Tulad ng Dati

Ago 31, 2008


Category:Movies
Genre: Independent

Ito ang isang Indie film na hindi nagpapaka-Indie. Contemporary pero hindi sobra (sobra in the sense na dinidibdib masyado yung post modernism). Madamdamin pero hindi hollow yung mga damdamin.

The Dawn stars as The Dawn and Ping Medina as Teddy Diaz. Kaya ko nga dinownload 'to e, dahil kay Ping Medina. =)

"Ano bang nangyari nung 1988?"

Sa mga di nakakaalam, ang The Dawn ay isang lokal na banda na nabuo noong 1985 at sumikat noong 1988. Kahit na si Jett Pangan ang bokalista nila, si Teddy Diaz ang kinikilalang frontman ng banda. At kung nalaman ko lang ito nang mas maaga - sabihin nating nung July - e di sana imbes na si Bamboo ang bayani sa dokyumentaryo namin sa Fil14, si Teddy Diaz na lang sana.

Nung 1988, pinatay si Teddy Diaz. Kung gusto n'yong malaman ang buong istorya ni Teddy, hanapin n'yo na lang sa google. Interesanteng tao 'to, sinasabi ko sa inyo. Parang Jose Rizal at Eman Lacaba sa pagiging talentado.

Kung may isang puntod na sasayawan ko, siguro dun ako sa puntod ni Teddy Diaz ng The Dawn. (reference/citation needed! o kung alam n'yo yung pelikulang The Gravedancers makukuha n'yo yung ibig kong sabihin!) XD

Anyway, balik sa pelikula...

Naka-set ito sa taong 2006. Pa-gig-gig na lang ang The Dawn dahil na rin sa kasikatan ng mga bagong banda. Nagka-amnesia si Jett Pangan dahil may nanloob sa bahay nilang magnanakaw at hinataw siya sa ulo/batok. Hanggang 1988 lang ang mga memoryang naaalala niya.

At simula roon umikot na ang istorya sa paghahanap ni Jett sa kasikatang natamo nila noong 1988, sa paghahanap niya kay Teddy, at sa paglaban sa oras at panahon.

Hitik sa mga power lines ang pelikulang ito. Ito ang pinakasikat sa tingin ko:

version 1 from someone named benito na may multiply account:

Ping Medina: Ano ang ginagawa pag may nawala?

Jett Pangan: Hinahanap.

Ping Medina: Pag ‘di mahanap?

Jett Pangan: Pinapalitan.

Ping Medina: Pag ‘di mapalitan?

Jett Pangan: Eh ‘di kinakalimutan.

Ping Medina: Pag ‘di makalimutan?

Jett Pangan: Tinatanggap.


version 2 from quoteshaven.org (si Teddy (Ping Medina) yung nagtatanong, si Jett Pangan yung sumasagot; mas kumpleto ito):

ano ang gagawin mo sa bagay na nawawala?
Hinahanap.
kung di mo mahanap?
pinapalitan.
kung hindi mo mapalitan?
kinakalimutan.
eto ngayon ang tanong. ano ang gagawin mo sa bagay na nawawala na hindi mo mahanap, hindi mo mapalitan at ayaw mo kalimutan?
Tinatanggap.

Bukod sa magandang storyline, maganda, maayos, at malamang script, at sa kagwapuhan at kaastigan ni Ping Medina, nagpadagdag sa kagandahan ng pelikula ay ang musika. Syempre naman, aasahan na yun. Pero ibang klase talaga kasi akmang-akma yung mga kantang ipinapasok sa mga eksena. Hindi lang basta bagay yung kanta, may kahalagahan pati. Ang gaganda pa naman ng mga kanta ng The Dawn, lalo na yung sa album nilang Harapin.




fangirl moment:

Dun sa eksenang niyakap ni Jett si Teddy (wag na wag n'yong kalilimutan na si Ping Medina ang gumanap kay Teddy), tapos umiiyak na siya, tapos pinapatahan niya si Jett, tapos sabi niya "it's ok Jett, it's ok. Hush, Jett, hush," basta pinapatahan niya si Jett, sobrang umiyak ako dun. Umiyak ako kasi ang drama talaga. Umiyak ako kasi ang guwapo ni Ping Medina. Umiyak ako kasi akala ko kung iiyak ako kagaya ni Jett Pangan darating si Ping Medina sa tabi ko at yayakapin niya ako kagaya ng pagyakap niya kay Jett Pangan. Sasabihin niya, "It's ok Rachel, it's ok. Hush, Rachel, hush..."


XD

I Kissed a Girl

Ago 30, 2008

I started my day with this song - which I got from Gel. I repeated it three times in my media player while I was tying my shoelaces (just wonder how long it took me to do this), and now it's stuck in my head. Nonetheless, this is one of the nicest last song syndrome I ever had.

I Kissed a Girl
Kate Perry

This was never the way I planned,
not my intention.
I got so brave
Drinking, and...
Lost my discretion
It's not what, I'm used to.
Just wanna try you on.
I'm curious for you,
Caught my attention.

I kissed a girl and I liked it,
the taste of her cherry chap stick.
I kissed a girl just to try it,
I hope my boyfriend don't mind it.
It felt so wrong,
it felt so right.
Don't mean I'm in love tonight.
I kissed a girl and I liked it.
(I liked it)

No, I don't even know your name,
It doesn't matter.
You're my experimental game,
Just human nature.
It's not what good girls do.
Not how they should behave.
My head gets, so confused.
Hard to obey.

I kissed a girl and I liked it,
The taste of her cherry chap stick.
I kissed a girl just to try it,
I hope my boyfriend don't mind it.
It felt so wrong,
It felt so right.
Don't mean I'm in love tonight.
I kissed a girl and I liked it.
(I liked it)

Us girls we are so magical.
Soft skin, red lips, so kissable.
Hard to resist,
So touchable.
To good to deny it.
Ain't no big deal,
it's innocent.

I kissed a girl and I liked it,
the taste of her cherry chap stick.
I kissed a girl just to try it,
I hope my boyfriend don't mind it.
It felt so wrong,
It felt so right.
Don't mean I'm in love tonight.
I kissed a girl and I liked it.
(I liked it)

+++

So, my day was mostly spent singing this song inside my head. Good grief it's a beautiful song.

KaPu || Fil14 G, 5th place tayo! XD

Ago 28, 2008

.

Haha, akalain n'yo ba namang makaka-5th place tayo?

Dahil ako lang ang Fil14 G na naroon kanina, syempre ako lang ang tumanggap ng plake. Mag-isa lang ako kanina, hindi ako nakabati at nakapagsalamat dahil na rin sa gulat at galak. =(

Kaya 'eto, nasa akin muna yung plake. Dadalhin ko na lang bukas para makita ninyong lahat. Buti hindi nabasag kanina habang nasa biyahe ako, sana hindi rin mabasag bukas sa pagpasok ko sa Ateneo. Kasalukuyang nakasabit sa dingding ng bahay ko yung plake. Pagpasensiyahan n'yo na kung landscape ang page layout kahit na dapat ay yung normal lang. Walang sabitan yung frame na patayo e, tapos yung kuha ko naman na patayo ayaw mag-load dito sa multiply.



Masaya naman yung KaPu. Anim yung mga napiling finalists sa timpalak awit at magagaling silang lahat. Sayang nga lang at tatlo lang ang piniling panalo. Wala namang first place sa timpalak tula, ewan kung bakit pero kakaiba hindi ba? (Congrats kina Kevin Marin [2nd place, Por Kilo] at Mike Orlino [3rd place, Mapa]!) Sa timpalak sanaysay isa lang ang panalo, paano ba naman kasi ang konti ng nagpasa.

At yun na nga, sa Sagala ng mga Sikat ang nanalong over-all na sikat ay ang Pugo at Tugo (tama ba?). 2nd ang Pagong at Matsing at 3rd ang Mulawin. Syempre 5th nga tayo...Pasensya na, yun lang ang natatandaan ko. =)

Pinakasikat na arko ang sa Strangebrew. Pinakamagaling na presentasyon naman ang sa Pagong at Matsing.

Nagbasa naman ng tula sina Brandz Dollente at ang mga anak ni Sir Mike Coroza (ang cute nung batang lalaki na limang taong gulang pa lang!). Nag-kantula o nagtulawid (tama ba?) naman sina Gino at Maki Lim. Haha, ulan...hindi ko 'to makakalimutan. Sana may nag-video nung performance nila tapos mahahanap ko sa youtube. Sana. =)

Standing obation naman si Sir Yol Jamendang sa performance poetry niya (pero hindi yata tula yung binasa niya, parang fiction/creative nonfiction kasi nabasa ko na yung isang bersiyon nu'n na nasa blog niya. a basta. magaling.) Hay, ang galing, ang galing. Yes naman, forefather daw ng performance poetry si Sir Yol, pero sana hindi pa rin niya iiwan ang blog niya.

Sina Sir Tenorio at Sir Diccion nga pala ang mga hosts kanina. Super laugh trip, haha! Sumakit na nga panga ko kanina kakatawa at kakangiti sa mga banat nila.


Yay Guys! 5th place tayo! Good job! Haha.

Dun nga pala sa mga may pics, paki-upload naman para may manakaw. XD


Bagyo

Ago 26, 2008

Basa ang mga gamit ko. =(
Muntik nang masira ang payong ko.
Nababad sa baha ang bagong laba kong sapatos.
Gabi na akong nakauwi.
May posibilidad na makansela ang Sagala bukas. (Hindi maaari!)

Ang sakit ng ulo ko.
Sana hindi ako magkasakit.

AH. SIYET.

Ago 24, 2008

Ito lang ang nasabi ko matapos basahin ang Ang Sandali ng mga Mata.

At pagkatapos ay binasang muli ang mga huling talata.

Nakakahiyang aminin pero marami akong hindi naintindihan, mga dapat linawin. Maraming blangko. Huhu, tulong po.

Family Time. Yata.

Nakapunta ka na ba sa Paraiso? Ako, oo. Hindi lang isang beses. Maraming maraming beses na.









Pumunta kami sa Paraiso kanina. Family bonding nga yata. Ginamit uli ni Daddy yung bike niya na nagkakahalaga ng ilang libong piso, nagamit uli ang mga badminton rackets namin, nalinis nang bahagya ang puntod ng lola ko (sementeryo nga pala ang Paraiso, memorial park ika nga), at nagamit ko uli ang sumbrero kong astig. Sayang nga lang dahil nagkataong umulan at kinailangan naming umuwi nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Nabasa kami ng ambong hindi ko malaman kung ulan na ring matatawag, pinagamit ko sa bunso namin ang astig kong sumbrero para hindi siya gaanong mabasa, at hindi naman talaga nagamit yung tripod naming pang-geodetics sa pagkuha ng maraming family pictures. Actually, landscape lang naman ang nakuhanan ng litrato kanina.

Dumiretso na lang kami kay Lolo, sa Montalban. Matagal na akong hindi nakakapunta roon, palibhasa lagi na lang si Mama ang bumibisita sa kaniya kasi abala kami sa eskuwelahan o sadyang wala lang talaga kaming kusa na pumunta roon - minsan kasi hindi ko makayanan ang katahimikang nagaganap sa kalagitnaan ng mga pag-uusap na lalong nagpapalawak sa puwang na nasa pagitan namin; may tampo pa rin siguro ako sa kaniya kasi hindi siya pumunta sa bahay noong 17th birthday ko.

Wala gaanong katahimikan kanina. Madaldal si mama at naroon si Ali, walang patlang ang katahimikan. Ako ang tahimik, ako. Pero sinikap kong mag-ingay kahit papaano, para maramdaman din ni Lolo na naroon ako at hindi lang isang imahe ng apong dati ay malapit sa kaniya dahil nasusunod lahat ng gusto ko (sampung taon din akong naging bunso), isang batang masigla, bibo, at malusog na dati ay katuwang niya sa pagtitinda ng mga damit sa palengke ng San Jose - katulong sa pag-aanyaya sa mga mamimili, sa pagsasalansan ng mga damit sa papag, sa pagsasampay ng mga sari-saring t-shirts at bags sa kisame ng tindahan, at sa pagbabantay ng mga paninda laban sa mga magnanakaw at sa mga mamimiling barat, isang babae na namamayagpag sa eskuwela noong elementarya kaya madalas na ipagmalaki sa mga kapwa tindero't tindera sa palengke, isang dalaga na nakapasa sa UPCAT, ACET, USTET, at Miriam, isang Atenistang laging abala sa pag-aaral at tinatahak ang isang kursong karaniwang walang trabahong maaasahan pagkatapos ng kolehiyo na kailangan niyang alalayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng allowance.

Ayokong tumanim sa isipan niya na isa lamang akong bungangang palamunin, na wala na akong inatupag kundi ang mag-aral at magsulat at magmalaki sa isang kapirasong tula na maaaring mailathala sa hinaharap, na isa lamang akong ideyang bigla na lang sumusulpot sa mga oras na di karaniwan.

Parang hindi siya natuwa na sa wakas ay nababawasan na ang mga taba ko sa katawan, sa halip ay parang ikinalungkot niya ito - sanhi raw kasi ito ng pagpapahaba ko ng buhok. Parang ayaw niya na mahaba ang buhok ko. Hindi ako naglakas-loob na tanungin kung bakit kasi baka sumang-ayon ako sa kaniya at ipaikli ko nang tuluyan ang buhok kong magtatatlong taon ko nang pinapahaba.

Natatakot kaya siya na lalong lalawak ang puwang na pumapagitan sa aming dalawa? Na sa pagpapahaba ko ng buhok at sa pagbabawas ng aking timbang ay mas nagiging kapansin-pansin na hindi na ako bata. Ayokong isipin na natatakot siyang baka maaga akong tumahak sa landas ng pag-aasawa at pagpapamilya, dahil hindi naman mangyayari sa akin yun hanggat nasa matinong pag-iisip pa ako.

At totoong hindi na ako bata. Malapit na akong maging isang opisyal na dalaga pero parang kahit na ang sarili ko ay hindi naeengganyo sa ideyang ito. Lalo lang akong nalulugmok dahil hindi ko mapapangatawanan ang pagiging isang dalaga. Marami akong hindi pa nararanasan, at gustong maranasan. Pero alam ko, na bata pa rin ang magiging turing sa akin.

Isang malaking kabalintunaan.

Maging ang pangalang Paraiso ng isang sementeryo ay isang kabalintunaan para sa akin. Parang nagpapatawa, o nagsisilbing pampalubag-loob sa mga katawang inuuod sa loob ng mga kinutsunang ataul. Paraiso. Paraiso pala ha.

Hindi ni'yo ako maloloko sa pagpapasemento ng dating maputik na daan tungo sa puntod ng lola ko, kung saan dati ay malayang naglalaro ang mga uod na alam kong nanggaling sa kung saang katawan sa ilalim ng lupa at kinayang tumakas sa kinutsunang ataul.

Nga pala, yung picture ng Paraiso dito sa entry na ito ay hindi sa akin. Nakuha ko lang ito sa batangsanmateo.com.

Sabado

Ago 23, 2008





Binabasa ko ngayon ang nobelang Ang Sandali ng mga Mata. Sa ngayon nasa kalagitnaan pa lang ako. Hindi ito tulad ng ibang mga libro/nobela na pwede kong basahin nang diretsahan sa isang gabi o yung kong kaya kong tapusin habang naghihilik ang iba kong mga kasamahan sa bahay.

May mga pagkakataong nalilimutan ko na si Alvin Yapan, ang nagsulat ng Apokalipsis, ang nagsulat nito. Sa tuwing maaalala ko, nagkakaroon ng linaw kung bakit hindi ko pwedeng madaliin ang pagbabasa, kung bakit hindi ko pwedeng palampasin yung mga talatang di ko gaano naintindihan, kung bakit kailangan kong balikan yung mga ibang pangyayari sa mga nagdaang kabanata. Nasa isip ko: 'Si Alvin Yapan 'to, yung nagsulat ng Apokalipsis. Wag ka nang magtaka.'

Pagod.

Ago 22, 2008


seryoso. syet. sa Heights pub room.


Iisa-isahin ko.

Una.
Wala pa akong tulog. Hindi. Meron naman, pero hindi maayos. Natulog lang ako nang 30 minutes bago ako umalis ng bahay - pagkatapos mag-aral sa History. Buti pinaalala ko sa sarili ko na may long test din ako sa Theology kaya kailangan ko pang pumasok nang maaga at i-print ang guide questions sa school. At buti na lang hindi ako nahirapang sumakay ng FX papasok kanina. Sa kakulangan ko ng tulog, alam ko nagmukha akong adik at sabog kanina. Nakasalubong ko si Dino sa library at nag-usap kami, huli na nang mapansin kong napaka-monotonous ng boses ko. Nakasalubong ko naman si Brandz sa daan papuntang CTC, hindi ako makangiti nang maayos kasi ang bigat ng mga mata ko.

Pangalawa.
PAKINGSYET ang hirap ng essay parts sa long test ko sa History. Natatakot tuloy ako na baka makatikim ako ng una kong C na final grade sa isang subject. Muntik pa akong lumampas sa limit na maximum of 10 lines.

Pangatlo.
Ipinagpatuloy namin sa Aesthetics ang panonood ng The Kiterunner, hindi tuloy ako gaano pang nakapag-aral sa Theology. Napaluha naman ako kanina, inisip ko naman hindi pa nga nagsisimula yung long test ko sa Theology, napapaiyak na ako.

Pang-apat.
Yung essay part ng long test sa Theo, hindi ko nasagot nang diretsahan. Gusto kong magpakatotoo kaya lang baka ibagsak niya ako. Ang tanong kasi, i-relate ko raw ang buhay, lifestyle, at career path ang Kingdom of God at ano raw ang response ko sa pagtawag ni Kristo na hanapin ko ang Kingdom of God. Para dun sa huling tanong, 'eto sana ang sagot ko:

As of now, I don't wanna think about the Kingdom of God. I do not feel Christ's call to me nor do I have intentions in finding it. Studying the KOG makes me feel that we should live for our afterlife: "Nevermind that we suffer in this present life, as long as we suffer because only the poor people and the suffering are the ones allowed in the KOG. Nevermind doing good or bad things ang deeds, after all being poor is enough to enter the KOG. Nevermind this present life, we should live for our afterlife." I want to live for my NOW. I want to do good things because it makes me feel better, not because I'm desperate in entering the KOG.

Ladadadada...parehong thought lang naman e, mas harsh nga lang itong super honest kong sagot.

Panglima
Nananakit ang buo kong katawan, dahil siguro sa Tai Chi. Mas nagagalaw kasi yung buong katawan sa Tai Chi with swords.

Pang-anim.
Naste-stress ako sa pag-iisip na isang taon ang sinayang ko sa hindi ko pakikipagsapalatan sa Heights workshop. Next year sana may mga gawa na akong nakalaan talaga para diyan, sayang kasi e. Sino bang makapagsasabi?

Pangpito.
Iniisip ko pa lang na may NSTP bukas, napapagod na ako.

Pangwalo.
Yung sagala. Argh, stressed. Di pa nga pala ko nagbabayad.

Pangsiyam.
Nakakapagod kapag bad trip. Ewan.

Spread the word!


Ateneo writers¢ workshop offers fellowships

The Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP) is accepting applications for the 8th Ateneo National Writers Workshop (ANWW) to be held on 20-25 Oct. 2008.

Each applicant should submit a portfolio in triplicate of any of the following works: five poems, three short stories, written in Filipino or English, with a title page bearing the author¢s pseudonym and a table of contents. The 8th ANWW will not be accepting portfolios for one-act plays as a separate workshop will be conducted for this. Details will be announced later this year.

The portfolio must also be accompanied by a diskette containing a file of the documents saved in Rich Text Format.

All submissions must include a sealed envelope containing the author¢s name, address, contact numbers, e-mail address, and a one-page resume including a literary curriculum vitae with a 1x1 ID picture.

Twelve fellows will be chosen from all over the country. Food and accomodations will be provided.

Please address entries to: Alvin B. Yapan, acting director, AILAP c/o Department of Filipino, 3F Horacio de la Costa Hall, Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City.

Deadline of submissions is on 8 September 2008. For inquiries, please call 426-6001 local 5320-21 or e-mail ayapan@ateneo. edu.

Ang Sandali ng mga Mata || Alvin Yapan

Ago 20, 2008

Required sa klase namin ng Fil14 ang basahin ang librong Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin Yapan. Ang balak ko sana nung una ay ipa-photocopy yung buong libro para tipid - 340 ang regular na presyo ng libro - tutal naman nakabili na si Fourth at pumayag naman siya sa balak ko. Kaya lang talagang kinakapos ako ngayon, kahit na yung 72 pesos na photocopying fee hindi ko madukot mula sa daily allowance ko - may Urbana at Felisa pa akong dapat ipa-photocopy na nagkakahalaga rin ng 70+ pesos.

Buti na lang may mga taong meron na'ng Sandali, haha. Akala ko pa man din imposible sa isang tulad ko na school-bahay na Atenista ang magkaroon ng kakilala na meron na nito (in short, magkaroon ng kakilala mula sa upper classmen/kapwa sophomore na dumaan din sa ganitong requirement). Willing sina Irae at Walther na magpahiram. Yung kay Walther ang pinili ko kasi may notes na raw (at oo nga, meron!). >.<

Ngayon, nagtatalo ang kalooban ko kung sisimulan ko na itong basahin. Siguradong hindi ko na 'to mabibitawan kung sakaling uumpisahan ko na ngayon mismo. Hay, may quiz bukas sa Fil, at malamang meron din sa CW dahil bago na ang pag-aaralan namin (creative non-fiction na kami!). Pero, pero, pero...

Malakas ang hatak ng kagustuhang magbasa!

Bahala na. Hehe.

V for Vendetta graphic novel

Ago 19, 2008

Salamat sa Diyos para sa paglikha ng mga taong may kakayahang mag-isip at mag-imbento ng mga bagay-bagay na nagpapadali ng buhay ng tao (ayan, para naman hindi masabing napaka-sekular ng buhay ko).

Nakapag-download ako ng graphic novel ng V for Vendetta.

Grabe, at eto na naman ako na nawawala sa riles ng realidad. Kung iisipin ko nang maigi, si V ang unang fictional character na minahal ko't inibig. Aw. XD

May histo at theo long test pa ako sa Biyernes, at quiz sa Filipino sa Huwebes. Argh, baka tapusin ko muna itong V for Vendetta bago ko ipagpatuloy ang pagiging estudyante. =)

Hehe

Ago 18, 2008



Nakita ko lang 'to sa kagawaran.blogspot.com. Nakakatawa.

Monsoon

Ago 17, 2008

Feel ko lang mag-blog. XD

Birthday ni kuya kahapon.
Natapos ko kaninang umaga ang Makinilyang Altar ni Luna Sicat-Cleto. Grabe, nakanganga talaga ako nang matapos ko 'to.
Nasa kalagitnaan na ako ng Parman ni David Hontiveros.
Pinakikiramdaman ko pa ang Onyx ni Romulo P. Baquiran, Jr.
Tinititigan ko lang yung Aesthetics book ko.
Mas gusto kong nagdidiskurso tungkol sa Theology kaysa inaaral ito.
Puro panonood kami ng pelikula ngayon.
Hinihintay kong matapos ang pagda-download ng mga dina-download ko.
Pucha, ang baba nga pala ng class standing ko sa History.
May nahanap na akong invocation para sa CW.

+++

Babae ako, babae ako. Kaya ngayon ako'y ganito.

+++

Madalas na dumadagsa ang mga ideya - sabay-sabay, nag-uunahan, nagsasapawan, hanggang sa nagpapatayan na sila.

computer na altar XD

'Araw-araw, minu-minuto, kailangang ingudngod ang dalawang tanong sa sinumang nangangahas sa pagsamba sa makinilyang altar:"Kakasa ka ba? Kakayanin mo ba ang walang patid na hirap?" Ginagayuma siya ng panandaliang luwalhati ng pagkakapanalo sa mga timpalak, ng mga pagkilalang ipinamumudmod sa anyo ng bronzeng tropeo o plake. Ngunit ang husay mo'y hanggang sa iyong pinakahuling akda lamang. Napakaiksi ng memorya ng tao, napakaiksi ng gunita ng bansa.

Sa mga manunulat na nahumaling sa altar na ito, inakala nilang tiwalag sila sa mga nangyayari, inakala nilang mababakuran nila ang kanilang mga sarili, nabubulag sila sa ilusyong ang panahon ay maaangkin.'

Makinilyang Altar
Luna Sicat-Cleto

+++

Ngayon alam niyo na kung anong invocation/prayer ang pinasa ko kay Sir Brion.

+++

Buti pa ang typewriter may Filipino counterpart (makinilya), ang computer wala. Kompyuter? Pangit. Ang cellphone daw ay selepono. Cute sana pero may mali raw (nung unang beses kong nabasa ang terminong ito akala ko tini-trip lang ako e [sa akosiyol.blogspot.com kasi, hindi mo alam kung alin ang seseryosohin mo, haha]).

Long weekend.

Ago 16, 2008

Daw.

Hindi sapat, hindi sapat.

+++

Magsisimula na sana akong mag-aral sa Aesthetics kanina, kaya lang nakapanghihina talaga yung libro. Parang ina-absorb yung enthusiasm ko. Pati yung slide outlines ng mga grupong nag-report, nakapanghihina rin kasi ang hirap pag-aralan. Hindi ko pwedeng i-staple kasi kakaiba yung pagkaka-print sa papel, baligtaran na baligtad.

Dahil naniniwala ako sa kapangyarihan ng musika, isinalang ko yung Infinity on High ng Fall-out Boy. Maniwala ka, makapangyarihan yun. Katulad ng Ibong Adarna. Nakatulog ako habang kumakanta (hindi talaga makukumpleto ang Sabado ko nang hindi natutulog sa hapon).

Paggising ko, nawala na nang tuluyan yung kagustuhan kong mag-aral sa Aesthetics. Mag-aaral sana ako sa History kaya lang aakyat pa ako sa kwarto ko para kunin yung readings. Inisip ko wag na lang. Saka na. ;p

Kaya eto, imbes na yung Aesthetics book/Histo readings/Theo readings ang binabasa ko, ang Makinilyang Altar ni Luna Sicat-Cleto ang pinagkakaabalahan ko.

Pagkatapos kasi ng NSTP - na nakakabagot (kasi makulimlim at wala sina Jamie, Jake, at Gorio. ang konti lang naming tutors, buti na lang konti lang din ang pumasok sa mga bata) at nakakatakot (kasi may dalawang sabog na lalake ang muntik nang pumasok sa classroom namin dahil may nakursunadahan sa aming mga tutors, may dala pa raw na shabu. naharang lang ng mga facilitators ng area namin. simula ngayon, hindi na kami pwedeng magkanya-kanya sa pag-alis sa classroom kasi delikado na. ibang ruta na ang daraanan namin papunta at pabalik sa classroom (na secluded at malayo sa sentro ng barangay)) - dumaan ako sa library para ibalik yung mga librong hiniram ko para sa group paper sa Histo at para sa Theology at napag-trip-an ko lang na humiram ng mga libro na pwede kong basahin ngayong "long weekend."

Lima ang hiniram ko:
  • Makinilyang Altar ni Luna Sicat-Cleto. Isang nobela. Matagal na 'tong nirerekomenda sa amin. Si Sir Derain ang unang nagrekomenda, dahil na rin pinag-aralan namin yung maikling kwento ni Luna Sicat-Cleto na Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon. Meron pala sa library, kaya humiram ako.
  • Maganda pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco. Isang nobela. Alam ko pahapyaw na namin 'tong pinag-aralan noong high school.
  • Ang Ginto sa Makiling ni Macario PIneda. Isang nobela. May binasang excerpt si Sir Egay mula rito bilang dasal namin - tungkol sa kagandahan ng pag-aaral sa Ateneo kumpara sa UST yata.
  • Tinik sa Dila (Isang Katipunan ng mga Tula) ni Cirilo F. Bautista. Koleksyon ng mga tula (duh). Hindi talaga ako mahilig magbasa ng tula. Sa mga Filipino kong libro noong high school at kahit na sa librong Hulagpos, nilaktawan ko yung mga tula. Puro maiikling kwento lang dati ang binabasa ko. E paano naman ako mahahasang magsulat ng tula kung hindi ako nagbabasa ng mga tula? Di ba? Di ba? DI ba?
  • Onyx ni Romulo P. Baquiran, Jr. Koleksyon ng mga tula. Isa pang exposure sa mundo ng mga tula.

Sana mabasa ko itong lahat. Hanggang ngayon pa kasi may mga libro ako dito na hindi ko pa nababasa ni binubuklat:

  • The Picture of Dorian Gray by Oscar Wilde. A novel. Ito yung nakuha ko lang sa halagang trenta pesos.
  • Tending to Grace by Kimberly Newton Fusco. A novel. Pang-teens.
  • Magic Seeds by V.S. Naipaul. A novel. Winner 'to ng Nobel Prize para sa Literature.
  • Parman by David Hontiveros. A novella.
  • Fasting by Emile Zola. One of the three short stories in Zola's For a Night of Love.
Pati pala mga Ebooks meron ako, pero hindi ko pa sinisimulan (maliban na lang sa Twilight saga ni Stephenie Meyer. ugh, kids these days. XD):

  • Things Fall Apart by Chinua Achebe. A novel.
  • Dissonant Umbrellas by Angelo V. Suarez. Honestly, I don't know what this is. A collection of poems? Masyado kasing postmoderno. Ano nga ba ang tula? Hay, hindi ko pa nagagawa nang maayos yung assignment ko kay Brandz! XD
  • Pride and Prejudice by Jane Austen. A novel.
  • Count of Monte Cristo by Alexander Dumar. A novel.
  • A Clockwork Orange by Anthony Burgess. A novel. Napanood ko na yung pelikula nito.
  • Jane Eyre by Charlotte Bronte. A novel.
  • City of Masks by Mike Reeves-McMillan. A novel.

Nagda-download nga rin pala ako ng mga kung ano-ano:

  • ImaheNasyon. Indie film. Ping Medina!!!
  • Tulad ng Dati. Indie film. Bida ang bandang The Dawn, at syempre si Ping Medina!!!
  • Teeth. Foreign film. Interesado lang ako.
  • Tokio Hotel albums: Scream at Schrei. Pinakilala 'to sa akin ng kuya ko. At astig p're! Boses babae yung bokalista, haha. German nga pala sila. Pakiramdam ko yung album na Scream yun yung English version ng album na Schrei. OK lang, OK lang...
+++

Holy Guacamole. Hindi pa ako nag-aaral sa Histo, Theo, at Aesthetics. Hindi ko pa inaayos yung tula ko para sa CW. Hindi ko pa inaayos mga gamit ko (nagkalat na ang mga readings sa kwarto ko). Hindi pa ayos yung venue sa AMParty. Hindi ko pa naaayos yung human bingo para sa AMParty. Hindi pa ako nakakapili ng prayer/invocation na ise-send kay Sir Brion.

Hehe, kaya yan. Lagi naman e (ang yabang talaga).

Happy weekend sa inyong lahat. XD


(sana makakuha ako ng pics ng Open Mic kahapon. remebrance.) =)








Plans for August 14.

Ago 13, 2008

Magpaka-busy. Lagi naman e.

1. Unang experience ko sa pagiging poll officer - ang highlight daw ng pagiging miyembro ng Comelec. At sa wakas, makukumpleto ko na rin ang service hours ko. Dahil dito, full ang sked ko bukas. Wala akong break (after Fil pa! alas-tres ng hapon!)

3. Magpapagabi uli sa school. May delibs uli kasi. ;)

4. Magmumukmok kasi alam kong nandiyan lang si Ryan Ross at tumutugtog ng gitara.

5. Makikinig sa mga album ng The Killers (waha! natapos na rin yung pagda-download sa wakas!) habang...bahala na.

Talks

Ago 12, 2008

ako: Magulo ba buhok ko?

Jong: I don't know, I can't tell. It's curly.

since when is curly synonymous to messy?

+++

fourth: Acee...

ako: What?

Jamie: Uyy...Acee daw o. (after a second of thinking) It's like a dog's name. (flicking her fingers like calling a dog) Acee, Acee, Acee.

ako: NO! It's not a dog's name! Wala pa akong alam na asong may pangalang Acee!

Miggy: You're the first one.

Friends are cruel. Haha.

+++

Sir Brion instructed us to write a poem about one of our firsts (first kiss, first bath, first whatever).

Fourth: Ace, anong first mo?

Miggy: (forms a heart with his two hands)

ako: (disgusted) BLECH!

+++

Fourth: Ang guwapo ni Kyuoya!!!

Weird Day

Ago 9, 2008

1. May nag-load sa akin ng all text 20 - NANG ALAS-TRES NG MADALING ARAW!!! Hindi ko alam kung sino ang nag-load, basta nasasayangan ako kasi wala naman akong paggagamitan.

2. Nadulas yung isa kong kaklase sa NSTP sa hagdanan ng "plaza" ng community. Nasa likod lang niya ako kaya nakita ko lahat pero napatunganga lang ako. Pakiramdam ko natakot ako na baka madulas din ako. Weird...kasi hindi naman basa yung hagdanan, maayos naman yung rubber shoes niya, at hindi naman mahaba yung pantalon niya para maapakan. Basta, may iba.

3. Hinalikan ako sa pisngi ng isa kong tutee. Nakakagulat lang.

4. Nawala yung cellphone ng co-tutor ko sa classroom sa community. Buti ibinalik ng mga bata. Haha, ang weird kasi iniwan niya yung cellphone sa classroom atsaka may isang grupo ng mga bata ang nagbalik sa amin.

5. Yung mama sa caf, yung nagluluto ng mga sandwiches at burgers sa caf down: bumili kasi ako ng ham and cheese sandwich, walang mayonnaise at gulay. Na-weird-ohan siguro sa kin, kaya nagulo ang mundo niya. Inaabot na niya sa akin yung sandwich, kukunin ko na nga kaya lang parang ayaw pa niyang ibigay. Akala ko dun sa isang estudyante yun na bumili din ng ham and cheese burger, tapos tinanong ba naman ako, "sa yo yung walang mayonnaise di ba?" Um-oo ako. Tapos nanginginig pa yung kamay niya nung inabot niya sa kin yung pagkain ko. Ang weird, ayaw kaya niyang bitawan yung sandwich, kaya nag-assume ako na hindi sa kin yun.

6. Ang daming tao sa school. Akala ko kaunti lang ang estudyante sa Ateneo tuwing Sabado, yun ang alam ko.

7. Marami ring tao sa matteo ricci.

8. Yung processing session. Masaya naman. Pero kakaiba...haha.

9. May nakasabay akong Atenista (naka-NSTP shirt din) sa FX pauwi. Hindi lang siguro ako sanay. Baka nga sa Montalban pa siya nakatira e. Pwede siyang bumaba sa Plaza (hanggang dun lang naman yung Fx e) tapos sasakay nalang uli siya ng jeep/FX papuntang Guitnangbayan/Dulongbaya/Maly/Montalban.

10. Nagloko yung internet connection ko kanina.

11. Pakiramdam ko wala akong dapat gawin (pero ang totoo meron naman talaga).

ang tula ay dapat may sinasabi...

Ago 8, 2008

...at hindi lang dapat nagpapakita ng iisang ideya o statement.

Kaya pag-iisipan ko nang maigi yung iilang tula na sinulat ko.

+++

Marami akong natutunan sa Heights. Totoo 'yan. Sayang at hindi pa kami nakakapag-delib ng maikling kuwento (naeengganyo tuloy ako sa pagsusulat ng tula).

+++

Congrats sa mga nanalo sa Palanca. Astig kayoooooo!!!!!!!

+++

Gusto kong mag-aral at matuto, pero ayoko na ng mga tests at projects.

Gusto kong tumutok sa pagsusulat, kasi yun naman talaga ang gusto ko at kailangan ko. Marami pa akong hindi alam.

Gusto ko na kapag may makasasalubong akong isang tao na kilala ko at kilala ako ay hindi kami mag-iiwasan ng titig at magkukunwaring hindi kami magkakilala. Gusto ko ng ganoon. Sawa na kasi ako.

Gusto kong pinag-uusapan ang pagsusulat. At ang sining.

Gusto ko. Gusto ko. Gusto ko. Gusto ko. Gusto kita. Gusto ko.

Mga Paborito kong Letrato sa Ngayon.

Ago 7, 2008

Pareho 'tong kinuha sa UP, noong JapFun nila.

Bakit ko 'to gusto? Kasi ang ayos ng itsura ko diyan. Pa-cute yung effect (pagbigyan niyo na ako, minsan lang naman magpaka-cute), ayos yung pose, at hindi kita yung katabaan. At syempre kasi kasama ko sila. (left to right) Ako, Russel (na kunwaring matangkad), Maripi, Claire, at Rachel B. Si Noh ang kumuha ng letrato.


Wee! Ang cute-cute talaga ng pic na 'to! Wala lang, kasi magkakasama yung mga kaibigan ko galing high school at yung mga kaibigan ko ngayong college. Muntik na ngang hindi sumama si Fourth, nahihiya raw (owe...). Sayang nga lang at hindi kasama si Russel (siya kasi yung kumuha ng letrato). From left: Noh, Rachel B., Claire (nakaupo), Ybonne, Jamie, Maripi (nakaupo), Miggy, Fourth, at ako.

+++

Bukas nga pala pupunta si Tzupat sa Ateneo. Sayang at busy ako buong araw. Busy rin naman siya e (sosyal na 'to, biruin mo ba namang magco-cover para sa Starfish magazine). Kapag may oras ipakikilala ko siya sa mga kaibigan ko. Haha, lalo na kay Jamie. =)

silent treatment day 1

shheeeeeesshhzzzzz.....

my left foot hurts, my left hip aches, my left hand flinches from time to time, and my soul is drenched with unshed tears.

I jumped off a running bus yesterday. Would you believe me?

+++

lagi na lang hell week. busy lagi: schoolwork ganiyan, groupwork dito, reporting diyan, dokyumentaryo sa tabi-tabi, aral-aral kuno, paquiz-quiz, palong test-long test...

+++

muntik na akong makipag-away kanina, wala lang talaga ako sa mood na makipagtalo tungkol kay God. Ano bang laban ko? Isa lang naman akong hamak na practical atheist/folk Catholic/whatever you wanna call a person who does not openly worship God or practice traditional ways of worshiping God. Madulas pa man din ang dila ko kanina sa pagsasalita ng Ingles, wala lang talaga ako sa mood makipagtalo.

+++

nakakainis. wala na bang originality ang mga Pinoy? isa itong malaking sampal sa mga Pilipinong manunulat ng mga kanta. nakarinig ako kanina ng pinoy version ng Keep Bleeding in Love. Pucha kayo, pinapainit niyo ulo ko.

dahil ganito. kasi ganito.

Ago 6, 2008

kasalukuyan kong pinipigil ang aking sarili na gumawa ng isang blog entry na puro reklamo at pagbubuhos ng mga sama ng loob.

basta nasabi ko na meron nga akong mga reklamo at mga sama ng loob.

at pati pala mga isyu meron.

at hinaing.

at pilosopiya.

at mga iniisip na hindi maiintindihan ng iba, hindi iintindihin.

at galit.

at inis.


di mapakali ang utak at saloobin ko.

August 5: critical date

Ago 4, 2008

>_< <---- ako, cramming to death.

Ano bang meron bukas? Wala sa SA21 (meron bang wala? tanong yan sa kin ng kuya ko. Nakakainis talaga kapag hindi ka makasabay sa mga nag-aaral ng Philo). Pasahan na ng short story sa CW at welcome back kay Sir Brion. Pakitaan ng dokyu sa Fil. Shetness, haha. Dadalawa na nga lang yung para bukas hindi ko pa tapos pareho.

At least buhay pa ako pagkatapos ng Theo quiz kanina. Naunsiyame naman yung quiz namin sa Aesthetics (woohoo!!!).

Nag-cut naman ako sa Tai Chi. Hindi ko naman talaga balak mag-cut, sa totoo lang ang aga ko ngang nagising kanina. Hindi ko naman akalain na walang masasakyan. As in isa't kalahating oras akong nakatayo sa harap ng simbahan, naghihintay ng masasakyan. Isa't kalahating oras, pucha! At umuulan pa!

Tomorrow. Tomorrow. I love ya. Tomorrow.

Lunes bukas. Na naman.

Ago 3, 2008

Hayan. Umuulan, malamig, at pucha, maraming kailangang gawin. This is my current depressing list:
  • Documentary namin sa Filipino. Argh. Puchang avi/mpeg o kung ano pa man yan.
  • Quiz sa Theology. Argh uli. Pwede ba, pwede ba, kung pwede sana.
  • Quiz sa Aesthetics. Super duper argh! Tatlong units/chapters ang aaralin ko, tapos wala pa akong alam!
  • Short story ko sa FA 105 (Creative Writing). Argh, argh, argh, argh, argh!!!
Ano? Wala na naman ba itong tulugan?

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger