Sabado

Okt 4, 2008

sabi na nga ba may sira tuktok ko e. sino ba naman kasi, sa buong kapuluan ng Pilipinas (hindi sa buong mundo ha), ang makapag-iisip na gumawa ng libro sa loob ng isang araw?

sampung kabanata ang nakaplano. isa't kalahati pa lang ang nagagawa.

nakakabaliw, di ba?

pero kung maayos lang sana ang laptop ko e di sana at least nakalimang kabanata na ako kagabi. o di kaya natapos ko na sana nang walang tulugan.

tapos ang mahirap pa, kailangan kong isipin na wala akong groupmates sa project na ito. kasi tuwing maaalala ko, naiinis lang ako at marami ang pumapasok sa isip ko:

1. wag ko na lang kaya gawin 'to. tutal mataas naman ang grade ko sa Fil, may bonus pa kaming one letter grade higher dahil sa sagala ng mga sikat.

2. sabi nina Gel, wag ko raw ilagay mga pangalan ng groupamates ko. i-consider ko kaya 'to?

3. pakingsyet sila. bakit ako magpapakahirap para sa kanila?

4. wala naman silang pakialam sa project e. sarilinin ko na lang 'to.

5. gago sila.

6. buti nga may share sila dun sa nakaraang project namin, yung documentary. kahit na ba sa katunayan ay 99.9 % ng effort, pagod, puyat, hassle, talino, research, at kuryente sa akin nanggaling.

7. bakit ba kasi ang bait-bait ko? hindi ko magawang iwan sila sa ere. bakit kasi level1 pa lang ang pagka-bitch ko?

SHET. PAKINGSYET TALAGA. HANGGANG TALAK LANG NAMAN AKO E.

Ok lang sa akin na ako ang gagawa ng 99.9 % ng project namin, pero gusto kong makita na kahit papaano ay may pakialam sila. Kusa sana silang nag-aalok ng tulong. Kapag may in-assign ako, gusto ko nagagawa nila nang maayos at maaga. Gusto ko na nararamdaman na may groupmates ako.

Iisipin ko na lang na katuwaan ko lang 'to, na gumising ako kahapon at bigla akong nagdesisyon na "uy, bakit di kaya ako magsulat ng sampung kabanata na fanfiction ng encantadia para sa Fil project namin?"

Tapos para ganahan akong magsulat iisipin ko na lang na ipapasa ko 'to sa Heights pagkatapos. Yun.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger