I need answers.

Okt 31, 2008

Kailangan ko ng paglilinaw. Kinakabahan na kasi ako e. Nov. 1 na bukas at magsisimula na ang NaNoWriMo (month-long writing exercise/suicide attempt).

Ang sabi I "need to log 1667 words per day to stay on par." Does that mean I am required to
log 1667 words per day in my Edit Novel Info - na kapag may dumaang isang araw na hindi ako nakapagsulat/nakapag-update ng 1667 words, disqualified na ba ako?

Dumb question. I know. Shows how dumb I am. Pero ito talaga ang gumugulo sa isip ko.

And one more thing: it's not yet the first of November yet I already started on the project. Is that considered cheating?

Dumber question, I know haha. Yet I don’t know why some people just don’t get it.

Thanks.

sinisipon

Okt 30, 2008

Agh. Ang hirap ng ganito.

Walang lasa lahat ng kinakain ko. Ang hirap huminga. Ang hirap mag-isip. Tuwing uupo ako, inaantok ako. Kapag humiga ako, makakatulog naman ako. Kapag pinilit ko yung sarili ko na wag matulog, sumasakit naman ang ulo ko. Nanghihina rin ako, ni hindi ko maipagpatuloy ang pagbabasa ko ng Wuthering Heights. Ayoko sa lahat ang nagkakasipon.

Malapit na ang NaNoWriMo. Baka lalong lumala sakit ko a.

one lazy Sunday afternoon

Okt 26, 2008



Wala lang.


















Ganito kapag bakasyon:

Imbes na alarm clock ang gigising sa kin tuwing umaga, yung kapatid ko ang kakatok nang walang tigil sa pinto ng kuwarto ko hanggat di pa ako bumabangon. Pagkatapos maligo, tama na ang isang suklayan lang. Kaya ayan, kulot kung kulot. ('Ta mo naman, halata bang may bangs?).Basa lang din nang basa. Makikita diyan sa pic yung kopya ko ng The Picture of Dorian Gray na sa wakas ay malapit ko nang matapos - actually pinipilit kong tapusin agad para masimulan ko na ang Wuthering Heights (kaya litaw pa rin ang eyebags kahit na bakasyon). At naku, tumataba uli. >.<

invisible

Okt 24, 2008

If I am to write my status message for today, it would go like this:

Currently reading books that I didn't have a chance to read before (to distract myself from being much like a stoic, from thinking about nothing at all which causes tears to well up in my eyes, from missing something/someone (I really don't know!) I shouldn't really miss, and from the fact that I haven't written anything worth reading even if that's the only thing I should be doing - or even at least I should be trying to do). || The scent of chopped garlic and onions seemed to have seeped in my palm and fingers - in the lines coinciding in the middle of my palm, in the variety of whorls that held no sensible pattern crawling towards the tips of my fingers. Anyway, the spaghetti was worth it. || BTW, i need help in distracting myself. Please disturb me.


But in the end, I'll just always be invisible.

grades grades grades.

Okt 23, 2008

FA 101 Intro to Aesthetics = B+
FA 105 Intro to CW = B
HI18 Western History = B
Fil14 Panitikan ng Pilipinas = A
SA21 Socio and Anthro = B+
TH121 Theology = D

Tai Chi = A
NSTP = B+

QPI: 3

May mali, di ba? D-pressing.

'takteng D 'yan.

Okt 22, 2008

kinasusuklaman ko ang letrang D.

EXTENDED: heights - KUWENTONG PAMBATA ISSUE

hehe, mali pala ako. hanggang next week pa pala. dali! may panahon pa!


Maaari pang magpasa ng kuwentong pambata hanggang sa Oktubre 31, Biyernes para sa KUWENTONG PAMBATA ISSUE ng HEIGHTS!!!

Ingles o Filipino, tampok ang anumang paksa na makabuluhan para sa mga batang 8-10 taong gulang.

Format: 3-5 pages, double-spaced, short bond paper, times new roman, font size 12.

Huwag kalimutang ilagay ang inyong pangalan, ID number, year and course, email address, at cellphone number.

Ipadala na lamang sa heights.kuwentongpambata@gmail.com

Gagawing picture book ng Heights ang mapipiling akda at ipagagamit sa ilang service-oriented organizations ng Ateneo de Manila. Ituturing ang mga akdang pinasa bilang kontribusyon sa IKALAWANG REGULAR ISSUE ng Heights (so kung hindi man mapili ang akda mo para gawing picture book, may chance pa itong maisama sa ikalawang issue ng Heights. Ganun).

Salamat!!!

ano namang klaseng fashion sense yun?

Okt 19, 2008

Ang buhok, tirik sa likod at bagsak sa harapan. Mukhang magrasa. Yung bangs naka-gel, parang naka-glue sa noo.

Sa leeg, nakapulupot ang isang kulay-ubeng balabal.

Kulay-kayumanggi ang kamiseta.

Masikip ang pantalon. Pula, mehn. PULA!!!

Di ko na pinansin yung sapatos. Tama na, sabi ko sa sarili ko. Ayoko na. Alam ko kulang ako sa fashion sense at sobrang dysfunctional ang wardrobe ko, pero...di ko 'to matanggap!

Alam ko uso yung mga balabal na ang alam ko yun yung mga sinusuot ng mga reporters tuwing puunta sila sa Mindanao. Una kong napansin ang mga yun sa mga episodes ng The Correspondents, way back...4 years ago?

Tungkol sa kamiseta niya, fan ako ng brown. Marami akong bagay na kulay brown. Napansin ko lang yun nung may nakapansin. Sabi sa kin ni Jamie, "You always wear brown. Why don't you try wearing other colors? Brown is boring if you wear it everyday." Tapos brown pa nun yung backpack ko. Maganda ang brown, basta tama ang ipa-partner mong kulay.

E i-partner ba naman sa violet na balabal at pulang pantalon (PULA, MEHN. PULA!!!).

Okay pa yung spotlight ang dating...pero YUN? Napamura ako sa isip ko nung nakita ko siya...

Simplicity is the best, mehn. Well, unless gusto mo talagang mag-stand out (pero sana sa magandang paraan at dahilan).

EXTENDED ang Call for Contributions para sa Kuwentong Pambata Issue ng Heights!!!


Maaari pang magpasa ng kuwentong pambata hanggang sa Oktubre 22, Miyerkules para sa KUWENTONG PAMBATA ISSUE ng HEIGHTS!!!

Ingles o Filipino, tampok ang anumang paksa na makabuluhan para sa mga batang 8-10 taong gulang.

Format: 3-5 pages, double-spaced, short bond paper, times new roman, font size 12.

Huwag kalimutang ilagay ang inyong pangalan, ID number, year and course, email address, at cellphone number.

Ipadala na lamang sa heights.kuwentongpambata@gmail.com

Gagawing picture book ng Heights ang mapipiling akda at ipagagamit sa ilang service-oriented organizations ng Ateneo de Manila. Ituturing ang mga akdang pinasa bilang kontribusyon sa IKALAWANG REGULAR ISSUE ng Heights (so kung hindi man mapili ang akda mo para gawing picture book, may chance pa itong maisama sa ikalawang issue ng Heights. Ganun).

Salamat!!!


energo, energo, ito ang gustong-gusto ko

Kasalukuyang umuulan, habang mataas ang sikat ng araw.

+++

Natapos ko na rin ang nobelang I'll Be Seeing You ni Mary Higgins Clark. Tatlong araw din yun na patigil-tigil sa pagbabasa di tulad nung binasa ko yung nobelang Tending to Grace ni Kimberly Newton-Fusco - na natapos ko sa loob ng tatlong oras. Mas masalimuot naman yung I'll Be Seeing You kaysa sa Tending to Grace. Pero mas relaxing yung Tending to Grace. Yung kay Clark kasi thriller ang dating. Nagsimula ang lahat sa isang pagkamatay. Hahanapin yung salarin, tapos marami nang nasangkot: may mga psycho, doctors, reporters, lawyers, etc.

Ngayon naman pinapabasa sa akin ni mama yung nobelang Rising Sun ni Michael Crichton. Tungkol ata sa Japanese industry sa America (business is war nga raw, ayon sa mga Japanese).

Nasanay ako na mga ganiyang klaseng nobela ang mga binabasa ko. Magsimula ba naman sa Nancy Drew e, tsaka sa konting Hardy Boys. Tapos yung mga tipong John Saul at John Grisham. Sidney Sheldon nga rin pala (personal favorite ko yung Windmills of the Gods). Oo, oo. yun pang may mga kinalaman sa law, sa mga pagpatay, mga ganun...

Hindi ako nagkaroon ng hilig sa Harry Potter series. Palibhasa kasi ang mahal nung libro, tsaka may pelikula naman e hehe (pero iba pa rin yung nabasa mo).

Sa Twilight saga naman...hehe, interesting yung story line. Buti na lang may nada-download mula sa internet. Kakaiba naman kahit na para sa iba nakakatawa (kumikinang na bampira kapag nasinagan ng araw? virgin na bampirang lalaki? hahahaha). Pero hindi, seryoso...ayos yung story. Ika nga e, bago. Tsaka syempre, sinamba ko rin naman kahit papaano yung character ni Edward Cullen (fictional characters rock, dude). Pero sa kabila nito, pangit raw yung pagkakasulat. Hindi ko naman napansin kung di nila sinabi sa kin. Syempre mas makikita nila yung pagkakaiba ng Twilight sa mga talagang magagandang english novels.

Sa bookshelves ko, di hamak na mas marami ang english novels kaysa sa mga Filipino novels. Nakakainis nga e, kasi mas accessible ang mga english novels kaysa sa mga Filipino novels. Buti na nga lang at nakakuha si mama ng Luha ng Buwaya ni Ka Amado sa isang booksale. OK na yun kahit na halatang lumang-luma na at parang nababad pa sa tubig.

+++

Hindi na ako magsa-summer sa susunod na taon. Kukunin ko ang Math12 sa darating na semestre at nilipat yung foreign language ko sa third year class schedule ko. Shet, kinakabahan ako. Naka-set na kasi sa utak ko na summer ko kukunin ang Math12. Sabi nila madali lang daw...pero Math pa rin yun e.

E di paano kaya yun? Iba ang class schedule ko sa mga blockmates ko. Siguro OK na rin yun para maka-focus ako sa pag-aaral, di tulad nitong dumaang semestre...Naka, bagong classmates na naman. Daraan na naman ang isang semestre na di ko man lamang makakausap/kakausapin yung katabi ko.

Ang aga-aga kong namomroblema.

a work that worked

Okt 16, 2008

Assignment namin kay Sir Brion noong nagsimula ang semestre na gumawa ng paper/essay tungkol sa isang "work that worked" namin. Pero syempre nauna siyang nagbahagi. Dalawa yung binasa niya sa klase, isa itong tulang Grandma Isn't Home (yung isa pa ay yung Mga Retrato - na nakakatakot i-copy paste kasi naka-copyright dun sa website e hehe) :

Grandma Isn't Home
by Rofel Brion

Grandma wasn’t home
So I dove and I swam
All over her big bed

They had taken her
Very early that day
In a big white van

But she was very soon back
so I sulked and sat
Waiting for the day
They would take her away

Until one sunny day
When they took her away
In a big black van

And I smiled through my tears
As I dove and I swam
All over her big bed



Naalala ko lang ang mga ito kasi hinahanap ko yung blog ni Sir Brion - kahit na alam kong wala akong mahahanap. May blog daw siya pero parang secret e (yun ang sabi niya sa amin).

A yung "a work that worked" ko nga pala ay yung sanaysay ko na Ang Mga Anawim.

the art of revising

Okt 15, 2008

Dapat ko 'tong matutunan. Dahil sabi ni Iggy, kapag na-in love ka sa pagre-revise, pwede ka nang matawag na writer. Kaya si Iggy ay isang writer: iggyllanothewriter. Mas karapatdapat sa kanya ang titulong yan. XD

Biruin mo ba naman, ang tiyaga nitong taong 'to. Yung isang short story, ni-revise niya ng tatlong buwan. (Tubero ang pamagat, sana pinasa/ipasa niya 'to sa Heights. Maganda, pwamis.) E ako, yung aapat kong fiction, ni hindi ko ginagalaw nang kusa sa loob ko. Tapos fiction ang specialization ko. (Minsan iniisip ko na niloloko ko lang ang sarili ko.)

Hmmm...kaya dapat mag-isip. Kailangang magbago ng diskarte. Kailangang mahalin ang pagre-revise!

waking up 11 in the morning

Okt 14, 2008

and you weren't there. you're never there to begin with.

+++

Ang lakas ng ulan kaninang umaga. Malamig at makulimlim kaya late na ako bumangon. Hindi ko naman alam na alas-onse na ng umaga.

+++

Pagbaba ko, naabutan ko si mama na nagluluto at nakikinig ng radyo. Matagal na akong di nakikinig ng radyo. Puro media player na lang kasi ako, puro mp3...hindi ko na tuloy alam ang latest. Tumutugtog sa radyo 'to kanina:

How can I decide what's right
When you're clouding up my mind?
I can't win your losing fight
All the time.

How can I ever own what's mine
When you're always taking sides?
But you won't take away my pride.
No, not this time.
Not this time.

How did we get here?
I used to know you so well.
How did we get here?
Well, I think I know.

The truth is hiding in your eyes
And it's hanging on your tongue.
Just boiling in my blood.
But you think that I can't see
What kind of man that you are,
If you're a man at all.
Well, I will figure this one out
On my own.
(I'm screaming, "I love you so.")
On my own.
(My thoughts you can't decode.)

How did we get here?
I used to know you so well, yeah.
How did we get here?
Well, I think I know.

Do you see what we've done?
We've gone and made such fools
Of ourselves.
Do you see what we've done?
We've gone and made such fools
Of ourselves.

How did we get here?
I used to know you so well, yeah, yeah.
How did we get here?
Well, I used to know you so well.
I think I know.
I think I know.

There is something I see in you.
It might kill me.
I want it to be true.

It's Decode by Paramore, p're. Ang ganda, sobra. Ewan ko, pero parang hindi Paramore nung napakinggan ko. May iba - sa tugtog, sa boses, sa tyempo. Sabi ng DJ Twilight daw ang pamagat, pero nung hinanap ko sa Google, ang sabi Decode. Syempre naman, sa sekular na mundong ito sino bang mas pagkakatiwalaan mo: yung mortal na DJ o yung mga fansites ng Twiight at Paramore? XD

At kasama 'to sa official soundtrack ng pelikulang Twilight. Woah, e di mas naging interesado ako. Sayang wala pa yata 'tong official music video. Puro fanmade yung mga nakita ko sa youtube.

+++

UPCAT the movie.

Guys! Gusto ko 'tong panoorin! Napanood ko na yung trailer. Shet, sobrang makaka-relate ako/tayo dito. Totoo naman kasi. Back then, it was UP or nothing!



balita

Okt 13, 2008

1. wehe, na-reformat na laptop ko. buti hindi dinale nung virus yung buong motherboard. ang problema walang office. ayaw basahin yung installer ng office 2003. ayaw naman tanggapin yung product key ng office 2007 (mag-notepad na lang daw ako, sabi ni mama).

2. hindi ako makakapunta sa super delibs. nagkataong sabay sa birthday ng daddy ko. sayang. gusto ko pa man ding pumunta kasi maraming ide-delibs tapos may writing execise pa. =(

3. nagsisimula na akong mag-segregate ng mga papel sa kuwarto, at woah naman sa dami ng mga scratch papers ko ngayon (siguro dalawa't kalahating Bibliya ang kapal nun). nauna na sa basurahan yung mga quizzes/test papers ko sa histo, theo, at creative writing.

4. kapag nakita ko uli si Sir Tirol, sasabihin ko sa kaniya na magandang gawan ng reflection paper sa histo ang pelikulang The Human Stain (Nicole Kidman, Anthony Hopkins).

5. lilinisin ko talaga kuwarto ko. pwamis.

6. tapos magsusulat din ako. pwamis yan talaga. marami na akong papel ngayon. >.<

dahil feeling ko nag-aral ako sa CCA








hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng CCA. ganiyan ako ka-astig na estudyante.

Read This!

The Theater Arts Students of UP Diliman is proud to announce that we have been selected to be one of the ten competing theater groups (from US, Italy, Switzerland, Israel, Kosovo, Albania, Montenegro, Bosnia and Herzogovina, Iran and the Philippines ) to perform in the Skena Up International Students Film and Theater Festival in Pristina, Kosovo (Europe) on Nov. 20-27, 2008. The selection committee has chosen the recent production of DULAANG UP'S "HINABING PAKPAK NG ATING MGA ANAK", a seering elegy for the abused and forgotten children and for Rene Villanueva, written and directed by Anton Juan, Jr., Ph.D.

We have formed a thirteen-man delegation composed of students from the B.A. and Certificate Program of Theater Arts to become the first Asian group to attend the festival. We are very eager not only for the opportunity of furthering our education but especially for the chance of representing the Philippines, for showcasing our craft that U.P. has honed and for the privilege of performing a piece to the world that is both relevant and haunting.

Moreover, we shall perform for our kababayan in Athens, Greece since the country will be part of the route.

In this light, we humbly ask for your support. We are all students of the University of the Philippines and have limited sources. In order for us to attend the festival, we need to raise enough money for our airfare. We are asking for donations and any amount shall be gratefully accepted.

We hope that you can help us spread the message of the play and prove to the world once more that we are a nation of world-class talent.

Mabuhay ang sining! Mabuhay ang teatro!


*mula sa blog ni Ava. =D

Yes naman, sobrang proud ako kay Ava at sa U.P.! Please support them! Mabuhay ang sining!

Unang araw.

Okt 11, 2008


Maaga akong nagising kanina, mga ala-sais siguro yun. Kung may pasok pa late na yun para sa kin, lalo na kung Tuesdays at Thursdays (7:30 ang klase ko at sa Bellarmine pa!). Pero hindi, alam kong wala nang klase. Kaya natulog uli ako. Yung tulog na pipilitin mo ang sarili mong pumikit kasi alam mong kailangan mong matulog, dahil kailangan mong bawiin ang sandamakmak na magdamag na ninakaw at pinagkait mo sa sarili mo. Yung pagtulog na parang may hinahabol kang panaginip na hindi matapos-tapos kasi lagi kang naaalimpungatan. Ganun.

11:30 na ako bumangon. Sinundo pa ako ng kapatid ko sa kuwarto ko para lang siguradong hindi ako babalik sa higaan. Ang sabog ng pakiramdam. Gusto ko lang matulog buong araw, kahit na hindi ako inaantok. Pero marami akong gustong gawin!

Gusto kong basahin LAHAT ng mga librong dapat kong basahin. Yung mga binili pa namin sa Nat'l Bookstore sa Cavite dahi sale, yung mga pinahiram sa amin ni Ate Tin (hanggang ngayon hindi ko pa rin tapos yung Summons ni John Grisham), at yung mga bagong bili ni mama (syempre galing sa mga book sale din: Luha ng Buwaya ni Ka Amado, yung isang nobela ni Hemmingway, isang nobela ni Mary Higgins, atbp.).

Gusto ko ring linisin ang kuwarto ko: magtatapon ng mga kailangang itapon mula sa semestreng nagdaan, i-compile ang kailangang i-compile, magdesisyon kung alin ang puwede pang gawing scratch papers o mas karapatdapat nang sunugin (hehe), at aayusin ko na rin yung mga readings na ipapa-ring bind ko sa susunod na sem.

Gusto ko ring mapag-isa, kung maaari. Emo moments kumbaga. Kailangang magnilay-nilay tungkol sa maraming bagay. Tsaka ayoko munang magpa-araw. Umiitim na ako e.

Simulan na.

+++

Oct. 8, sa Box-O-Rice.

Ako: Jamie, I received an email from Wyatt and Marie. My poem didn't pass.

Jamie: Mine too!!!

*apir!



I am the last icon. For now.


Every New Semester (comment:eager beaver pa!):

After First Week(comment:whew):

After Second Week:

Before the Mid-Term Test(pffft):

During the Mid-Term Test:

After the Mid-Term Test(sabaw):

Before the Final Exams:

Once You Get to Know the Final Exam Schedule (nagtatanong tanong na lang):

7 Days Before the Final Exam:

6 Days Before the Final Exam:

5 Days Before the Final Exam:

4 Days Before the Final Exam:

3 Days Before the Final Exam:

2 Days Before the Final Exam:

1 Day Before the Final Exam (master crammer ako):

The Night Before the Final Exam:

1 Hour Before the Final Exam:

During the Final Exam:

Once You Walk Out From the Examination Hall (specifically post-philo orals):

After the Final Exam, During the Holiday:


Interview with Chris Tiu

Okt 10, 2008

ni Iggy Llona

(*Blog entry ito ni Iggy. As always, panalo na naman. Lagi naman e. Creative Writer yata 'to no! Biruin mo, seatmate ko siya Aesthetics tapos nakausap/kinausap ko lang siya nung nangangalahati na ang sem. Tapos hindi ko alam na Creative Writing din ang course niya at ka-block ko pala siya. Hay, talagang nagiging insensitive din ako paminsan-minsan. Anyway, enjoy!)

Yesterday, I managed to get an exclusive interview with the man himself, Chris Tiu, brought about my curiosity over his questionable popularity (girls drop their panties for him everywhere he goes, something that I always scratch my head over). I'm sure each and every one of his fan girls (and boys) are drooling right now and probably up their neck in jealousy over the fact that I was able to sit down face-to-face with the idol of our times. I've been meaning to interview him for quite a while now, and yesterday was the only time I was able to lasso him away from his hordes of fans who were flanking him every minute. Here's how the interview went.

Iggy: (when Chris enters the room) Holy shit, ang gwapo mo pala talaga.

Chris: Thanks, dude. Kaso dati ko pa alam yan e. You don't have to state the obvious.

Iggy: Ah, ok boss. Anyway, thanks for allowing me to conduct this short interview. (shakes his hand)

Chris: No problem, dude. Actually, pwede mo na ipagyabang 'yan sa mga friends mo, na nakipag-shake hands ka sakin.

Iggy: Ah talaga?

Chris: Oo naman, sobrang maiinggit sila, tignan mo. Saka just the mere fact na kinakausap kita ngayon, pwede rin ipagyabang yan.

Iggy: Sige, I'll keep that in mind, kasi ganun nga ginagawa ko, nagyayabang sa friends ko (smirks). Anyway, I have a series of questions for you.

Chris: Go ahead, ask away. I can answer any question. Management Engineering ata ako sa Ateneo...

Iggy: (smirks) I'm sure you are.

Chris: ...at kumuha pa ko ng Applied Math and Finance ngayon. San ka pa? Di kaya ng ordinaryong tao 'yan.

Iggy: Oo na! Anyway, questions na. So, champion ka na rin, sa wakas! How do you feel?

Chris: Siyempre masaya, kasi sikat na naman ako. Biruin mo, I'm so famous na eh, tapos dumagdag pa 'tong championship ring na 'to. Eto nga o (holds up his finger with the ring), sobrang bagay sakin.

Iggy: Oo nga no.

Chris: Saka sobrang natuwa ako, kasi dadami na naman yung mga showbiz offers sakin. Balak ko ngang lumabas sa movie kasama si Manny Pacquiao eh, kasi I was so impressed with his latest movie "Anak ng Kumander," where he was with Ara Mina. It would be an honor to star in a movie together with a national hero. And another thing, he's also my co-host in GMA. Kapuso 'to, mehn. (pumps his chest with fist)

Iggy: So balak mo pala mag-showbiz?

Chris: Of course! Sa mukha kong 'to, pwede ba naman akong di mag-showbiz? That's like terminating a very reliable asset in the middle of an investment deal.

Iggy: Ha?

Chris: You see, assets equals liabilities plus equity. So if you take away the credit of a financial asset and replace it with a post-dated check together with the shipping--

Iggy: Okay, next question na. How do you explain the fact that the public loves you? As in iniidolo ka na kasi ng karamihan eh. Mas sikat ka pa kesa sa presidente natin ngayon, yung sino ba 'yun, Arroyo yata yung pangalan.

Chris: Ah, I like that question. Well, I think it's because of my being humble. Sobrang humble ko talaga, like you won't believe. You'll never hear me bragging about my superior intelligence and my being a dean's lister in Ateneo (sa most difficult course pa ng university yun ha). And I don't brag about the fact na sobrang galing ko sa basketball, na daig ko pa si Caidic pagdating sa three-point shooting, pati the fact na Jordanesque nako. And the fact that my family is so rich that we could feed an entire country, I'm still humble about that. Kahit sobrang yaman ko na, humble pa rin ako. I mean, look at my face! It looks like money. Saka yung good looks ko pala! Actually, "good looks" is an understatement eh. I still keep quiet over my undeniable handsomeness, kasi obvious naman na sobrang gwapo ko, di ba? Nakakagulat talaga, kasi parang diyos nako ngayon e, kaso umaapaw pa rin talaga yung humility ko. (a strong gust of wind throws the windows of the room open)

Iggy: Whoa, bigla atang lumakas yung hangin ah.

Chris: Oo nga e, I wonder why. May bagyo kaya?

Iggy: Anyway, next question. Do you seriously believe that you're a role model for today's youth?

Chris: Oo naman. Tinatanong pa ba yan. Everyone wants to be like me.

Iggy: Pero I don't see you as a role model eh.

Chris: (gasps in shock and clutches at his chest) WHAT?! Why not? You're so mean!

Iggy: Well, nabalitaan ko kasi na ayaw mong nanonood ng porno. Ano naman kaya yun?! Wala namang masama sa pagnood ng bold ah. Tapos tumakbo ka pa daw nung one time na nanood yung friends mo ng bold. Well, parang kabaklaan na sakin yun, e ayoko maging bakla.

Chris: No, that's not gayness. I'm just disgusted with stuff like that.

Iggy: So mas gusto mo man-to-man action?

Chris: Man-to-man? Parang yung pinapagawa ni coach Norman sa bawat half court defense namin?

Iggy: Hinde! As in...you know, espadahan.

Chris: Like in fencing?

Iggy: Shet, sayang! Malapit ka na e! Dederetsuhin na nga lang kitang hayup ka. Baka kasi mas gusto mong panoorin dalawang lalakeng nagkakantutan.

Chris: Um, I didn't say anything.

Iggy: Okay, I'll leave it at that.

Chris: Mas gusto ko pa kasi manood ng Spongebob Squarepants kesa mga porn films eh. Mas educational pa siya, and it provides joy to the youth and rakes in unbelievable amounts of hard cash every episode. So if we compute for the logistics of every liability of the show...

Iggy: Anyway, next question.

Chris: (takes out a columnar pad) ...and so we can see here in the balance sheet that the financial statements of the freight and shipping supplies of every episode is actually equal to the amount of fans that I accumulate every second, and if we subdivide the stratum between the epistemology of existence and the owner's equity of the incarnate being--

Iggy: HOY, TAMA NA NGA YANG PAG-ACCOUNTING MO!!!

Chris: I'm sorry, you were saying? Sobrang na-addict na naman kasi ako dito sa marketing and finance ko eh. Kasi matalino ko.

Iggy: Oo, alam ko na yon, pre. Moving on. Next question. Imagine if someone approached you in the street and said to your face, "Chris, you are GOD." What would you say to that?

Chris: I'd say, "DUH." Sa name ko pa lang kasi eh, it's obvious na. "Chris Tiu"--tanggalin mo lang yung "i" saka "u" magiging "CHRIST" na basa mo diyan.

Iggy: Aba, siyanga no! So ibig sabihin ba nun magaling ka sa Theology?

Chris: Once again, DUH. Didn't I already say that I'm good at everything?

Iggy: (slaps forehead) Nga pala, sorry Lord.

Chris: It's okay, you're forgiven.

Iggy: Yes! Anyway, now that you've mentioned your name, how do you feel about the fact na sobrang daming pwedeng gawing pun sa surname mo? For example, sa mga games pa lang eh. "Tiu-nami." "Tiu-perman." "Sharp Tiu-ter." "It's Tiu's-day." Di ka ba nababastusan na ginagamit yung family name mo nang ganyan?

Chris: Well, I feel flattered by it. Pero given na rin kasi yun eh. Sobrang accessible ko kasi para sa lahat ng tao. And to think na ginagawan nila ng pun yung name ko proves na sobrang famous ko na talaga.

Iggy: Kaso may danger din yan eh. Kasi pwede ring gamitin yung family name mo para sa "Tiu-per," as in drayber ng dyip. O kaya salitang bakla gaya ng "Tiu-vaness." O kaya naman "Tiu-pa-e-"--

Chris: Well, ang masasabi ko lang is...don't hate me 'cos you ain't me.

Iggy: Ah okay. (pabulong) Tiu-ntukin kita diyan eh.

Chris: I beg your pardon?

Iggy: Wala, sabi ko gwapo ka.

Chris: Ah, ok. Thanks, thanks. Kaso dati ko pa nga alam yun eh, so please, don't state the obvious anymore. Di nako nafa-flatter kasi yun nga e, obvious na since day one.

Iggy: Okaaay. Next question: Piolo or Sam? Pag di mo sinagot bakla ka.

Chris: Easy. I'll have to go with Sam, kasi sobrang galing niya rumebound, kahit walang sinabi yung chocolate looks niya sa angelic features ko. Tapos naging Rookie of the Year and MVP siya at the same time! He's a real behemoth, crashing the boards like a gorilla.

Iggy: Teka, teka! Hindi si Sam Ekwe! Si Piolo Pascual o si Sam Milby!!!

Chris: Ooooh, sorry, my mistake. A true Atenean admits his faults. Ayan, isa na naman yang reason kaya ako role model ng generation ko.

Iggy: O ano, sino nga?

Chris: I'm still gonna go with Sam, because he's really evolved after three years of playing in the NCAA. Dati one-dimensional player lang siya, puro dunk and rebound. Ngayon he can shoot the ball from up to 15 feet! That's really impressive. Impressive tulad ko.

Iggy: Hay nako. Last question na nga. Medyo personal 'to ah, kaya brace yourself. Naalala mo ba nung one time, tambak tayo ng La Salle ng 33 points, tapos nung second half umabot tayo within 10 points na lang? Tapos fastbreak, eh di pinasa sayo ni Tenorio yung bola para i-shoot mo ng lay-up? Ano nga ba uli nangyari dun?

Chris: Another "duh" moment right there. Of course the ball went clean through the hoop. Ano ba namang klaseng tanong 'yan, walang kachallenge-challenge. I can shoot from all areas of the court. Lahat kasi ng tirang ibato ko, pumapasok.

Iggy: Yan ang akala mo. Kasi from what I remember, sobrang kapos nung lay-up mong yun eh. Sa free throw line pa lang ata, nagtake-off ka na, parang bano. I have to admit, sobrang natawa ko sayo nung time na yun. At siyempre, dahil sa bokya mong tirang yun, talo tayo sa game. Sinira mo yung momentum ng team eh.

Chris: ...

Iggy: Chris?

Chris: (biglang humagulgol ng luha) WAAAAAAAAH!!!

Iggy: Whoa whoa whoa! Easy lang!

Chris: (lumuluha) Si LA kasi eh! Sobrang lakas ng pasa niya sakin nun! Di ko na-carry! Tapos ampanget pa ng humahabol na La Salista sakin nun, si Gaco! Natakot ako sa mukha niya kaya nalito ko!

Iggy: Sadyang ampanget nga naman ni Jerwin Gaco. I sympathize with you, mehn.

Chris: I--I can't take this anymore! I gotta get out of here! I gotta do some business-related thing that has something to do with Cheeky Chicken! Kailangan ko mag-compute ng mga math equations! Trigonometric dimensions of calculus lang yung makaka-appease sakin ngayon! (dashes out of the room)

Iggy: Um, okay. Thanks for the interview! Idol ka talaga!

So based on my interview, sobrang idol talaga si Chris Tiu. Let's review: he's a genius, he inspires erections everywhere (especially in women), he is richer than all of us, he has already surpassed Michael Jordan, and he is almost perfect (if not perfect already). We should all strive to be like him, because like he keeps on saying over and under and over again, he's the role model of our generation. Keep up the good work, Chris!

aesthetics sabawness

Yeah boy, tapos na ang sem! Huli na yung oral exam kanina sa Aesthetics - na masaya naman kahit na nadale ako sa paggawa ng hasty generalizations.

Anyway, kahapon sinimulan namin ni Jamie yung objectives proposal ng grupo para sa workshop thingy. Nag-isip kami ng mga fundraising activities. Grabe, kung lahat 'to magagawa, bongga ang workshop namin (50% ng grade sa Aesthetics 'to para sa 2nd sem!):

  • Let Dino play the guitar for alms.
  • Let Diego dress up as a street kid. A rugby boy if possible. Beg. Scare people for alms.
  • Gel can bake and sell the goodies overpriced.
  • Tal can be a taxi driver for a day. Or she can put her BMW big bike for lease.
  • Micha (who is also Jamie by the way) and Ace can laugh at all of them. And join the taong-grasa near the gate 1 of the Ateneo.
XD

malapit na, isang araw na lang.

Okt 9, 2008

Kamusta naman yung final test sa Theo? Nakakatuwa. Sa tingin ko mataas naman ang makukuha ko dun. Maliban na lang siguro kung ayaw niya sa essay ko. 20 points din yun.

Ang sabi ko kagabi, hindi ako matutulog. E habang binabasa ko yung inconsistencies sa Exodus natuluyan na ako. Ayun, hindi na naman nakapag-aral. Boohoo.

Kaninang umaga, nag-aral ako sa loob ng FX papasok ng eskuwela. Pagbaba ko pakiramdam ko masusuka ako. Kaya pala bawal magbasa sa loob ng umaandar na sasakyan.

Isa na lang. Hindi, dalawa pala actually. Portfolio sa Aesthetics at objectives proposal sa Aesthetics din. Due bukas. Hinahapit ko ngayon. Hahapitin nila mamaya.

Naisip ko lang, I deserve a good grade for my essay. Hindi ako nagpaka-plastic dun. Hindi rin naman iwas yung sagot ko. Sana nga lang makumbinsi siya sa mga sinulat ko.

para bukas

me not making same mistake twice.

(referring to me fucking up Histo finals)

me not sleeping tonight.

haha i go study Theo.

so that everything will make (at least SOME) sense.

cos' see, it'll be my last final exam for the sem.

cos' me got exempted in Fil14.

me sooooo happy.

but bothered.

i mean, what kind of a pre-final class standing grade is 77.6?

(referring to me fucking up my Theo class standing -

which was finally,

FINALLY, posted in the moodle this afternoon)


Haha, fine. Enough with the pretentious baby grammar. I spent some time with my friends at Bo's (my first time to go there) STUDYING for Theo. I also helped them a little for Fil. Gel has a laptop and Fourth was so tempted to buy a drink, so THEY chipped in for a coffee so that they'll have internet connection. We checked our class standing in Theo - which was supposed to be posted on Monday.

And for a moment, I wished I was still studying Math 10. I can't figure out what my ideal grade for the finals is so that I'll still achieve my ideal grade. I still wanna get a B.

Probably, we might meet for Aesthetics tomorrow. We're still not done with our folio and objectives proposal.

random stuff: The guidance counsilor that I had for my guidance interview asked how my love life is. I was not ready for that kind of question. I was not expecting it. But the answer's always the same, forever lame.

mga pagkukulang

Okt 6, 2008

Itatala ko lang para mapunan:

1. Title ng CW portfolio ko. May naisip na ako kaya lang baka akusahan ako ng plagiarism. O baka sumama ang loob niya sa akin. Kasalanan ko ba na pareho kami ng pagtingin sa pagsusulat? Ako tuloy ang nalalagay sa alanganin.

2. Intro essay para sa CW portfolio ko. Hindi ko pa masimulan kasi hindi pa ako tapos sa page-edit ng fiction at nonfiction ko. Hindi ko rin ito masisimulan nang hindi pa ako nakapag-iisip ng portfolio title. O baka mahugot ko ang title ko mula sa magagawa kong essay? Tingnan natin.

3. Inaayos ko pa lang ang fiction ko. May kailangang linawin, hehe.

4. Iisipin ko na hindi crap ang nonfiction ko kahit na crap naman talaga para ma-set ang utak ko na may pag-asa pa ito. Think of Sasha Martinez' Quick, the Tomatoes. May pag-asa pa hanggat kaya pang buhayin. Hoping against hope.

5. Table of contents. As in, duh?

+++

christopher alex reyes (10/6/2008 11:05:02 PM): ace, goodluck with your CW:) cause i'm doing mine also haha
ace marra (10/6/2008 11:05:23 PM): hehe, well good luck din!
christopher alex reyes (10/6/2008 11:05:54 PM): haha okay: i read your work for heights, kaya mo yan
ace marra (10/6/2008 11:06:16 PM): hehe, thanks. wala yun.
ace marra (10/6/2008 11:06:27 PM): kakayanin. hehe.
christopher alex reyes (10/6/2008 11:06:38 PM): hehe yeah lets do this
ace marra (10/6/2008 11:06:45 PM): yep!

Masaya talaga ang pakiramdam nang hindi nag-iisa.

waiter...

mahalaga sa akin ang order, kasi ako ay ipinanganak sa isang mundo na sekular at moderno. pero maganda rin sa pandinig ko ang anarchy.

pero mas matimbang pa rin ang order.

pero mahal ko si V.

pero nasa loob ako ng isang lipunan.

kaya naman hindi ko pa masimulan ang paggawa ko ng portfolio para sa CW, kasi hindi pa lumalabas ang class standing namin sa Theo. order, please! order! 5pm pala ha...anong oras na ba? wala pa yung grades namin!!!

dahil stucked na naman ako

Okt 5, 2008

di ba nga. kapag hindi ako makapagsulat, nagsusulat ako.

kaya nga ako narito muli. upang ihayag sa blog na ito na nasa kalahati (tapos na ang lima sa nakaplanong sampung kabanata) na ako ng ginagawa kong libro para sa malikhaing proyekto namin sa Fil14 at hindi na makausad. nasa madugong parte na kasi ako: ang buod ng encantadia.

at maging sa pagsusulat ng isang blog entry ay nababara ang utak ko. nasaan na ang pag-asa?

a okay, ganito na lang. syempre buhay ko na naman di ba?

nito ko lang naalala ang mga ebooks na naka-save sa laptop ko na hindi ko pa nababasa: Dissonant Umbrellas ni Angelo Suarez, Pride and Prejudice, The Count of Monte Cristo, Clockwork Orange, at marami pang akda. naroon din nga pala yung soft copy ko ng graphic novel na V for Vendetta. lahat ng mga iyon nasa laptop ko - na ngayon ay deads na.

anyway, ayokong manlumo uli dahil sa kapalaran ng laptop ko (wala nang ibang solusyon kundi palitan ang hard disk drive). kaya ito na lang:

1. Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
2. A Farewell to Arms ni Ernest Hemingway
3. Without Seeing the Dawn ni Javellana

dagdag uli sa mga librong matagal ko pang mababasa.

+++

tinanong ako ni daddy kung gusto kong bumili ng drum set. syempre joke joke lang niya yun. trip lang niya na mang-trip. sabi ko huli na. lumipas na e.

naaalala ko pa nung umiyak ako kasi mahal ang isang drum set. third year ako nun at gusto kong matutong tumugtog ng drums.

sabi naman ni mama, kaya raw hindi siya pumayag noon na bumili kami ng drum set ay dahil alam na raw niya na lilipas lang yun. kumbaga ay hobby lang.

syempre counter-attack mode ako (ewan ko pero may mga pagkakataong ako ang naghahanap ng away at gulo), sinabi ko na lumipas kasi hindi nasuportahan. kung binilhan nila ako ng drum set noon e di sana magiging higit pa ito sa isang frustration at hobby.

balikan ko lang: nung bata pa ako, gusto kong maging ballerina. gusto ko ring matutong tumugtog ng piano at ng violin. gusto kong maging pintor. hindi ba parang lahat ng naging pangarap ko ay tila mga hobby lang? lahat ng yun hindi natuloy kasi mahal ang babayaran kung mag-aaral ng ballet, piano, at violin. mahal din ang piano (grand pa noon ang hinihingi ko) at violin. (sa kaso naman ng pagiging pintor, hindi yun natuloy kasi ibang kurso ang naipasa ko sa UP) hindi ba ang pagsusulat ay tinuturing na hobby lamang ng isang tao? palibhasa papel at panulat lamang ang pangunahing pangangailangan...

+++

nabasa ni mama yung balita ng isang nagpakamatay na estudyante sa Guidon. nag-alala siya tungkol sa amin - lalo na kay emo-boy kuya. well, sa tingin ko wala siyang aalalahanin sa akin kasi naniniwala siya na ang mga writers madaling nakapaglalabas ng saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat. na sa katotohanan ay hindi naman talaga.

sabi ko sa kanya, "hindi rin. kasi minsan kapag isinulat, lalong tumitindi."

nagiging konkreto kasi, nagkakaroon ng anyo. at pwede mong balik-balikan, sariwain kumbaga. parang sugat na hindi gumagaling. paglimot lamang ang solusyon ngunit sabi nga ng isang makata, walang sapilitang paglimot.

at hindi lahat ng manunulat ay nagsusulat para maglabas ng mga angst nila sa buhay (base sa blog na ito, hindi ko naman maitatanggi na naglalabas ako ng sama ng loob dito).

at pwede ba. kahit sinong tao pwedeng magsulat para maglabas ng problema nila. parang therapeutic. maraming manunulat ang nagsisimula sa ganiyan.

the point is...

na-offend siguro ako sa paga-assume ni mama na ok lang ako.

ewan. pero parang ganun e.

napulot ko sa google

Okt 4, 2008

Nagsusulat ako ng fanfiction ng Encantadia (kahit na hindi ako fan) at kinailangan kong hanapin kung ano talaga ang eksaktong ibig sabihin ng salitang "bagwisan" (hehe, hindi ako kuntento sa translation nito na "staff" na nagmula sa relasyong english staff = bagwisang filipino). Nag-google search ako at talaga naman intresante ang natagpuan ko.

Kalahating oras ko itong binasa. At nainis talaga ako sa comments nung isang "taong" nagngangalang Paolo sa thread na ito.

Sabado

sabi na nga ba may sira tuktok ko e. sino ba naman kasi, sa buong kapuluan ng Pilipinas (hindi sa buong mundo ha), ang makapag-iisip na gumawa ng libro sa loob ng isang araw?

sampung kabanata ang nakaplano. isa't kalahati pa lang ang nagagawa.

nakakabaliw, di ba?

pero kung maayos lang sana ang laptop ko e di sana at least nakalimang kabanata na ako kagabi. o di kaya natapos ko na sana nang walang tulugan.

tapos ang mahirap pa, kailangan kong isipin na wala akong groupmates sa project na ito. kasi tuwing maaalala ko, naiinis lang ako at marami ang pumapasok sa isip ko:

1. wag ko na lang kaya gawin 'to. tutal mataas naman ang grade ko sa Fil, may bonus pa kaming one letter grade higher dahil sa sagala ng mga sikat.

2. sabi nina Gel, wag ko raw ilagay mga pangalan ng groupamates ko. i-consider ko kaya 'to?

3. pakingsyet sila. bakit ako magpapakahirap para sa kanila?

4. wala naman silang pakialam sa project e. sarilinin ko na lang 'to.

5. gago sila.

6. buti nga may share sila dun sa nakaraang project namin, yung documentary. kahit na ba sa katunayan ay 99.9 % ng effort, pagod, puyat, hassle, talino, research, at kuryente sa akin nanggaling.

7. bakit ba kasi ang bait-bait ko? hindi ko magawang iwan sila sa ere. bakit kasi level1 pa lang ang pagka-bitch ko?

SHET. PAKINGSYET TALAGA. HANGGANG TALAK LANG NAMAN AKO E.

Ok lang sa akin na ako ang gagawa ng 99.9 % ng project namin, pero gusto kong makita na kahit papaano ay may pakialam sila. Kusa sana silang nag-aalok ng tulong. Kapag may in-assign ako, gusto ko nagagawa nila nang maayos at maaga. Gusto ko na nararamdaman na may groupmates ako.

Iisipin ko na lang na katuwaan ko lang 'to, na gumising ako kahapon at bigla akong nagdesisyon na "uy, bakit di kaya ako magsulat ng sampung kabanata na fanfiction ng encantadia para sa Fil project namin?"

Tapos para ganahan akong magsulat iisipin ko na lang na ipapasa ko 'to sa Heights pagkatapos. Yun.

kailangan ko ito.

Okt 3, 2008

alam mo kung bakit ko gusto itong blog ko sa blogspot? kasi walang nagbabasa. well, kung meron man ay hindi ko nalalaman. tulad mo, kung binabasa mo ito ngayon hindi ko naman alam na binabasa mo nga ito.

marami pang dahilan. ok lang na magsintir ako dito. ok lang na may typo (maliban na lang kung may pagkakataong nao-OC attack ako). ok lang na magmura. ok lang na mag-Taglish. ok lang na maglandi. ok lang na hindi creative. ok lang kung selfish. ok lang kung elitista. ok lang kung makamasa. lahat ok lang basta sa tingin ko ok lang.

tulad ngayon, magsusulat na naman ako ng isang walang kuwentang blog entry tungkol sa buhay kong pinipilit kong punuin ng kuwenta - pinipilit kong lagyan ng pagitan ang buhay ko sa buhay ng iba: sa buhay ng mga kaibigan ko, sa buhay ng mga kapamilya ko, sa buhay ng mga mayayaman, sa buhay ng mga mahihirap, sa buhay ng mga pulubi, sa buhay ng mga taong-grasa, sa buhay ng mga kaklase kong hindi ko kinakausap buong semestre, sa buhay ng mga kakilala kong hindi ako pinapansin kapag nakakasalubong, sa buhay ng mga iba't ibang tao na nakakasakay ko sa jeep, fx, at bus araw-araw papasok sa eskuwela at pauwi sa bahay, atbp.

masalimuot?

ewan.

pasensya na, ganito lang talaga ako kapag hindi makapagsulat: nagsusulat.

+++

minsan hindi na ako palagay na nakikipag-usap ako sa ibang tao. kapag kasi ayaw mo silang sumagot sa mga hinaing mo, sumasagot sila. kung gusto mo naman silang magsalita, tsaka sila nananahimik.

kapag malungkot sila, nalulungkot din ako.

nakakailang na masaya ako samantalang malulungkot sila. parang nagiging kasalanan ang maging masaya.

+++

kailangan ko lang maglabas ng mga sama ng loob bago makapagsulat. ganito talaga.

kapag may kulang sa mundo ko, tumitigil ang lahat maliban sa oras. kaya naiiwan ako.

tulad nung nawala ang relos ko.

tulad nung naiwan ko ang planner ko.

tulad nung hindi ako nakapag-internet nang diretsong tatlong araw.

tulad nung naiwan ko ang cellphone ko sa bahay.

tulad ngayong hindi na ako makapag-YM sa bahay.

tulad ngayon na sira ang laptop ko.

iyon yun e. sira ang laptop ko.

meron kayang isang tao ang papayag na makipag-trade sa akin? isang 2nd hand na gumaganang Mac laptop para sa Packard Bell ko na may virus. sige na, kailangan ko lang talaga.

+++

minsan, iniisip ko rin na may sira ako sa ulo.

dammit

Okt 2, 2008

1. na-virus laptop ko. as in naka-loop yung booting. fuck kasi yung digitel, kung hindi nila hinarang yung router namin sa bahay e di sana updated yung antivirus ko.

2. out of hand ko na yung 'game' namin about finding a daddy for our 'family.' THEY are now down to 10 daddies.

3. good news naman. i got my first (and last) B+ for a work in FA 105, Intro to Creative Writing. hehe, ang saya.

4. another good news. optional lang para sa kin ang final exam sa SocioAnthro. alam ko B lang yun, pero ayoko ng exams e.

5. sira laptop ko.

6. 49/50 ang paper ko sa Fil14 tungkol sa Tarong. yipee!!!

7. 46/50 ako sa oral exam sa Theo. yipee!!!

8. hindi ko magagawa fil project NAMIN kasi nga sira laptop ko.

9. nakapagpasa na ako ng apology letter dahil sa paglimot kong magsuot ng ID pagkatapos ng PE class ko.

10. hindi pa nilalabas ang class standing namin sa HI18.

11. sa Tuesday ko pa malalaman kung exempted ako sa Fil14. sana sana sana sana. ayoko nang mag-exam kahit na puro multiple choices na lang.

12. short story ko na lang tsaka nonfiction ang kailangan kong i-edit para sa portfolio ko.

13. paano ko i-eedit yung short story at nonfiction ko kung sira ang laptop ko?

14. wala pang isang taon yung laptop ko sa akin. tapos ganito?

15. shet.

16. ano nang gagawin ko?

17. chris tiu.

18. masaya nga pala yung bonfire pero maputik.

19. sumakit ang ulo ko dahil sa baho ng Bel field. sumisingaw kasi yung amoy ng lupa.

20. OK pa naman, buhay pa ako.

21. hehe, wala na nga palang long test sa aesthetics.

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger