alam mo kung bakit ko gusto itong blog ko sa blogspot? kasi walang nagbabasa. well, kung meron man ay hindi ko nalalaman. tulad mo, kung binabasa mo ito ngayon hindi ko naman alam na binabasa mo nga ito.
marami pang dahilan. ok lang na magsintir ako dito. ok lang na may typo (maliban na lang kung may pagkakataong nao-OC attack ako). ok lang na magmura. ok lang na mag-Taglish. ok lang na maglandi. ok lang na hindi creative. ok lang kung selfish. ok lang kung elitista. ok lang kung makamasa. lahat ok lang basta sa tingin ko ok lang.
tulad ngayon, magsusulat na naman ako ng isang walang kuwentang blog entry tungkol sa buhay kong pinipilit kong punuin ng kuwenta - pinipilit kong lagyan ng pagitan ang buhay ko sa buhay ng iba: sa buhay ng mga kaibigan ko, sa buhay ng mga kapamilya ko, sa buhay ng mga mayayaman, sa buhay ng mga mahihirap, sa buhay ng mga pulubi, sa buhay ng mga taong-grasa, sa buhay ng mga kaklase kong hindi ko kinakausap buong semestre, sa buhay ng mga kakilala kong hindi ako pinapansin kapag nakakasalubong, sa buhay ng mga iba't ibang tao na nakakasakay ko sa jeep, fx, at bus araw-araw papasok sa eskuwela at pauwi sa bahay, atbp.
masalimuot?
ewan.
pasensya na, ganito lang talaga ako kapag hindi makapagsulat: nagsusulat.
+++
minsan hindi na ako palagay na nakikipag-usap ako sa ibang tao. kapag kasi ayaw mo silang sumagot sa mga hinaing mo, sumasagot sila. kung gusto mo naman silang magsalita, tsaka sila nananahimik.
kapag malungkot sila, nalulungkot din ako.
nakakailang na masaya ako samantalang malulungkot sila. parang nagiging kasalanan ang maging masaya.
+++
kailangan ko lang maglabas ng mga sama ng loob bago makapagsulat. ganito talaga.
kapag may kulang sa mundo ko, tumitigil ang lahat maliban sa oras. kaya naiiwan ako.
tulad nung nawala ang relos ko.
tulad nung naiwan ko ang planner ko.
tulad nung hindi ako nakapag-internet nang diretsong tatlong araw.
tulad nung naiwan ko ang cellphone ko sa bahay.
tulad ngayong hindi na ako makapag-YM sa bahay.
tulad ngayon na sira ang laptop ko.
iyon yun e. sira ang laptop ko.
meron kayang isang tao ang papayag na makipag-trade sa akin? isang 2nd hand na gumaganang Mac laptop para sa Packard Bell ko na may virus. sige na, kailangan ko lang talaga.
+++
minsan, iniisip ko rin na may sira ako sa ulo.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento