plus
Grabe na 'to! Hindi ko alam na gagawin nila ito. Akala ko noong una magugustuhan ko kasi ginawan nila ng anime version ang Powerpuff Girls. Hindi ko naman inisip na paghahaluin nila ang konsepto ng Sailor Moon at Powerpuff Girls!
Naaalala ko tuloy kung paano ko tinangkilik ang Sailor Moon noong bata pa ako. Kinikilig din naman ako sa love story nina Sailor Moon at Tuxedo Man. Nae-excite din naman ako sa mga power upgrades nila, sa mga karagdagang kakampi at mga kalaban. Pero, syempre nabaduyan na rin ako di kalaunan, lalo na nang dumagdag ang character ni Pegasus at ni Tsibiyusa (tama ba ang spelling?).
Salamat din naman sa Sailor Moon, dahil iyon ang unang anime na natutuhan kong idrowing. Ibig sabihin, Sailor Moon ang kailangan kong sisihin kung bakit marunong akong magdrowing, kung bakit fan ako ng anime, at kung bakit nangangarap akong gumawa ng anime na sariling atin. (Isipin mo na nga lang e, kung gagawa ang mga Pilipino ng cartoons na nasa istilo natin, anong itatawag dun?)
Powerpuff girls. Isa sa mga naunang cartoons na distorted ang mga characters. Nakakaaliw, oo.
A, basta. Naiirita ako sa Powerpuff Girls Z. Buti pa yung Pichi Pichi Pich. Kahit papaano orihinal ang konsepto: mga sirenang nasa lupa, at ang superpowers? pagkanta!
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento