stereotypical shit

Set 3, 2008

Hindi katumbas ng CREATIVE WRITER ang JOURNALIST. Kailan niya ba matatanggap 'to?

+++

OK, since narito na rin lang naman ako sayang naman kaya bali-balita muna. In my stream of consciousness order...


1. Naka-D ang grupo ko sa 2nd part ng Theology project namin. Sobrang nahatak pababa ang grade naming B sa 1st part. Depressing shit. Sa tingin pa man din namin sobra yung effort na binigay namin sa paper na yun, tapos D? Hindi man lamang C. Unang beses ko 'tong maka-D sa isang project/paper kaya hindi pa rin ako makapaniwala sa totoo lang. Kaya ngayon talagang ramdam na siguro sa grupo namin yung pressure na nangagaling sa akin. Gusto kong bumawi, kasi hindi ako natutuwa sa grades ko sa Theo, at pare-pareho lang naman kaming di natutuwa sa grades namin sa Theo.

Nagpa-consult kami kanina at natuwa naman ako dahil maganda ang mood ni Sir Jimenez - kahit na disappointed siya sa group project namin. To think that a bunch of Creative Writing students almost failed in a group paper. Ang laki pa man din ng respeto niya sa mga literary people, at inasahan niya talaga na magiging maganda ang resulta ng projects ng mga Creative Writing majors.

Anyway, nag-umpisa na kami kanina sa pagsasaliksik sa library ng mga sources na maaaring makatulong. Balak sana naming gumawa ng draft para ma-check ni Sir kung may mga corrections at kulang pa yung project namin bago pa dumating ang deadline. Good luck.


2. May pasa ako sa kaliwang braso. Napansin ko lang ito nung Lunes. Ngayon dark green na ang kulay na may parang halong yellow ochre or what tapos may pink dots pa sa loob ng boundaries ng pasa. Ang nakapagtataka lang - at nakakamangha na rin - ang kawalan ng sakit sa pasang ito. Natutuwa nga ako e, at tuwing ikwekwento ko kahit kanino na may pasa ako at hindi iyon masakit, sinasabayan ko pa yun ng pagdudutdot sa pasa ko. Para patotohanan yung mga pinagsasasabi ko. Para masigurado ko sa sarili ko na hindi kasinungalingan yung mga pinagsasasabi ko.

Kinwento ko nga sa mama ko. Sabi ko, "Mommy, Mommy o. Tingnan ni'yo o, may pasa ako!" Nakangiti ako at dinudutdot ang pasa ko.

Nag-panic naman 'tong si mama. Pinagalitan ako dahil puyat daw ako nang puyat, kaya eto raw at nagiging anemic ako.

Tila naman nag-second the motion si Gel sa statement ng mama ko sa pagkwento sa kaibigan niyang namatay dahil sa anemia - hindi na raw makilala yung kaibigan niya dahil puno na ng pasa yung katawan niya at mukha. Natakot naman ako nu'n. Pero mahirap iwasang hindi magpuyat lalo na sa isang tulad ko!


3. Naibalik na ang tula na pinasa ko kay Sir Brion para sa Intro to Lit and CW class namin. Natuwa ako sa grade ko dahil kumpara sa mga kaibigan ko, maituturing na mataas na nga yung nakuha ko, which is a B- tulad ng short story ko. Maayos naman yung kinalabasan, may mga minor revisions lang na kailangan. Ito yung poem:

Open Mic Night

I stood in front of them
But I stood only for her.

The spotlight shone majestically over me
That I felt it was inviting me into heaven.
Although from what I knew,
One does not feel fright up there.

I almost sensed that she could hear
My teeth chattering behind my dry lips.
Its sound was undeniable in the stiff, frozen air.

I held on tightly to a piece of paper,
Creased and soiled
By my unsteady, moist hands.

The microphone was working
But I couldn't help myself
From tapping that black wire mesh formed like a ball.
I heard someone shout from the crowd, "Newbie!"

I raised my head to look at them
But I only looked at her.

I begun to read what was left on my white,
Damp paper. Yet all I saw were black marks,
Black lines, and black blots. Nothing concrete.

Nonetheless, I knew my verses.
Because my poem was her.


Yung activity kasi namin ay tungkol sa kung ano mang "first" na naranasan namin o pwede namang imagined (fictional poetry?). Sa tula ko, imagined talaga yun. Kaya lang hindi naging successful yung experiment ko na gumawa ng tula sa punto de bista ng isang lalake. Halata pa rin daw na babae ang nagsulat at babae ang persona, ayon sa mga kaibigan kong unang nakabasa at nag-workshop sa tula ko.

In general, ang comments ni Sir umiikot sa paggamit ko ng labis na salita. Maayos naman daw ang DS ko, pati ang ending. Yun lang talaga, mas maganda kapag maraming nasasabi sa paggamit ng konting salita.


4. Creative Nonfiction na kami sa Intro to Lit and CW. Ayos pa naman sa ngayon. Kaya lang kahit na alam kong kaya ko 'to, parang kinakabahan pa rin ako. Tungkol kasi sa isang partikular na tao ang creative nonfiction na isusulat namin. Isang tao na mayroon akong relasyon pero hindi sobra o intimate. Meron na akong taong isusulat sa totoo lang. Natatakot lang ako na pumalpak yung pagsusulat ko tungkol sa taong yun. Baka hindi ko magawan ng justice yung pagkatao niya, o baka maging blog quality yung nonfic ko, o baka hindi siya ang tamang tao para gawan ng nonfic, ay ewan.

Nasimulan ko na naman e, kaya parang wala na akong magagawa. Tutal, bukas iwo-workshop yung mga sinulat naming panimula sa nonfic.


5. Inaya ako ni Maricris na aralin yung taichi sword para mapili kaming mag-demo sa culminating activity, automatic A na kasi yun. Hindi ako nangako na magde-demo nga kami, pero nangako ako na aaralin ko. Kung makukuha ko yung taichi sword sa Lunes, magde-demo kami. Kung hindi, sana mapili na lang ako na mag-demo sa 24 step.


6. Kanina sa Filipiniana Section ng library, nagsaliksik kami ng mga posibleng sources namin para sa Theo paper. Nagkaroon kami (Miggy and me vs. Jong) ng pag-uusap/diskusyon tungkol sa *ehem* Catholicism. Protestant kasi si Jong, at hindi naman maitatanggi na may ilan siyang mga paniniwala na taliwas sa Catholicism. At ang naging topic kanina ay ang kaibahan ng Catholicism sa Christianity.

Ako ay isang practical atheist/folk Catholic. Agnostic si Miggy. Kaya hindi namin napagtanggol totally ang Catholicism. Actually pinagtanggol namin yung mga sariling paniniwala namin na ang ugat din naman ay ang Katolisismo. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong hindi magsalita. Intellectual talk lang naman e. Nothing personal. Masaya. Haha, ang sarap ng pakiramdam na nagsalita ako tungkol sa mga bagay na hindi ko gustong pinag-uusapan. Salamat din kay Sir Tirol (HI18) at nalaman ko ang dahilan kung bakit nabuo ang Protestantism.


7. Si Feminist Bear.


8. Umiyak ako sa pelikulang Be With You. Japanese film 'to na pinalabas kahapon sa Escaler Hall para sa JSP week. Grabe, ang ganda ng istorya.


9. Umiyak ako sa scene ni Miss Missy sa Otelo nung Sabado, sa Rizal Mini Theater. Yung scene na kumakanta siya habang umiiyak. Shit, ang tindi.


10. OK na sana service hours ko. =(


11. Nasira yung ID holder ko kaya gamit ko ngayon yung libreng ID holder ng Sanggu 07 na pinamigay nila nung registration ko para sa 1st year ko sa Ateneo.


12. Naiinis ako sa Urbana at Felisa. Gusto ko horoscope lang ang mababasa kong magdidikta sa kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko - lalo na sa pagiging isang babae!


13. Masaya ang delibs sa Heights, haha. Sabog ang mga tao, at ako naman parang wala nang ginawa kundi tumawa.


14. Wala kaming internet kahapon dahil naapektuhan daw ng kulog at kidlat ang Digitel.


15. Nakita ko lang itong picture na 'to sa multiply site ni Ara, kaibigan at kaklase ko mula sa high school. Haha, ang taray talaga.



Mula sa kaliwa: Bjorn, Danelyn, Anna, Jomar, at Vincent. Hindi ko na matandaan kung bakit magulo ang mga upuan.

Paano naman kasi, dapat ARAYAT yan at hindi TARAY, nakakabanas lang kasi sa umaga section Arayat ang nasa classroom namin, sa hapon kami na. Pero dahil honor section kami, sa amin inasa yung responsibilidad ng paglilinis ng classroom. Pati ba naman pangalan ng section nila sa harapan ng silid sa amin pa pinagawa. Kaya nung malapit nang matapos ang school year, ginawa naming TARAY ang ARAYAT.


16. 11:35 PM na, pero andito pa rin ako. Kaya tatapusin ko na 'to.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger