Unang araw.

Okt 11, 2008


Maaga akong nagising kanina, mga ala-sais siguro yun. Kung may pasok pa late na yun para sa kin, lalo na kung Tuesdays at Thursdays (7:30 ang klase ko at sa Bellarmine pa!). Pero hindi, alam kong wala nang klase. Kaya natulog uli ako. Yung tulog na pipilitin mo ang sarili mong pumikit kasi alam mong kailangan mong matulog, dahil kailangan mong bawiin ang sandamakmak na magdamag na ninakaw at pinagkait mo sa sarili mo. Yung pagtulog na parang may hinahabol kang panaginip na hindi matapos-tapos kasi lagi kang naaalimpungatan. Ganun.

11:30 na ako bumangon. Sinundo pa ako ng kapatid ko sa kuwarto ko para lang siguradong hindi ako babalik sa higaan. Ang sabog ng pakiramdam. Gusto ko lang matulog buong araw, kahit na hindi ako inaantok. Pero marami akong gustong gawin!

Gusto kong basahin LAHAT ng mga librong dapat kong basahin. Yung mga binili pa namin sa Nat'l Bookstore sa Cavite dahi sale, yung mga pinahiram sa amin ni Ate Tin (hanggang ngayon hindi ko pa rin tapos yung Summons ni John Grisham), at yung mga bagong bili ni mama (syempre galing sa mga book sale din: Luha ng Buwaya ni Ka Amado, yung isang nobela ni Hemmingway, isang nobela ni Mary Higgins, atbp.).

Gusto ko ring linisin ang kuwarto ko: magtatapon ng mga kailangang itapon mula sa semestreng nagdaan, i-compile ang kailangang i-compile, magdesisyon kung alin ang puwede pang gawing scratch papers o mas karapatdapat nang sunugin (hehe), at aayusin ko na rin yung mga readings na ipapa-ring bind ko sa susunod na sem.

Gusto ko ring mapag-isa, kung maaari. Emo moments kumbaga. Kailangang magnilay-nilay tungkol sa maraming bagay. Tsaka ayoko munang magpa-araw. Umiitim na ako e.

Simulan na.

+++

Oct. 8, sa Box-O-Rice.

Ako: Jamie, I received an email from Wyatt and Marie. My poem didn't pass.

Jamie: Mine too!!!

*apir!



0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger