to get some bonus points, so I’ll try grabbing this one). Lastly, the self-scheduled deadline for our Fil12 outline was tomorrow, but we didn’t finish it this weekend because of certain circumstances - like one of us in the group broke his computer. I don’t have cellphone load so I didn’t have the chance to bug them in finishing the outline. My other group mate…wasn’t online tonight. But they should be…we were supposed to finish it this weekend. Actually, we were supposed to finish it last Friday. But, oh God, a lot of delays are happening right now.

At last, I’m finished with my note takings, yet I am not sure whether my classmate received it in her email - she was the one who volunteered to print our requirements for steps 6 and 7 of our paper. So, I have to print my own notes to be safe and sure.

While I was typing my notes, I realized that my notes alone consist of almost a thousand words excluding the footnotes. Wouldn’t that be too much for a 4000/5000-letter-paper? Just wondering, because if we have a lot of notes in our paper, there’s a big possibility that there may be no more room for our own words/ideas. However, I think it’s still a good thing because from what I learned in En12, one has to take as many notes as he can so that there will be a lot of back-up notes.

Let’s digress, what about the Calamansi plant? Nothing much, really. It’s still alive and green. No aphids or whatsoever. I’ll just have to reflect on it, which is not that hard. I’m just too lazy to do it, or too embarrassed to share my reflections and experiences.

My problem now is my part in our ES group’s term project. Kira’s expecting at least three short stories from each of us by tomorrow, and I haven’t done anything yet – which is quite untrue because I already wrote one short story last year. Here’s the catch – it’s my first ever short story and it’s crappy so I threw it away, never to be remembered or to be read by anybody again (yet desperate measures call for desperate actions, so I might end up passing it anyway).

I already have a new concept for a short story, but I don’t know how to start. I suck at writing fiction; when I lie, it’s too obvious.

As I was thinking if I should start finishing my reflection paper on my plant, I remembered that by Wednesday I should be able to make an arc for props in our adaptation of Much Ado About Nothing. And how am I gonna be able to do that along with these other requirements? Surely, there must be a way. I think…

I don’t want this sem to end, although I’m getting tired of these papers and due dates.

Compared to my first sem, the teachers in my second sem are a lot more interesting. Eccentricity comes with brilliance, and the more eccentric they are, the more fascinating they become. I love great teachers, and they inspire me, which makes me think of the possibility of being one of them in the future.

I’m so not in the mood to write those stories because I’m so in touch with reality right now, which is just so not like me. So, what now?

I’m thinking of finishing my reflection paper, and then I’ll go to sleep. I’ll just have to tell Kira that I’ll pass my stories on Tuesday. I hope she doesn’t get mad. Tomorrow, I’ll set a meeting with my Fil group mates to finish the outline so that we could pass it afterwards. And then I’ll finish my final exam in ES12 if I have the time, since it’s really due on Wednesday, it’s just the bonus points that I’m after (which I think I really don’t need).

I hope everything goes well.

Pinagkakaisahan ako ng mundo...

[tulad nina Fourth at Miggy sa paglalaro namin ng sungka kahapon sa may playground sa dela Costa...]

Kanina, mga lima o sampung minuto na ang nakararaan, may naisulat na akong post. Kaya lang, dahil Internet Explorer ang web browser nitong computer na ito [nasa RSF ako ngayon], nagloko bigla ang computer at nabura ang isinusulat ko.

Tama ba yun? Nagsesentimyento pa man din ako tungkol sa pesteng Math12 na dapat kong i-summer kaya lang hindi namin afford kaya dapat maging Dean's Lister ako ngayong sem at sa unang semester ng aking 2nd year nang sa gayon ay ma-overload ko.

Kahit na may autosave function itong Blogger, ayoko nang ipagpatuloy iyong isinusulat ko kanina. Wala na e, lumipas na iyong mood. Lumipat kasi iyong pagka-irita ko sa computer na nasa harapan ko ngayon at sa katotohanang hindi lahat ng computers dito sa Ateneo ay Mozilla Fireox ang web browser.

Hay, kaya nga inclined ako sa mga bagay na may kinalaman sa sining [at ngayon ay sa humanidades; masasabi ko ring inclined ako sa politika] ay dahil ayoko ng Math. Buti sana kung ang pinoproblema ko lang sa Math ngayon ay kung paano ako makakukuha ng mataas na marka sa final exam, e hindi e. Pinoproblema ko pa kung paano ko kukunin ang Math12.

Pwedeng mag-summer ako, pero mago-overload ako ng dalawa pang subject para hindi sayang ang oras ko sa school [at ang tuition]. Sana ganoon na lang, para naman hindi rin ako matigang ngayong bakasyon.

[Naaalala ko tuloy kung gaano ka-boring iyong bakasyon ko noong isang taon. Sa sobrang pagka-bore, nakagawa ako ng apat na magkakasunod na blog posts sa Friendster na uber sa pagka-walang kwenta.]

Three Quiet Nights

Mar 17, 2008


Self-published work namin nina Heinz, Jamie, Fourth, at Kira for ES10 term project. Haha, ito iyong resulta ng paghahapit namin!

Footnotes and a lot more.

Dahil sobrang busy ng buhay ko ngayon, marami na akong mga kuwentong hindi naipamahagi dito sa blog na ito. Tutal, medyo nabawasan na ang mga gawain ko, maaari na akong maglaan ng oras para mag-post ngayon [kahit na may Math Long Test kami mamaya].

###

Hindi gumana ang all-nighter ko noong Sabado ng gabi. Nasimulan ko, nunit hindi ko naman natapos ang part ko sa Fil paper namin. Hindi rin ako nakapag-aral sa Math kahit na nangako ako na gagalingan ko sa long test kasi may 30 points akong kailangang bawiin [10 points para sa hindi ginawang homework at 20 points para sa ibinagsak na quiz]. Kagabi din sana ay mago-all nighter ako, tutal hindi naman ako nag-iisa. Super all-nighter ang kuya ko na naghahapit ng group work para sa MIS project nila. Dahil sa sobrang pangangailangan sa internet connection, ngayon lang ako nakaranas na naubusan kami ng 100 pesos na internet card [dial-up lang kami, pero malapit na kaming magka-DSL!!!] na katumbas ng 20 hours sa loob lamang ng halos dalawang araw. Paano ba naman kasi, ym sa mga groupmates, email itong mga file, attach-attach, search, copy-paste, etc...

Minsan iniiisip ko na sana wala na lang teknolohiya, para walang mga teachers ang aasa na lahat ng estudyante ay may mga computers [malala kung may mga teachers na umaasang may laptop ang lahat ng kaniyang mga estudyante], na anytime ay may internet connection sila, para hindi na matatakot ang mama ko kapag hindi ko kilala ang ka-chat ko [na isang beses pa lang nangyari dahil sa mistaken identity] baka daw kasi manyakis o ano, para mabawasan ang expectations sa buhay.

Sa kabilang banda naman, kung walang teknolohiya, hindi rin ako paloloko sa mga networking sites tulad ng multiply at friendster na nagsisilbing main hobby ko na yata, walang mga blog: hindi dadami ang mga emo, ang pagsusulat ay magiging eksklusibo lamang sa mga manunulat, mahihirapan ang mga taong magmanman sa ibang tao [stalk...], wala itong blog na ito....

Buti na lang may teknolohiya...=)

###

At kamusta naman ang resulta ng pagkakapagod naming tatlo nina Anna at Dino sa huling parte ng semestre para sa Fil12? Ayun, nailimbag na kaninang madaling-araw [2:57 Am yata...]. Lumampas nga kami sa required number of words, pero talagang ganoon e.

To think na dati halos mahimatay kami [exaggerating] nang malaman naming 4000-5000 words ang kailangan naming maisulat, tapos ngayon, almost 7000 words ang nilalaman ng papel namin! [wala pa yata doon ang bibliography at footnotes]

Nakatutuwa...sana kaunti lang ang mga mali namin para hindi na kami mahirapan sa pag-eedit para sa final draft.

###

Noong Biyernes ng gabi lang uli ako nakaranas ng sobrang texting na walang kuwenta. Hindi naman walang kuwenta, pero walang point. Parang kamustahan lang, tanong dito, tanong doon. At noon ko lang uli napraktis ang aking text-typing skill, at paiklian ng salita para magkasya sa iisang text ang mga sasabihin ko. Prng gani2, haha, nakkhiya kcng mgtxt ng gani2 s mga taong ingles ang gngmit s pgtxt. haha.

###

Hindi ko dama ang bakasyon, maliban na lamang sa kalsada [konti na ang mga pasahero], at sa friendster [puro nagbbakasyon na sila!].

###

Pakiramdam ko uubuhin ako at magkaka-tonsilitis uli. Kung kailan mainit na ang panahon.

###

Naisip ko lang, nababawasan kaya ang oras ng buhay ko tuwing hindi ako natutulog sa gabi?

kung pwede lang utuin ang oras...

Mar 15, 2008

Kasalukuyan akong nagpriprint ng sample long exam questions para sa Math11 long test sa Monday, habang nag-iisip kung paano ako magsisimula sa parte ko sa Fil12 paper namin, habang nakokonsensiya kasi hindi ako nagpasa ng hw sa Math kahapon, at hindi ako nag-aral para sa quiz kahapon. Nadismaya yata yung teacher namin, kasi nag-email siya sa amin. At grabe, tinamaan ako sa mga sinabi niya sa email! Hindi naman hurtful words, parang simpleng display of dismay...At syempre, dapat lang na tamaan ako kasi hindi naman talaga ako nag-aral at nagpasa ng hw.

Kaya balak kong mag-all nighter mamayang gabi. Linggo naman bukas kaya okay lang (sana!). At dapat matapos ko na yung part ko sa Fil paper namin, para bukas matapos na yung first draft namin.

Nawawala nga pala USB ko...hindi ko alam kung nasaan. Naiwan ko na naman kasi sa likod ng CPU, sana alam ni kuya kung nasaan.

Nalaman ko nga pala kahapon na opisyal akong mawawalan ng bakasyon ngayong 2008 dahil required akong kumuha ng Math12 sa summer. Sa lahat pa ng subjects, Math pa talaga! Tapos iisang subject lang yun...Ang hassle kasi kung io-overload ko ang Math12 sa 2nd sem ng 2nd year, kasi dapat Dean's Lister ako this sem, at sa 1st sem din ng 2nd year ko. Huhu...mahirap na, baka hindi swertehin. At naku...dagdag gastos pa ang summer classes. Scholarship. Kailangan.

Simulan na ang penitensya.

Wanted: the writer in me

Mar 12, 2008

Okay...I've been researching about radiation and landslide all over the web for my short stories - which are supposedly due yesterday - but until now I haven't even written a single word to start up with them.

I am feeling so bad...so bad because I can't write GOOD fiction.

I honestly want to cry right now.

Doomed. I am. So.

This group term project is my last hope to get a high/satisfactory grade in ES10, so I must do my best...but I won't stay up late and I won't stay up all night. I might not be able to wake up again the next morning and if ever, I 'll miss my last chance of taking my final exam in Wushu.

This life gets more and more interesting, don't you think?

transport strike at mga wisdom teeth

Mar 11, 2008

Kagabi...

Tito: May pasok ba bukas?
Ace: Huh? Bakit wala po ba?
Tito: May transport strike daw e.
Ace: ANO?!? Hindi pwedeng mawalan ng pasok bukas! May final exam kami sa Wushu! Hindi pwede! May pasok bukas!
Tito: Ok, ok...

Kaninang umaga, mga 8:30...

Kuya: [tok, tok, tok...] Uy, may naghahanap sa 'yo sa telepono...
Ace: Huh? [bangon bigla] AMPUTSA!!! MAY FINAL AKO SA WUSHU!!! [iyak habang humahangos sa banyo]


###

Ang sama ng gising ko. Buti pang hindi na lang siguro ako natulog nang maaga, o dapat hindi na lang talaga ako natulog kagabi. Sa lahat-lahat pa ng araw na dumaan at darating, bakit ngayon pa? Bakit ngayon ito nangyari sa akin? Bakit?

Ang bigat talaga ng kalooban ko ngayon. Una, ay dahil nga sa lahat-lahat ng araw, ngayon ko pa hindi narinig ang alarm ko sa cellphone at hindi ako nakapasok sa klase ko sa Wushu na final exam pa man din namin. Iyak ako nang iyak kanina habang tinetext sina Migs at Pauline, napakasama kasi ng timing e...And considering the fact na maaga akong natulog at pinaghandaan ko pa talaga iyong mga props na dapat sana ay gagamitin namin ng partner ko para sa exam namin.

Pangalawa, ay dahil sa transport strike. Nagdalawang sakay kami ni kuya kanina papuntang Ateneo kasi puno lahat ng mga FX at pati na rin mga jeepney. Mahabang ruta pa iyong dinaanan namin kasi may mga nanghaharang sa mga shortcut. Ayokong-ayoko pa man din noong maraming beses kaming sasakay para pumunta sa isang lugar. Buti na lang sa Marikina ang daan namin at hindi sa Philcoa/Commonwealth - ayokong dumaan doon, sobrang hassle kasi dalawang beses pa kami sasakay.

Pangatlo ay dahil sa mga pesteng wisdom teeth ko. Sobrang sakit ng bagang ko kahapon dahil sa napakasamang timing ng pagtubo ng mga wisdom teeth ko na alam ko namang kaya kong mabuhay kahit na wala akong mga ganoon. Dahil sa palagay ko sobrang lakas ng connection ng nerves ng bagang ko sa mga nerves sa ulo/utak ko, nadamay na rin ang ulo ko. Damang-dama ko ang pagpintig ng mga ugat [ewan ko kung ugat nga ba iyong mga iyon, basta pumipintig] ko sa ulo. Pakiramdam ko lalagnatin ako kahapon, at dahil nabitin ang lagnat ko, malamang sa ibang araw na ako lalagnatin. Shet talaga kasi wala akong na-absorb sa mga tinuro noong ES lecture namin at Ma11, may long test pa man din kami sa ES bukas, at may quiz sa Ma11 sa Friday. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko ngayon. Sana makapag-isip ako nang maayos mamaya sa consultation namin para sa paper namin sa Fil12.

Pang-apat, ay dahil sa term project namin sa ES. Kailangang makapagsulat ako ng tatlong short stories o isang short story at isang long short story. Pinasasabak ako sa fiction nang di-oras [pangarap ko ang magsulat ng fiction, pero hindi ko pa kaya]...tungkol pa sa kapaligiran! Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Nakapag-research na ako ng mga bagay-bagay tungkol sa mga pinili kong concept ng mga stories ko, pero hanggang doon pa lang. At pati nga pala outline ng plot ng mga stories ko, meron na ako, pero hanggang doon pa lang din. Kailangang matapos ko na ang mga stories ko bukas, kasi kailangan din naming i-present ang mga output namin sa Biyernes.

Panglima, ay ang play namin sa Lit. Ito siguro ang pinakaunang play na hindi ko ikinatuwa ang pagiging propsman. Major play na kasi ito, at apat lang kami na propsman. Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng arko at ang malala pa rito, paano ko dadalhin sa school iyong arkong gagawin ko? Marami pa akong ibang mga kailangang gawin bukod pa dito sa pag-aayos ng mga background at props ng play namin. Gusto ko rin sanang pagtuunan ng pansin ito, kaya lang nakalimutan ko na yatang mag-isip para sa mga bagay na tulad ng mga props at background setting. Matagal na akong hindi nagiging active sa ganiyan. Huli na siguro iyong Salubong sa school noong 4th year high school pa lang ako, at noon, buong section ang nagtulong-tulong at excused kami sa klase.

Pang-anim, ay dahil sa mga bagay-bagay na mahirap ipaliwanag. Tulad ng pagtitimbang kung patas nga ba ang isang bagay o hindi. Kung kasalanan ba ang hindi marinig ang alarm ng cellphone mo. Wala ka namang ginawang masama para hindi mo marinig ang alarm ng cp mo e. Kung kasalanan din ang hindi paggising sa isang taong hindi narinig ang alarm ng cellphone niya. Kung bakit ang mga taong dapat na nakakaintidi sa iyo ay mga taong hindi nakakaintindi sa iyo. Lahat ng tao problema ang mga iyan...tulad ng transport strike at mga wisdom teeth.

Some people die from stress, ya know...the second time around.

Mar 9, 2008

Hanggang ngayon hindi pa ako tapos sa reflection paper ko sa ES lab...tungkol sa Calamansi plant ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa nagagawa ang part ko sa term project namin para sa ES. Iresponsable mode.

Hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang outline namin para sa Fil12.

Hanggang ngayon hindi pa kami nakakapag-usap ng mga kagrupo ko tungkol sa pagkukumpleto ng kulang-kulang na outline namin. Hindi sila nag-ol sa YM.

Hanggang ngayon...

Hanggang ngayon...

Hanggang ngayon.

Some people die from stress, ya know...

Mar 8, 2008

Current status? Stressed-out. Pagod. Drained. Feeling intellectually incapable. Dying...

Ang daming gagawin, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Kunwari nagnonotetakings ako, bigla na lang akong titigil, matutulala, tatayo, maglalakad. Pupunta sa kusina, dadaan sa sala, pupunta sa banyo, tititigan ang salamin, babalik sa kusina, sasandal sa lababo, pupunta sa sala, uupo...magagalit. grrrr.......

Sa harap naman ng computer, ganoon din. Bigla na lang akong matitigilan sa gitna ng pagta-type. Hanggang sa wala na akong maisulat, at manghihinayang na ako sa kuryente. At magagalit na naman ako.

Ang dali kong magalit ngayon. Nakakainis. Gusto ko na ngang umiyak. Lalo na kanina nang nagloko itong computer ko [akin na daw ito, kahit na lahat naman kami ang gumagamit] na halos pitong taon na. May virus na naman yata kasi, dahil sa mga USB namin.

Ngayon, hindi ko alam kung paano ko hahatiin ang oras ko.

Wheel of Fortune...Filipino Department Edition.

Mar 6, 2008

Himala, nanood ako ng Wheel of Fortune.

Hindi naman ako nanonood ng Wheel of Fortune (maliban na lang noong si Yael naman ang naglaro), at wala sana talaga akong balak na manood kanina. Dapat nga matutulog ako kasi halos di ako natulog kagabi/kaninang madaling-araw. E ang kaso, may pamilyar na mukha akong nakita sa patalastas ng Wheel of Fortune noong nanonood ako ng Naruto. Sabi ko, "Nakita ko siya kanina... sa kagawaran!"
Si G. Ariel Diccion!

Wala lang, nakakatuwa lang kasi guro siya sa Ateneo, atsaka lagi ko siyang nakikita sa campus at sa De la Costa. Napanood ko na rin siyang magmonologo noong open mic night ng Gabay noong nakaraang Biyernes (ang galing talaga ng mga guro sa Kagawaran ng Filipino ng Ateneo!). Hindi ko rin sinasadyang mapanood siya sa Ang Pinaka ng QTV (tungkol sa mga tao/grupo ng tao na sumikat sa pamamagitan ng internet).

Dahil natuwa ako kanina, nanood ako ng Wheel of Fortune kahit na nanonood din ang mama ko ng American Idol. Kaya palipat-lipat ng channel kanina sa TV.

At finger ang huling sagot niya sa jackpot/final round (na dapat ay mongha). Wala lang...mahirap naman talaga e, di tulad noong kay Yael (iyong Yosi Kadiri).

###

Pinoy Big Brother Teen Edition season 2.

Mariel: Mga kaibigan! Ipinakikilala ko sa inyong lahat ang unang teen housemate para sa PBB season 2! Si Daryl V. Marra! [applause]

Toni: Sa kasamaang palad, dahil napaka-hectic ng schedule niya ngayong summer ay hindi niya mapauunlakan ang imbitasyon ni Kuya.

Bianca: Tama, sayang naman diba? 2-in-1 housemate pa man din sila ng kapatid niyang si Ace!

Toni: Dahil sa pangyayaring iyan, ang unang teen housemate na ipakikilala natin sa taongbayan ay walang iba kundi si Ace! [super duper applause!!!!]

Bianca: Bagong balita! May nais sabihin si Kuya sa inyo ngayon.

Kuya: Mariel, ikinalulungkot kong sabihin ito, pero...you're fired!

Mariel: [Uha] I'm gonna cry na Kuya!

Ace: [Ehem] Girl, you're stealing my thunder!

Kuya, Toni, Bianca: Welcome to the Big Brother House, Ace!!!

[Weeeeeeeeeeeeeeee!!!!!! Walang coherence! Joke joke lang po!!!]

PIGLAS

Mar 2, 2008

Oo na, oo na...

Aaminin ko, naging self-centered ako sa mga recent posts ko. Lagi na lang ako, ako, ako, at ako (kahit na iba-ibang ako naman ang tinutukoy ko).

Kaya ngayon, bilang pambawi sa aking pagiging self-centered, ito namang librong ito ang paggugugulan ko ng panahon: PIGLAS.


Mukha siyang "Ang Paboritong Libro ni Hudas" ni Bob Ong sa unang tingin o likuran ng Death Note (sana!!!), pero iyan talaga ang cover ng Piglas.


Ito naman ang disenyo sa loob ng libro. Ayos diba? Halata bang wala akong masabi?

May apat na dibisyon ang Piglas: Tula, Awit, Sanaysay, at Dula.

Tula
  • Bandila ng Ating Pag-iinarte (nagwagi ng Unang Gantimpala) - Jan Brandon Dollente
  • Deyt sa Geytway - Gershom Chua
  • Jackstones - Edgor Cole J. Tolledo
  • Maraming Namamatay sa Maling Akala - Janine Motos
  • Iadya Mo Kami sa Pagkatalo't Pagkahiya (Pasintabi sa mga Natamaan) - Keith R. Buenaventura
  • Pagpapatunay sa Sarili - Alan Ortiz
  • Tsuper - Jason Tabinas
  • Nasaan ang Bayan ko sa Taong Milenyo - Joseph Rasco
  • Lakad - Mary Herbel B. Santiago
Awit
  • Panawagan sa Pagtugon (nagwagi ng Unang Gantimpala) - Ma. Laurice P. Jamero
  • The Other Side of the Glass - Hernando Gabriel Panique Betita III
Sanaysay
  • Lalaki (nagwagi ng Unang Gantimpala) - Marian Aniban
  • Atenistas: Men and Women for Others - Marian Aniban
  • Ang mga Anawin (Honorable Mention) - Rachel V. Marra
  • More Than Just Marching On (Honorable Mention) - Karla Eunice T. Mesina
  • Sanaysay-Argumento ukol sa Overseas Working - Rita Ritz S. Cristobal
  • Laban ng Lahat - Kristine Haizell S. Anore
  • Lansangan, Lantaran, Linlangan (maikling kwento)- Mark Angelo E. Guab
  • Nakakahalina sa Sala (maikling kwento)- Lean Sze
Dula
  • Ideyalismo - A play in one-act by COA
Kung gusto niyo ng kopya ng booklet, puntahan lamang ang room ng Gabay sa MVP. Pasensiya na kasi hindi ko alam ang numero ng kwarto nila. Basta nasa 2nd floor iyon. Binibili nga pala iyan...100 pesos ang isang kopya. Kaya nga isang kopya lang ang hawak ko. Kung libre iyan, siguro lima na ang dinala ko sa bahay. Isa sa akin, isa sa mga magulang ko, isa sa isang kaibigan, isa uli sa isa pang kaibigan, at isa sa dating high school ko.

Ayan...bumabalik na naman ang aking pagiging self-centered.

Whatta Friday!!!

Mar 1, 2008

Buong araw, kalayaan ang nasa isipan ko. Paano ba naman? Paggising ko sa umaga, si John Locke agad ang bumungad sa akin. Sabi ng libro, "Hoy! Kailangan mo akong pag-aralan!" Kaya pinag-aralan ko ang sanaysay ni Locke.

Pagdating sa Ateneo, freecut sa English kaya binasa ko uli si Locke at ang kaniyang kalayaan.

Bago magES, nag-usap kami ni Anna tungkol sa kalayaan, at kung anong gagawin namin sa consultation.

Pagkatapos ng Math, pumunta ako sa de la Costa para makipagkita sa mga kagrupo ko sa Filipino. Halos kalahating oras din kaming nagdiskusyon tungkol sa kalayaan nina Locke, Mill, at Skinner.

Sa consultation. Natural, kalayaan pa rin ang topic, iyon ang konsepto namin para sa Filipino paper.

6:00 ng gabi. MVP Colayco Pavilion. Gabay. Liberasyon. Na naman...

Eto iyon. Iyong sinalihan kong paligsahan. Sa buong buhay ko, tatlong contest pa lang ang nasalihan ko sa pagsusulat. Iyong una, joke joke lang...wala pa akong alam sa pagsusulat noon. Iyong pangalawa, nagbakasakali lang. Hindi ko naman inaasahan na mananalo ako doon. Iyon sigurong pangyayaring iyon ang isa sa mga naging motivation ko sa pagpatol sa posibilidad na may lugar ako sa pagsusulat. At ang pangatlo, itong Lib ng Gabay. Nagbakasakali lang din. Buti na lang nakabingwit ng honorable mention, at na-publish ang inilahok ko sa booklet na Piglas ng Gabay.

Narito ang mga links sa scanned images ng libro: cover at first page.

Kamusta ang Open Mic Night? [shiver] Ayos lang naman. Alamin mo na lang kung anong ibig sabihin ng ayos lang naman ko. Nabulol ng konti. Pangit ang intro. Hindi ako palagay. All in all, ayos lang. At ampucha...nakalimutan kong magpasalamat! Wala na ako sa harapan ng mic nang maalala ko. Ang sama ko talaga.

Bago naman nag-umpisa ang pagbabasa ng mga kalahok, nagtanghal muna sina G. Jethro Tenorio at G. Diccion ng Kagawaran ng Filipino ng mga monologo. Ang galing nilang dalawa, para ka na ring nanood ng play ng Tanghalang Ateneo. (Alam ko na galing sa Entablado si G. Diccion, kaya lang sa mga napanood kong mga play (tatlo pa lang naman), TA ang may magandang performances.)

Habang nandoon ako at naghihintay maubos ang oras, naisip ko na ang hirap palang basahin ang sarili mong katha sa mga taong hindi mo kilala...Hindi lang dahil sa kaba at panginginig, kundi dahil sa posibilidad ng pagyayabang. Kasi naman, pupunta ka sa harapan nila. Ang 'magandang gabi sa inyong lahat' na pambungad ay tila katumbas ng 'maganda ang gabi kaya makinig kayo sa akin dahil may sasabihin ako sa inyo'. Mahirap...

Hindi ko pinatapos ang event. Lumalalim na kasi ang gabi. Ayoko sanang umalis, kaya lang nag-iisa lang naman ako doon kasi hindi naman ako nag-imbita. Sinubukan kong mag-imbita, pero lahat sila may gagawin, iyong iba uuwi. At saka ako lang yata ang walang kakilala sa event, lahat sila taga-Gabay, para lang akong naligaw. Iyong isang emcee ang tanging nakausap ko. Nakangitian ko lang siya, tapos tinanong niya ang pangalan ko. Ang tanga ko nga kasi hindi ko naman tinanong ang pangalan niya. Ang bait pa man din niya. Pagkatapos kong magbasa, binigyan niya ako ng complement. Malaking bagay na iyon para sa akin kasi sa inupuan ko kagabi, ako na lang mag-isa ang nasa row na iyon. Wala nga kasi akong kakilala sa Gabay.

Hinintay ko ang kuya ko sa may de la Costa, doon sa stone bench na nasa gilid ng Rainbow Rings ni Impy Pilapil. Masaya pa rin sa de la Costa kahit na gabi na at malamig at konti ang mga tao. Sa de la Costa, kahit na maraming tao, peaceful pa rin ang ambience, kaya masarap tumambay doon.

At tumakbo nga pala ako sa mga walkway sa Kostka at sa EDSA walkway...wala naman kasing ibang tao, at matagal na rin pala akong hindi tumatakbo. Ang sarap ng pakiramdam, para akong malaya.

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger