Huling linggo na ito ng second semester. May tatlo pa akong exams (pero sana dalawa na lang, mamayang hapon ko pa malalaman kung exempted ako sa ES10), isang paper (Fil12), at meeting with (Kuya) Jer - bakit may (Kuya) pa? Hehe, nakasanayan ko lang kasi na dagdagan ng kuya o ate ang tawag sa mga nakatatanda sa akin. Nakakahiya nga kasi noong una gumagamit ako ng po at opo sa pakikipag-usap sa kaniya.
Huling activity ko na yung meeting ko wth Jer (sige na nga, wala ng kuya), ibibigay na lang daw kasi niya yung certificate ko as participant sa Guitar 101 ng amp, at sasagot daw ako ng evaluation form. Take note: sa MVP Figaro ang meeting namin, first time ko na pupunta doon.
Sana bumalik uli as org ang amp, yun pa man din ang isa sa mga pinakasikat na org dito sa Ateneo, at kahit sa labas ng campus. Marami kasing mga banda ang nanggaling na sa amp, at sumikat sa music industry ng Pinas. Ako? Mananatili lang ako bilang isang masugid na tagahanga.
Naalala ko, wala pa nga pala akong org. Paano naman kasi, wala namang home org ang creative writing. (Unless bumuo kami ng sarili namin.) O subukan ko kaya uling sumali sa Heights?
(flashback: Noong first sem, nag-apply ako under English Department [e sino ba naman kasi ang nagsabing sa English Department ako makipagsapalaran?]. At tulad ng inaasahan, hindi ako pinalad. Traumatizing yun. Simula noon hindi na muli ako lumapit sa office nila sa Gonzaga.)
Wala naman sigurong masama kung susubok uli ako, di ba? Pero ngayon, sigurado akong hindi ako sa English Department mag-a-apply.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento