Category: | Movies |
Genre: | Independent |
Ito ang isang Indie film na hindi nagpapaka-Indie. Contemporary pero hindi sobra (sobra in the sense na dinidibdib masyado yung post modernism). Madamdamin pero hindi hollow yung mga damdamin.
The Dawn stars as The Dawn and Ping Medina as Teddy Diaz. Kaya ko nga dinownload 'to e, dahil kay Ping Medina. =)
"Ano bang nangyari nung 1988?"
Sa mga di nakakaalam, ang The Dawn ay isang lokal na banda na nabuo noong 1985 at sumikat noong 1988. Kahit na si Jett Pangan ang bokalista nila, si Teddy Diaz ang kinikilalang frontman ng banda. At kung nalaman ko lang ito nang mas maaga - sabihin nating nung July - e di sana imbes na si Bamboo ang bayani sa dokyumentaryo namin sa Fil14, si Teddy Diaz na lang sana.
Nung 1988, pinatay si Teddy Diaz. Kung gusto n'yong malaman ang buong istorya ni Teddy, hanapin n'yo na lang sa google. Interesanteng tao 'to, sinasabi ko sa inyo. Parang Jose Rizal at Eman Lacaba sa pagiging talentado.
Kung may isang puntod na sasayawan ko, siguro dun ako sa puntod ni Teddy Diaz ng The Dawn. (reference/citation needed! o kung alam n'yo yung pelikulang The Gravedancers makukuha n'yo yung ibig kong sabihin!) XD
Anyway, balik sa pelikula...
Naka-set ito sa taong 2006. Pa-gig-gig na lang ang The Dawn dahil na rin sa kasikatan ng mga bagong banda. Nagka-amnesia si Jett Pangan dahil may nanloob sa bahay nilang magnanakaw at hinataw siya sa ulo/batok. Hanggang 1988 lang ang mga memoryang naaalala niya.
At simula roon umikot na ang istorya sa paghahanap ni Jett sa kasikatang natamo nila noong 1988, sa paghahanap niya kay Teddy, at sa paglaban sa oras at panahon.
Hitik sa mga power lines ang pelikulang ito. Ito ang pinakasikat sa tingin ko:
version 1 from someone named benito na may multiply account:
Ping Medina: Ano ang ginagawa pag may nawala?
Jett Pangan: Hinahanap.
Ping Medina: Pag ‘di mahanap?
Jett Pangan: Pinapalitan.
Ping Medina: Pag ‘di mapalitan?
Jett Pangan: Eh ‘di kinakalimutan.
Ping Medina: Pag ‘di makalimutan?
Jett Pangan: Tinatanggap.
version 2 from quoteshaven.org (si Teddy (Ping Medina) yung nagtatanong, si Jett Pangan yung sumasagot; mas kumpleto ito):
ano ang gagawin mo sa bagay na nawawala?
Hinahanap.
kung di mo mahanap?
pinapalitan.
kung hindi mo mapalitan?
kinakalimutan.
eto ngayon ang tanong. ano ang gagawin mo sa bagay na nawawala na hindi mo mahanap, hindi mo mapalitan at ayaw mo kalimutan?
Tinatanggap.
Bukod sa magandang storyline, maganda, maayos, at malamang script, at sa kagwapuhan at kaastigan ni Ping Medina, nagpadagdag sa kagandahan ng pelikula ay ang musika. Syempre naman, aasahan na yun. Pero ibang klase talaga kasi akmang-akma yung mga kantang ipinapasok sa mga eksena. Hindi lang basta bagay yung kanta, may kahalagahan pati. Ang gaganda pa naman ng mga kanta ng The Dawn, lalo na yung sa album nilang Harapin.
fangirl moment:
Dun sa eksenang niyakap ni Jett si Teddy (wag na wag n'yong kalilimutan na si Ping Medina ang gumanap kay Teddy), tapos umiiyak na siya, tapos pinapatahan niya si Jett, tapos sabi niya "it's ok Jett, it's ok. Hush, Jett, hush," basta pinapatahan niya si Jett, sobrang umiyak ako dun. Umiyak ako kasi ang drama talaga. Umiyak ako kasi ang guwapo ni Ping Medina. Umiyak ako kasi akala ko kung iiyak ako kagaya ni Jett Pangan darating si Ping Medina sa tabi ko at yayakapin niya ako kagaya ng pagyakap niya kay Jett Pangan. Sasabihin niya, "It's ok Rachel, it's ok. Hush, Rachel, hush..."
XD
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento