Kagabi...
Tito: May pasok ba bukas?
Ace: Huh? Bakit wala po ba?
Tito: May transport strike daw e.
Ace: ANO?!? Hindi pwedeng mawalan ng pasok bukas! May final exam kami sa Wushu! Hindi pwede! May pasok bukas!
Tito: Ok, ok...
Kaninang umaga, mga 8:30...
Kuya: [tok, tok, tok...] Uy, may naghahanap sa 'yo sa telepono...
Ace: Huh? [bangon bigla] AMPUTSA!!! MAY FINAL AKO SA WUSHU!!! [iyak habang humahangos sa banyo]
###
Ang sama ng gising ko. Buti pang hindi na lang siguro ako natulog nang maaga, o dapat hindi na lang talaga ako natulog kagabi. Sa lahat-lahat pa ng araw na dumaan at darating, bakit ngayon pa? Bakit ngayon ito nangyari sa akin? Bakit?
Ang bigat talaga ng kalooban ko ngayon. Una, ay dahil nga sa lahat-lahat ng araw, ngayon ko pa hindi narinig ang alarm ko sa cellphone at hindi ako nakapasok sa klase ko sa Wushu na final exam pa man din namin. Iyak ako nang iyak kanina habang tinetext sina Migs at Pauline, napakasama kasi ng timing e...And considering the fact na maaga akong natulog at pinaghandaan ko pa talaga iyong mga props na dapat sana ay gagamitin namin ng partner ko para sa exam namin.
Pangalawa, ay dahil sa transport strike. Nagdalawang sakay kami ni kuya kanina papuntang Ateneo kasi puno lahat ng mga FX at pati na rin mga jeepney. Mahabang ruta pa iyong dinaanan namin kasi may mga nanghaharang sa mga shortcut. Ayokong-ayoko pa man din noong maraming beses kaming sasakay para pumunta sa isang lugar. Buti na lang sa Marikina ang daan namin at hindi sa Philcoa/Commonwealth - ayokong dumaan doon, sobrang hassle kasi dalawang beses pa kami sasakay.
Pangatlo ay dahil sa mga pesteng wisdom teeth ko. Sobrang sakit ng bagang ko kahapon dahil sa napakasamang timing ng pagtubo ng mga wisdom teeth ko na alam ko namang kaya kong mabuhay kahit na wala akong mga ganoon. Dahil sa palagay ko sobrang lakas ng connection ng nerves ng bagang ko sa mga nerves sa ulo/utak ko, nadamay na rin ang ulo ko. Damang-dama ko ang pagpintig ng mga ugat [ewan ko kung ugat nga ba iyong mga iyon, basta pumipintig] ko sa ulo. Pakiramdam ko lalagnatin ako kahapon, at dahil nabitin ang lagnat ko, malamang sa ibang araw na ako lalagnatin. Shet talaga kasi wala akong na-absorb sa mga tinuro noong ES lecture namin at Ma11, may long test pa man din kami sa ES bukas, at may quiz sa Ma11 sa Friday. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko ngayon. Sana makapag-isip ako nang maayos mamaya sa consultation namin para sa paper namin sa Fil12.
Pang-apat, ay dahil sa term project namin sa ES. Kailangang makapagsulat ako ng tatlong short stories o isang short story at isang long short story. Pinasasabak ako sa fiction nang di-oras [pangarap ko ang magsulat ng fiction, pero hindi ko pa kaya]...tungkol pa sa kapaligiran! Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Nakapag-research na ako ng mga bagay-bagay tungkol sa mga pinili kong concept ng mga stories ko, pero hanggang doon pa lang. At pati nga pala outline ng plot ng mga stories ko, meron na ako, pero hanggang doon pa lang din. Kailangang matapos ko na ang mga stories ko bukas, kasi kailangan din naming i-present ang mga output namin sa Biyernes.
Panglima, ay ang play namin sa Lit. Ito siguro ang pinakaunang play na hindi ko ikinatuwa ang pagiging propsman. Major play na kasi ito, at apat lang kami na propsman. Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng arko at ang malala pa rito, paano ko dadalhin sa school iyong arkong gagawin ko? Marami pa akong ibang mga kailangang gawin bukod pa dito sa pag-aayos ng mga background at props ng play namin. Gusto ko rin sanang pagtuunan ng pansin ito, kaya lang nakalimutan ko na yatang mag-isip para sa mga bagay na tulad ng mga props at background setting. Matagal na akong hindi nagiging active sa ganiyan. Huli na siguro iyong Salubong sa school noong 4th year high school pa lang ako, at noon, buong section ang nagtulong-tulong at excused kami sa klase.
Pang-anim, ay dahil sa mga bagay-bagay na mahirap ipaliwanag. Tulad ng pagtitimbang kung patas nga ba ang isang bagay o hindi. Kung kasalanan ba ang hindi marinig ang alarm ng cellphone mo. Wala ka namang ginawang masama para hindi mo marinig ang alarm ng cp mo e. Kung kasalanan din ang hindi paggising sa isang taong hindi narinig ang alarm ng cellphone niya. Kung bakit ang mga taong dapat na nakakaintidi sa iyo ay mga taong hindi nakakaintindi sa iyo. Lahat ng tao problema ang mga iyan...tulad ng transport strike at mga wisdom teeth.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento