Math Finals

Mar 25, 2008

Dalawa't kalahating oras na lang, final exam ko na sa Math. Sana naman hindi ako ma-black-out, kasi nag-aral talaga ako (aral iyon para sa akin!) noong bakasyon atsaka kagabi at pati kaninang madaling-araw at ngayong umaga. Nagpa-consult pa nga ako kay Mrs. Reyes, instructor namin sa Ma11, kasi hindi ko talaga maintindihan ang logarithms. Buti naman umepek kahit papaano.

Salamat din naman at exempted ako sa ES10. Pangalawang beses ko na itong na-exempt sa Nat Sci final exams. Noong nakaraang sem, hindi ko na kinuha ang final exam ko sa Botany kasi optional na. Dahil dito, may isang sure B+ na ako sa class card. Ayokong magbakasakali na baka makakuha pa ako ng A kung kukunin ko pa yung final exam. Pumipili din naman ako ng tamang tyempo kung kailan ako susugod sa bangin. OK na yung B+, kailangan ko kasi talaga ng mga magagandang grades ngayon e.

Nakuha na nga rin pala namin nina Anna at Dino ang first draft namin sa Fil12. Hay, paano kaya namin i-eedit yun? Sana hindi kami masyadong gabihin mamaya sa pag-revise ng draft namin.

Ang dami naming mali sa paper: yung footnotes [ngayon ko lang narinig yung Turabian, o lumilipad ang isip ko noong nagtuturo si sir], italicized words, mga words na hindi italicized, wrong spelling [nakakahiya! palibhasa Tagalog sa tabi-tabi lang ang alam ko/namin], kawalan ng unity ng arguments, font size [may isang paragraph na na-OP kasi maliit ang font size], indentations [may isang buong paragraph na naka-indent], kawalan ng sources maliban sa common sense, etc...

Nakakuha kami ng C+ sa form at (B+) B sa content. (Binura ni Sir Egay yung B+ e, sayang!)

Muntik ko nang makalimutan, major revision din namin ang pagbabawas ng words. Siguro 2000 or more words ang kailangang tanggalin. Paano ba naman, kasalanan ko daw. Hehe, hindi ko naman akalaing sisipagin din silang gumawa. Di bale na, enjoy enjoy na lang.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger