dahil stucked na naman ako

Okt 5, 2008

di ba nga. kapag hindi ako makapagsulat, nagsusulat ako.

kaya nga ako narito muli. upang ihayag sa blog na ito na nasa kalahati (tapos na ang lima sa nakaplanong sampung kabanata) na ako ng ginagawa kong libro para sa malikhaing proyekto namin sa Fil14 at hindi na makausad. nasa madugong parte na kasi ako: ang buod ng encantadia.

at maging sa pagsusulat ng isang blog entry ay nababara ang utak ko. nasaan na ang pag-asa?

a okay, ganito na lang. syempre buhay ko na naman di ba?

nito ko lang naalala ang mga ebooks na naka-save sa laptop ko na hindi ko pa nababasa: Dissonant Umbrellas ni Angelo Suarez, Pride and Prejudice, The Count of Monte Cristo, Clockwork Orange, at marami pang akda. naroon din nga pala yung soft copy ko ng graphic novel na V for Vendetta. lahat ng mga iyon nasa laptop ko - na ngayon ay deads na.

anyway, ayokong manlumo uli dahil sa kapalaran ng laptop ko (wala nang ibang solusyon kundi palitan ang hard disk drive). kaya ito na lang:

1. Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
2. A Farewell to Arms ni Ernest Hemingway
3. Without Seeing the Dawn ni Javellana

dagdag uli sa mga librong matagal ko pang mababasa.

+++

tinanong ako ni daddy kung gusto kong bumili ng drum set. syempre joke joke lang niya yun. trip lang niya na mang-trip. sabi ko huli na. lumipas na e.

naaalala ko pa nung umiyak ako kasi mahal ang isang drum set. third year ako nun at gusto kong matutong tumugtog ng drums.

sabi naman ni mama, kaya raw hindi siya pumayag noon na bumili kami ng drum set ay dahil alam na raw niya na lilipas lang yun. kumbaga ay hobby lang.

syempre counter-attack mode ako (ewan ko pero may mga pagkakataong ako ang naghahanap ng away at gulo), sinabi ko na lumipas kasi hindi nasuportahan. kung binilhan nila ako ng drum set noon e di sana magiging higit pa ito sa isang frustration at hobby.

balikan ko lang: nung bata pa ako, gusto kong maging ballerina. gusto ko ring matutong tumugtog ng piano at ng violin. gusto kong maging pintor. hindi ba parang lahat ng naging pangarap ko ay tila mga hobby lang? lahat ng yun hindi natuloy kasi mahal ang babayaran kung mag-aaral ng ballet, piano, at violin. mahal din ang piano (grand pa noon ang hinihingi ko) at violin. (sa kaso naman ng pagiging pintor, hindi yun natuloy kasi ibang kurso ang naipasa ko sa UP) hindi ba ang pagsusulat ay tinuturing na hobby lamang ng isang tao? palibhasa papel at panulat lamang ang pangunahing pangangailangan...

+++

nabasa ni mama yung balita ng isang nagpakamatay na estudyante sa Guidon. nag-alala siya tungkol sa amin - lalo na kay emo-boy kuya. well, sa tingin ko wala siyang aalalahanin sa akin kasi naniniwala siya na ang mga writers madaling nakapaglalabas ng saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat. na sa katotohanan ay hindi naman talaga.

sabi ko sa kanya, "hindi rin. kasi minsan kapag isinulat, lalong tumitindi."

nagiging konkreto kasi, nagkakaroon ng anyo. at pwede mong balik-balikan, sariwain kumbaga. parang sugat na hindi gumagaling. paglimot lamang ang solusyon ngunit sabi nga ng isang makata, walang sapilitang paglimot.

at hindi lahat ng manunulat ay nagsusulat para maglabas ng mga angst nila sa buhay (base sa blog na ito, hindi ko naman maitatanggi na naglalabas ako ng sama ng loob dito).

at pwede ba. kahit sinong tao pwedeng magsulat para maglabas ng problema nila. parang therapeutic. maraming manunulat ang nagsisimula sa ganiyan.

the point is...

na-offend siguro ako sa paga-assume ni mama na ok lang ako.

ewan. pero parang ganun e.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger