Required sa klase namin ng Fil14 ang basahin ang librong Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin Yapan. Ang balak ko sana nung una ay ipa-photocopy yung buong libro para tipid - 340 ang regular na presyo ng libro - tutal naman nakabili na si Fourth at pumayag naman siya sa balak ko. Kaya lang talagang kinakapos ako ngayon, kahit na yung 72 pesos na photocopying fee hindi ko madukot mula sa daily allowance ko - may Urbana at Felisa pa akong dapat ipa-photocopy na nagkakahalaga rin ng 70+ pesos.
Buti na lang may mga taong meron na'ng Sandali, haha. Akala ko pa man din imposible sa isang tulad ko na school-bahay na Atenista ang magkaroon ng kakilala na meron na nito (in short, magkaroon ng kakilala mula sa upper classmen/kapwa sophomore na dumaan din sa ganitong requirement). Willing sina Irae at Walther na magpahiram. Yung kay Walther ang pinili ko kasi may notes na raw (at oo nga, meron!). >.<
Ngayon, nagtatalo ang kalooban ko kung sisimulan ko na itong basahin. Siguradong hindi ko na 'to mabibitawan kung sakaling uumpisahan ko na ngayon mismo. Hay, may quiz bukas sa Fil, at malamang meron din sa CW dahil bago na ang pag-aaralan namin (creative non-fiction na kami!). Pero, pero, pero...
Malakas ang hatak ng kagustuhang magbasa!
Bahala na. Hehe.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento