[tulad nina Fourth at Miggy sa paglalaro namin ng sungka kahapon sa may playground sa dela Costa...]
Kanina, mga lima o sampung minuto na ang nakararaan, may naisulat na akong post. Kaya lang, dahil Internet Explorer ang web browser nitong computer na ito [nasa RSF ako ngayon], nagloko bigla ang computer at nabura ang isinusulat ko.
Tama ba yun? Nagsesentimyento pa man din ako tungkol sa pesteng Math12 na dapat kong i-summer kaya lang hindi namin afford kaya dapat maging Dean's Lister ako ngayong sem at sa unang semester ng aking 2nd year nang sa gayon ay ma-overload ko.
Kahit na may autosave function itong Blogger, ayoko nang ipagpatuloy iyong isinusulat ko kanina. Wala na e, lumipas na iyong mood. Lumipat kasi iyong pagka-irita ko sa computer na nasa harapan ko ngayon at sa katotohanang hindi lahat ng computers dito sa Ateneo ay Mozilla Fireox ang web browser.
Hay, kaya nga inclined ako sa mga bagay na may kinalaman sa sining [at ngayon ay sa humanidades; masasabi ko ring inclined ako sa politika] ay dahil ayoko ng Math. Buti sana kung ang pinoproblema ko lang sa Math ngayon ay kung paano ako makakukuha ng mataas na marka sa final exam, e hindi e. Pinoproblema ko pa kung paano ko kukunin ang Math12.
Pwedeng mag-summer ako, pero mago-overload ako ng dalawa pang subject para hindi sayang ang oras ko sa school [at ang tuition]. Sana ganoon na lang, para naman hindi rin ako matigang ngayong bakasyon.
[Naaalala ko tuloy kung gaano ka-boring iyong bakasyon ko noong isang taon. Sa sobrang pagka-bore, nakagawa ako ng apat na magkakasunod na blog posts sa Friendster na uber sa pagka-walang kwenta.]
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento