the art of revising

Okt 15, 2008

Dapat ko 'tong matutunan. Dahil sabi ni Iggy, kapag na-in love ka sa pagre-revise, pwede ka nang matawag na writer. Kaya si Iggy ay isang writer: iggyllanothewriter. Mas karapatdapat sa kanya ang titulong yan. XD

Biruin mo ba naman, ang tiyaga nitong taong 'to. Yung isang short story, ni-revise niya ng tatlong buwan. (Tubero ang pamagat, sana pinasa/ipasa niya 'to sa Heights. Maganda, pwamis.) E ako, yung aapat kong fiction, ni hindi ko ginagalaw nang kusa sa loob ko. Tapos fiction ang specialization ko. (Minsan iniisip ko na niloloko ko lang ang sarili ko.)

Hmmm...kaya dapat mag-isip. Kailangang magbago ng diskarte. Kailangang mahalin ang pagre-revise!

3 ang nagmamahal:

brandon ayon kay ...

masokista lang ang nagrerevise.

rachel marra ayon kay ...

masokista ka ba brandz? =D

iggy ayon kay ...

hoy hindi "llano" apelyido ko! LLONA!!!

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger