Pinoy Big Brother: Teen Edition season 2

Mar 24, 2008

Sa totoo lang hindi ko nagustuhan ang promotions ng ABS-CBN sa PBB teen edition season 2. Paano ba naman kasi, masyado nilang sine-sensationalize yung mga problema ng mga soon-to-be-housemates (na sa mga oras na ito ay mga opisyal na ngang mga housemates) na para bang sila lang ang may ganoong problema at para bang wala ng mas lalaki pa sa mga problema nila. Sabi ko nga e, may mga problema pala sila, e di dapat inayos muna nila bago sumali sa PBB, hindi yung may magvo-voluntary exit na naman sa kalagitnaan ng palabas (na siya namang nakagaganda sa ratings ng show).

Kapansin-pansin din na parang gumagawa na lang ng stereotypes ang PBB: in-chick ng Davao, komedyante ng Davao...teka, sino-sino yan? Sina Kim at Ruben? Yung dalagang nagtratrabaho (bikini modeling) para makatulong sa pamilya? Wendy, Ikaw ba yan? Wag sana, kasi ang sama ng ugali ni Wendy. Hindi naman talaga maiiwasan iyon e. Kasi naman, iyon ang mga standards na hinahanap ng majority sa mga housemates ng PBB. May good girl dapat, may bitch, may pasaway, may poor, may rich...in short, a variety of stereotypes. Pero minsan, iniisip ko rin kung binabali ng PBB ang mga stereotypes. O mas pinalalakas pa?

Bago ko iwan ang telebisyon kagabi (pagkatapos ng pagpapakilala sa unang housemate), sinabi ko sa kanila (mama, kuya, atbp.) na dapat ang ginawa ng PBB management, kumuha ng isang Atenista at isang La Sallista. Kikita sila ng sobrang laki doon - mula sa ratings hanggang sa text votes. Sabi ko, dapat ganoon ang gawin nila. Sabay dampot sa mga Math reviewers ko at akyat sa kwarto.

Akalain ko ba namang naisip din nila yun? Akala ko pa naman pwede na akong mag-apply kay Direk Lauren Dyogi bilang creative consultant (malapit-lapit na rin yun sa creative writer!), iyon pala hindi na nila kailangan ng ganoon.

At ngayon, nagmimistulang mga karne sa loob ng pressure cooker ang Atenista at La Sallista sa sobrang daming pressures and expectations ng mga tao sa kanila. Hindi lang dahil sa kailangan nilang pangalagaan at pangatawanan ang kanilang mga alma mater, kundi dahil inaasahan ng mga tao na may away at conflict na magaganap sa dalawang binata. Huhulaan ko: magkakaroon ng isang task si Kuya na maglalaro ng basketball ang dalawang binatang kanina ko pa tinutukoy.

Hay, at bakit ang garbo ng bahay? Pinoy pa ba yun? Alam ko umaasenso na si Kuya at dumadami na ang mga sponsors, pero...ah! di bale na nga lang.

Sa kabila ng mga pinagsasasabi kong mga negative opinions dito, sa kahulihulihan din naman susubaybayan ko rin naman ito e. (kahit na ang ibig sabihin nito ay halos araw-araw ko na namang makikita sa Mariel.)


-PBB fanatic in denial

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger