Okay...
So next week pa namin mari-revise ang Fil paper namin [na dapat ay ngayon namin ire-revise].
Kung kahapon ko nalaman na next week pa namin matatanggap ang mga draft namin sa Fil, e di sana nasa bahay ako ngayon at natutulog, at hindi pumapatay ng oras dito sa school sa pamamagitan ng pag-post ng isa na namang irrelevant blog entry.
At dahil mainit ang panahon, magkukuwento muna ako...[ha?]
Kahapon ng tanghali, naghihintay ako sa gilid ng dela Costa na matapos ang lunch break. Habang naghihintay ay nagpumilit akong magsagot ng mga Math problems para na rin review sa Math long test, nang may biglang lumapit na babae.
Mukha siyang foreigner, pero hindi mapagkakailang estudyante. Nanghingi siya ng papel sa akin. Syempre naman, binigyan ko. Ano bang gusto mong gawin ko? Wag kong bigyan? Parang papel lang naman e. Good deed ko na rin yun.
Hindi ko naman akalain na sa simpleng pagbibigay ng papel ay magkakaroon ako ng bagong kakilala sa Ateneo. Paano ba naman, pagkabigay ko sa kaniya ng papel, kinuwento na niya sa akin kung bakit niya kailangan ng papel. Napag-alaman kong En12 din siya tulad ko, at tulad ng karamihan ng mga estudyante ng En12, inirereklamo rin niya ang guro niya na nagbigay ng markang F sa walong estudyante kabilang siya.
Nakakatuwa siyang magkuwento, kasi mukha siyang foreigner tapos daig pa niya iyong mga iba kong nakilala sa Ateneo [na pawang mga purong Pilipino] na magsalita ng Tagalog. Bukod pa rito, ang ganda ng kulay ng mga mata niya. Ang sa tingin ko, super light brown. Sabi naman ni Miggy, na kaklase pala ng bago kong kakilala, gray daw ang kulay ng mga mata niya.
Akala ko doon na matatapos ang conversation naming dalawa. As usual, hindi ko na naman naalalang itanong ang pangalan niya [tulad ng nangyari sa akin noong Gabay open mic night, nakalimutan kong tanungin ang pangalan nung emcee na siyang tanging kumausap sa akin noong gabing iyon], pero bumalik uli siya para humingi uli ng papel at tinanong niya ang pangalan ko.
Ang awkward talaga ng pakiramdam kapag nakikipagkilala, likas siguro akong mahiyain [kahit na minsan ay tinatamaan ng pagkakapal ng mukha]. At nalaman kong Drea ang pangalan niya. Nagkataon namang kaklase pala siya nina Miggy at Fourth sa En12. Haha, maliit talaga ang mundo.
At may bago na nga akong kilala sa school bukod sa mga blockmates ko! Yay!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento