Kasalukuyang umuulan, habang mataas ang sikat ng araw.
+++
Natapos ko na rin ang nobelang I'll Be Seeing You ni Mary Higgins Clark. Tatlong araw din yun na patigil-tigil sa pagbabasa di tulad nung binasa ko yung nobelang Tending to Grace ni Kimberly Newton-Fusco - na natapos ko sa loob ng tatlong oras. Mas masalimuot naman yung I'll Be Seeing You kaysa sa Tending to Grace. Pero mas relaxing yung Tending to Grace. Yung kay Clark kasi thriller ang dating. Nagsimula ang lahat sa isang pagkamatay. Hahanapin yung salarin, tapos marami nang nasangkot: may mga psycho, doctors, reporters, lawyers, etc.
Ngayon naman pinapabasa sa akin ni mama yung nobelang Rising Sun ni Michael Crichton. Tungkol ata sa Japanese industry sa America (business is war nga raw, ayon sa mga Japanese).
Nasanay ako na mga ganiyang klaseng nobela ang mga binabasa ko. Magsimula ba naman sa Nancy Drew e, tsaka sa konting Hardy Boys. Tapos yung mga tipong John Saul at John Grisham. Sidney Sheldon nga rin pala (personal favorite ko yung Windmills of the Gods). Oo, oo. yun pang may mga kinalaman sa law, sa mga pagpatay, mga ganun...
Hindi ako nagkaroon ng hilig sa Harry Potter series. Palibhasa kasi ang mahal nung libro, tsaka may pelikula naman e hehe (pero iba pa rin yung nabasa mo).
Sa Twilight saga naman...hehe, interesting yung story line. Buti na lang may nada-download mula sa internet. Kakaiba naman kahit na para sa iba nakakatawa (kumikinang na bampira kapag nasinagan ng araw? virgin na bampirang lalaki? hahahaha). Pero hindi, seryoso...ayos yung story. Ika nga e, bago. Tsaka syempre, sinamba ko rin naman kahit papaano yung character ni Edward Cullen (fictional characters rock, dude). Pero sa kabila nito, pangit raw yung pagkakasulat. Hindi ko naman napansin kung di nila sinabi sa kin. Syempre mas makikita nila yung pagkakaiba ng Twilight sa mga talagang magagandang english novels.
Sa bookshelves ko, di hamak na mas marami ang english novels kaysa sa mga Filipino novels. Nakakainis nga e, kasi mas accessible ang mga english novels kaysa sa mga Filipino novels. Buti na nga lang at nakakuha si mama ng Luha ng Buwaya ni Ka Amado sa isang booksale. OK na yun kahit na halatang lumang-luma na at parang nababad pa sa tubig.
+++
Hindi na ako magsa-summer sa susunod na taon. Kukunin ko ang Math12 sa darating na semestre at nilipat yung foreign language ko sa third year class schedule ko. Shet, kinakabahan ako. Naka-set na kasi sa utak ko na summer ko kukunin ang Math12. Sabi nila madali lang daw...pero Math pa rin yun e.
E di paano kaya yun? Iba ang class schedule ko sa mga blockmates ko. Siguro OK na rin yun para maka-focus ako sa pag-aaral, di tulad nitong dumaang semestre...Naka, bagong classmates na naman. Daraan na naman ang isang semestre na di ko man lamang makakausap/kakausapin yung katabi ko.
Ang aga-aga kong namomroblema.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento