O All Motorists
Abr 21, 2008 by rachel marra
Ngayon, nangangati ang mga braso ko't mukha. Kapag kinamot ko, biglang hahapdi. Sorry na lang ako kasi wala sa bokabularyo namin ang sunblock lotion. Mukha akong na may matingkad na pink blush-on sa pisngi at ilong, pero hindi bagay kasi ang itim ko.
Hindi ako marunong lumangoy...kaya kapit na kapit ako sa salbabida. Hanggang doon lang ako sa 4 1/2 feet. It sounds boring pero hindi talaga kasi kasama ko ang Kuya kong hanggang sa pool ay trip pa ring kilitiin ako sa tagiliran.
Medyo bad trip lang kasi kaunti ang pagkain. Biglaan lang din kasi ito. At biruin mo yun, walang tubig sa shower room ng semi-private. Patawa, pero bagong resort lang kasi yun so pagbigyan na lang.
Papauwi, dumaan kami sa SLEX. Sa toll gate ko nakita ang phrase na "O all motorists". Sa katunayan ay "To all motorists" dapat yun, ewan ko lang kung bakit nawala ang "T". Naisip ko lang, na magandang simula ng tula iyan, o kung hindi man simula, isang linya ng tula.
***
Describe the pool (doon sa bandang 6 feet para walang tao):
Kapag tinitigan mo ang swimming pool, para kang nakatingin sa taas ng kalangitan sa tanghali. Asul na asul, na parang nakakalat ang mga maninipis na ulap. At may mga tala...mga talang kumikislap. Kumikislap, hindi nangingitab o basta nagbibigay liwanag lamang.
April 17
by rachel marra
Isang Choco Mucho at tatlong mini-roses ang iniregalo ko. Hehe, wala kasi akong pera at unexpected ang lakad.
Nakausap ko si Gellie tungkol sa website na gagawin niya para sa Rizal'07. Problema lang talaga ang kakulangan ng storage space sa Geocities. Wala naman kaming alam na ibang web host na mura at malaki ang storage space. Maganda ang ideas, excited na nga ako sa output. At sigurado akong sinisimulan na ni Gellie ang paggawa dahil humihingi na siya sa amin ng mga pictures.
Nandoon din si Fressie. Kung alam ko lang na pupunta siya, sana hanggang 9 ng gabi ako doon. Hanggang 8 lang kasi ang paalam ko sa mga magulang ko. Syempre, kuwentuhan galore uli. Tungkol sa school, sa mga klase at mga panibagong kaibigan. Sa love life. Sa mga bagay-bagay. Mga kaunting hinanakit at reklamo. Para lang kaming nasa loob ng room 307 o sa computer lab ng Roosevelt College San Mateo, TLE time o English time.
Si Chesy naman, may panibagong tawag sa akin: Mayor. Medyo nalito lang ako, kasi ang dami na nilang tawag sa akin. Marra, Meyra, Rachel, Miss President, President, Pres, Madame, Madame President...hindi ko na nga napapansin kung ano ang itinatawag nila sa akin. Basta kapag alam kong ako ang tinutukoy, lilingon ako.
Sa mga handaang ganito, mawawala ba sina Marifel, Russel, at Amy? Hindi no...
Matapos ang halos isang taon, ngayon ko lang uli nakita sina Dane at Phillip. Nagpaikli ng buhok si Dane. Si Philipp, ganoon pa rin, malaki at matangkad. Baby-face pa rin, kaya lang tahimik. Kung kasama niya siguro sina Ruzelle, Katherine, at Kheerlee, maingay yun.
Nakuha ko na nga rin pala ang mga readings at ang Creative Writing handbook ni Noriza. Oo, magpapaka-busy ako ngayong bakasyon!
Nandoon din si Claire, ang university scholar. =) Sexy pa rin.
Humabol si Joyce - na naka-hello ko lang kasi ang layo ng kinauupuan niya sa kinauupuan ko.
Humabol din si Bjorn - na sa wakas ay nagbago na ng hairstyle pagkatapos ng ilang taon.
Kamusta naman ang debutante? Ayun, parang wala sa handaan. Ang tahimik...Sa bagay, kung hindi naman lumipat sa tabi ko si Fressie, baka umuwi pa ako nang mas maaga.
Pero masaya naman, kasi kahit papaano naging parte ako ng debut ni Frexy. Yikee...
More links!
Abr 16, 2008 by rachel marra
Blog ito ni Yol Jamendang. Nakakaaliw at kapupulutan ng maraming aral. Haha! Minsanan lang ang update dito, pero sulit naman ang paghihintay. Blog description pa lang, matutuwa ka na! =)
"U-huh. You crush me? The feeling is neutral. I crush you too, pero as a friend. What are friends are for? It's not my problem anymore, it's your problem anymore. I don't know to you! Can you please me alone? Don't touch me not! Ambot sa IMHO!"
Isang bagong tuklas na website na naglalayong bigyan ng lakas ang mga Pilipinong manunulat at mambabasa. Ito ay pagmamay-ari ni Medardo Manrique Jr.
"FilipinoWriter.com aims to help every kind of Filipino writer –- technical, commercial and literary -- improve his or her lot, especially financially. It also aims to encourage Filipinos to read works by Filipino writers, and thus promote a "reading culture" among Filipinos. Finally, Filipinowriter.com aims to popularize Filipino-written works in the international scene."Ang blog na ito naman ay nakatuon sa "pagbubuo, pag-aaral, at pagpapatuloy sa kasaysayan ng nobelang Filipino." Sa pamamagitan ng blog na ito ay maaari na kayong magkaroon ng easy access sa mga nobelang Filipino at pati na rin sa mga Pilipinong nobelista. Pagmamay-ari ito ni Edgar Calabia Samar, na kasalukuyang nagtuturo sa Ateneo. Hehe, naging guro ko nga siya sa Fil12, e. =)
Well, nahalungkat ko lang itong website na ito. Sa tingin ko ay nakapokus ang site na ito sa pag-anunsiyo ng mga patimpalak at mga aktibidad sa loob ng bansa. Malawak ang saklaw ng NCCA. Lahat ng klase ng Filipino artist (mananayaw, manunulat, web designer, etc.), makikinabang dito.
Isang site na hitik sa mga updates tungkol sa panitikan: workshops, launching, etc. Matagal ko nang nabibisita ito, pero ngayon ko lang napagtuunan ng pansin.
Pinopromote ng Pinoy Online Novels ang pagpa-publish ng mga nobela sa pamamagitan ng internet. Sa ngayon ay tampok ang nobelang Quiero Amarte Hoy ni Harry S. Parker (di tunay na pangalan). Palagay ko ay bago pa lang itong blog na 'to.
Hay, isa na naman pong site na puno ng literary updates. At, may kinalaman din dito sa Harry S. Paerker. Ayon sa post noong April 1, 2008:
"Naririto na ang blog na magtatampok sa mga bagong manunulat ng henerasyon! Ito ang Pinoy Panitikan, isang proyekto na maglalayong payamanin pa ang Panitikang Pilipino at mabuo sa bawat isipan ng mga Pilipino ang pagmamahal sa sariling pagkakakilanlan. Ito ay pinamamatnugutan ng mga piling mag-aaral ng Colegio de San Juan de Letran, Intramuros, Manila.
Mga Editor:
Harry S. Parker
Demogargon Saatbarmald"
Actually, iyan na yung buong post.Okay. Katunog lang ito ng Friendster, pero iba ito."The Pinoy Penster Community is a community of Amateur and Professional Filipino Writers. Filipino Writers can submit their poems, short stories, essays, and other types of creative writing which will be critiqued and rated by fellow writers. We also have in place a forum wherein writers can have an exchange of thoughts and ideas. Our goal is simple: Proliferate Filipino Writers."
Hay, hanggang links muna ngayon. Hindi ko pa kasi alam kung paano mag-syndicate o mag-feed. Tapos may bagong uri ng blog na ino-offer ang Blogger, yung experimental pero maraming extra features. Sa ngayon, eto na muna.
New Links...
Abr 15, 2008 by rachel marra
Pero sige, para easy access:
- +Mga Nobelang Atisan
- +National Commission for Culture and the Arts
- +panitikan.com.ph
- +Pinoy Online Novels
- +Pinoy Panitikan
Hindi ako marunong mag-syndicate ng web. Hindi ko rin alam kung ano ang RSS Feed. Hanggang ganito pa lang ang kaya ng powers ko: ang mag-link.
Ang Problematikong Emoticon: T_T
by rachel marra
:p = ngiting may kasamang belat
:D = ngiting kita lahat ng ngipin
;) = ngiting may kasamang kindat
>.< = nakapikit, tapos manghahalik? not sure...
^^ = ngiting nakapikit (basta...)
:( = nakasimangot
:| = no reaction
T_T = umiiyak. Pero, para sa mga di pamilyar sa mga emoticons o 'smileys' na ginagamit ng mga taong lango sa instant messaging at text messaging, madalas nilang ma-misinterpret ang emoticon na ito - depende sa imahinasyon ng isipan nila. Problematiko? Oo.
o.O = sabog
First Day of Summer Classes
Abr 14, 2008 by rachel marra
Grabe, parang ang gloomy ng araw na ito para sa mga may summer classes. Paano ba naman, umuulan. Parang hindi summer. Parang June ang setting. Nanaginip ako kaninang umaga na nagising daw ako dahil sa kulog. Tiningnan ko raw ang langit, tapos sinulyapan ko raw ang orasan: 7:30 ng umaga. Natulog daw uli ako. Biruin mo ba namang hindi pala panaginip yun. Totoong kumulog kaninang umaga, at ngayon nga ay umaambon pa rin sa labas.
Haha, natatawa talaga ako sa sarili ko. Kung ano-ano kasing pumapasok sa isipan ko ngayon:
Ano kaya kung sumali ako sa Palanca? Tatapos ako ng isang nobela ngayong bakasyon! Babasahin ko lahat ng librong nasa mga shelf ko at lahat yon gagawan ko ng reaction papers kahit na walang kapalit na bonus grades! Gagawin ko ang lahat para maging quatro kid ako sa susunod na pasukan! Magpapaka-writer na ako! Dapat lahat ng gagawin ko may kabuluhan! Ibenta ko kaya ang gitara ko? Damn! Magpapapayat ako ngayong summer! Magpa-straight kaya ako ng buhok?
Haha! Natural na talaga sa akin ang pagiging ambisyosa. Maraming pangarap. Haha, natural daydreamer. Pero hindi lang naman ako nangangarap, umaaksyon din naman ako. Tulad ngayon, Atenista na ako. Pangarap ko lang 'to dati eh.
Patuloy lang tayong mangarap mga kapatid. Yeah.
Wow..It's raining.
Abr 10, 2008 by rachel marra
***
Wow! Grabe...Dean's Lister ako! Dumating na sa aisis ang grade ko sa ES12, at tama ang hula ko na makaka-A ako doon! So ngayon:
ES12 = A (1 unit)
- Ito siguro ang pinakamasayang lab class sa buong mundo!
2nd sem QPI: 3.44
1st year QPI: 3.45
Ang saya talaga, kasi sulit lahat ng mga paghihirap at pagpupuyat ko. Grabe! DL ako sa Ateneo! Sana naman hindi ako manawa sa pag-aaral para manatiling ganito (o para mas tumaas pa) ang mga grado ko. =)
This is the way it should be...
Abr 7, 2008 by rachel marra
Natutuwa naman ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko napaka-optimistic ko ngayong bakasyon. Talagang desidido akong maging busy sa pagbabasa ng mga libro't nobela - na dapat lang naman kasi para sa isang tulad ko na nangangarap maging writer/manunulat (may pagkakaiba ba?), dapat maging aware din ako sa mundong gusto kong pasukin. Gets? Sana na-gets mo...
Argh...at sasanayin ko na ang paggamit sa imahinasyon ko. At sa tamang paggamit ng Tagalog! Nakakahiya kaya na nagkakamali ako sa spelling at tamang paggamit sa mga salitang Tagalog. May pagkabalbal kasi yung Tagalog na alam ko. At aaminin ko na, mas sanay ako sa Taglish noon.
Dapat ganito, oo. Para naman kahit na hindi ako lumalabas ng bahay, may progreso ang buhay ko. Kaya lang, gusto ko sanang magbakasyon mag-isa. Alam kong imposible yun, pero pakiramdam ko mas magiging focused ako kung gagawin ko ang lahat ng ito nang malayo dito sa bahay, sa mag bagay na nakasanayan ko na. Gusto kong pumunta sa isang lugar na maganda at hindi ko pa napupuntahan kailan man. Para na ring self-exploration through nature. Siguro sa isang probinsiya na talagang walang kinalaman sa buhay ko. Ang pangunahing lugar na nasa isip ko ay Laguna - hindi ko probinsiya ang Laguna, pero may kinalaman pa rin 'to sa buhay ko kasi taga-San Pedro yata ang girlfriend ng tito ko na si Tita Sweet.
Ok lang sa Pangasinan, basta sa may Pulong kasi modern na ang ambience sa Manaoag. Matagal-tagal na rin na hindi ako/kami nakakabisita sa Pangasinan. Tapos gusto kong makita ang takipsilim sa San Fabian o sa Lingayen (sa mga tabing-dagat). Uupo lang ako doon sa buhangin, at mag-iisip.
Gusto ko namang balikan ang Mount Samat sa Bataan. Napakaganda ng view doon. Field trip ko noong fourth year high school noong una at huli akong pumunta rito.
Nag-aaya naman ang Tito ko sa Puerto Galera, pero hanggang pag-aaya lang kasi mahal ang gagastusin kung sakali.
Sa Boracay? Ok lang, hindi pa naman ako nakakapunta roon. Ang problema ay baka imbes na makapag-reflect ako ay baka mawala pa ako sa focus dahil sa dami ng mga tao.
Hayan, sa ngayon ay may isusulat pa akong letter bago ko gawin ang reaction/review ko sa Les Miserables. Nakaka-relax lang mag-isip ng mga posibleng magagawa ngayong bakasyon.
Grades: Second Sem
Abr 5, 2008 by rachel marra
2 units ang Wushu pero hindi naman counted sa QPI, so ok lang. Pero disappointed ako, kasi inaasahan kong A ako. :(
Intact2 = S
Perfect attendance!
En12 = B+ [3 units]
Buti naman at hindi -C+ ang grade ko dito. Nabawi ang C+ (advisory mark ko sa En12) dahil sa mga activities ko and siguro dahil na rin sa reflection paper ko.
Lit14 = B+ [3 units]
Well, medyo umasa ako ng A dito...pero B+ lang kasi ang final exam ko - na 20% ng grade ko.
Fil12 = B+ [3 units]
Nge, ibig sabihin B lang ako dahil sa one letter grade upgrade ni Sir Egay dahil sa participation ng block namin sa Sagala '08.
Ma11 = B [3 units]
Yehey! Ibig sabihin nakakuha ako ng 160 or more points over 200 sa final exam namin sa Ma11!
ES10 = B+ [3 units]
Yehey din! Kasi exempted na ako sa final exam dito...
ES12 = ? [1 unit]
Umaasa ako ng A dito...kaya lang wala pa yata ang mga grades namin sa aisis sa subject na ito.
second sem QPI: 3.19
Dapat 3.4 ito...dahil wala pa naman yung grade ko sa ES10 at dapat 15 units lang muna ang units taken up ko.
first year QPI: 3.31
Kung sakaling A ako sa ES10, magiging 3.45 ang 1st year QPI ko!
Ok. Good luck na lang sa akin. Sana dumating na bukas ang grade ko sa ES10.
Pap parap pap pap, luv q 2...
by rachel marra
Promenade picture ng Rizal '07. Hindi kumpleto pero mas maayos ito kaysa sa class picture namin. Sa pagkakaalala ko, nasa likod ng camera si Frexy.
5:30 ng hapon kanina, nang nag-text si Nessie sa akin at nag-aya na pumunta sa graduation sa Roosevelt College San Mateo. Wala lang, parang mini-reunion na rin ng section namin. Game naman ako, basta ba papayagan ako ng aking mga magulang. Hehe...Makiki-epal kami sa graduation ng may graduation.
At kagulat-gulat nga, na pinayagan ako nina mama at daddy na pumunta. Yehey naman! Medyo may pagka-'once-in-a-lifetime' ito. Kaya dali-dali akong nagbihis at naglakad papunta sa Roosevelt. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang maging sentimental. Sabi ko sa sarili ko, 'Mag-iisang taon na akong graduate ng high school (April 13 ang petsa ng graduation namin last year), at eto ako, na pupunta sa school na parang estudyante pa rin doon. Totoo bang isang taon na halos ang lumipas?'
Naalala ko lang naman iyong mga panahon na lagi akong naleleyt/nagpapaleyt sa klase - kahit na 10 minutes lang ang layo ng school sa bahay kung lalakarin. O iyong mga panahon na pupunta ako sa Mcdo dahil sa mga meetings namin. O iyong mga practice namin ng cheering sa school tuwing panahon ng Intrams. Generally, nag-senti-senti lang naman ako tungkol sa high school life ko habang naglalakad papuntang school.
Dumaan muna akong Mcdo - opisyal na tambayan ng karamihan ng Rizal dahil SOBRANG lapit nito sa school - kasi baka nandoon sila. Si Vincent lang ang naabutan ko sa labas ng Mcdo, hinihintay daw niya sina Paul. Kaya nauna na ako papunta sa loob ng school. Eksakto naman na Lupang Hinirang ang kinakanta nang matapat ako sa school. Syempre, gusto ko namang maging role model sa mga mas nakababata sa akin (haha, dapat sapagkat nararapat!) at para naman hindi nakakahiya sa eskuwelahan. Baka masabing wala akong natutunan sa Roosevelt, meron ano. Marami kung tutuusin. Sobra-sobra pa nga e. =)
OK. So pinapasok ako ni Manong Guard. Si Manong Guard na kalbo, siya pa rin ang guard. Sana nga naaalala pa niya ako; sa apat na taong pagpasok ko sa Rossevelt, isang beses ko lang naiwan ang ID ko sa bahay! pero maraming beses din akong naleyt kaya siguradong naaalala pa ako ni Manong Guard, kataka-taka lang kasi ni hindi ko man lang alam ang tunay niyang pangalan. Marami akong mga pamilyar na mukhang nakita: mga guro, administrative staff, janitors, property men, kapuwa mga dating estudyante, etc. Iyong iba madali akong nakilala, iyong iba parang nagkunwaring hindi ako kilala.
Si Noriza ang sumunod na pumasok sa school. Sabay na kaming pumunta sa Philstress building kasi nandoon daw iyong iba naming mga kasama. Pakiramdam ko maliligaw ako. Paano ba naman kasi, bagong pintura ang mga dingding, may mga salamin ang ibang mga poste, may mga sheds na itinayo, maraming tao na nakaharang sa daanan, at maraming mga di-kilalang mukha (mga mukha ng mga bisita't magulang at ng mga bagong members ng clerical/teaching staff ng school).
Buti naman hindi na kami umabot sa Philstress building at doon na lamang sila sa administrative building tumambay. Nandoon sina Nessie, Frexy (na ang sabi ay mukha daw akong Sto. Nino [with an 'enye'] dahil sa buhok kong mahaba at kulot), Tzupat, Aloi, Krisa, Fressie, Chesy, Ava (na pinangakuan ako ng libreng ticket kung may play siya sa UP sa susunod na semester), etc...marami pa ang nagsidatingan.
Kuwentuhan to the max, tawanan, tuksuhan...Reunion talaga ang ambience at parang hindi namin alam na may graduation palang nagaganap, kaya naman hindi pa rin kami pinatawad ni Sir Reyes. Pinatulan pa rin kami, as usual...Haha, maingay naman talaga kami e, asar lang kasi panira ng moment namin. (Teka, parang lumalabas na siya ang may mali...hindi yata tama yun. :p)
Natapos ang graduation na ang ginawa ko lang ay nakipagkuwentuhan kay Nessie tungkol sa aming buhay-college, sa aming mga lovelife na walang lover, sa kung ano-ano pa...Tapos kuwentuhan din kasama si Joyce, sa summer job, call center, sa mga pets na nangamatay: ang lovebird ko na si Lemon na pinatay ng daga, ang hamster ni Nessie na kinain ng pusa, at ang rabbit nina Joyce sa dorm nila sa UPLB na kinagat ng pusa at namatay.
Nagpaalam muna kami sa mga teachers. Kaya lang sobrang busy si Ma'am Veri na nagmistulang star of the night (kasi naman ay ang daming gustong magpapicture kasama niya), kaya hindi na yata kami napansin. :(
Tapos inunahan na namin ang mga graduates at ang kani-kanilang mga pamilya na pumunta sa Mcdo...first come, first serve! Diretso ang kuwentuhan at tawanan, di ko/namin alintana ang gutom - na hindi ko naman talaga naramdaman.
Pumayag si Noh na hiramin ko ang mga libro niya, pati na rin iyong mga tungkol sa creative writing. Idol niya pala si J.S. Mill - iyong nagsulat ng On Liberty - na medyo kilala ko rin dahil sa paper namin nina Anna at Dino sa Fil12. Baka sa birthday ni Frexy (April 17) ay maaari ko nang hiramin ang mga libro at handouts niya. Yippee!
Nagbabalak din kaming maghanap ng summer job. Mahigpit ang pangangailangan sa datung ano! Call center sana (15000 per month) kaya lang mahirap daw, kasi may 3 weeks na training na medyo ikalulugi namin dahil walang suweldo ang training. Magtayo na lang kaya kami ng sariling business? :)
Nagpatuloy ito hanggang 9 ng gabi. Kagulat-gulat nga na hindi ako tinext ng aking mga magulang para umuwi ng maaga. (Isa na namang 'once-in-a-lifetime!') Hindi na ako puwedeng magpagabi pa...manonood pa kasi ako ng PBB. Tutal, marami naman ang may birthday/debut ngayong bakasyon, marami pang reunion ang magaganap (kaya lang baka hindi ako payagang magswimming/mag-outing/mag-overnight).
Bye Ramielle...
Abr 4, 2008 by rachel marra
Hindi naman doon matatapos ang singing career ni Ramielle, puwede pa rin naman siyang sumikat kahit na hindi siya manalo sa Idol. Diskartehan na lang niya. =) Tutal sikat na siya sa Filipino population, baka matulad pa siya kay Jasmine Trias.
Whatever is wrong with sparrows and Whitney Houston...
Abr 3, 2008 by rachel marra
Masuwerte lang si Kristy Lee Cook. 'Yun lang ang masasabi ko.
Ganoon din para kay Ramielle Malubay. Masuwerte rin siya.
Para sa akin, ang dapat matanggal ay si Kristy Lee Cook o si Ramielle Malubay (hindi talaga siya magaling e...).
Pero batay sa mga performances kahapon, sina Ramielle, Syesha Mercado, at Jason Castro ang delikado...
Hay, sino kayang matatanggal mamaya?
At napansin ko lang, na galit si Simon Cowell sa mga sparrows at kay Whitney Houston.
Tomorrow is Wednesday
Abr 1, 2008 by rachel marra
at pupunta akong Ateneo. Medyo hassle, pero kailangan e. Hindi naman ako magtatagal pero ok lang iyon, mahalaga naman ang pupuntahan ko doon e. Iyon nga lang, gigising ako ng maaga-aga.
kids these days...
by rachel marra
Medyo nakaka-relate din naman ako...pero hindi totally. Mabait akong bata pero hindi rin naman maiiwasang minsan ay naghihinakit ako sa mga magulang ko. Tulad na lang ngayon, na tatlong beses na nila akong hindi pinapayagang mag-swimming kasama mga kaklase ko noong high school kahit na medyo matanda na ako. (wahehe, maglabas ba ng sama ng loob?)
Tapos, matapos ang lahat ng hinanakit ay mauuwi rin naman sa paghihingi ng tawad, na mas matimbang pa rin ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Ang drama...
Medyo 'cheesy'...pero iyon ang dahilan kung bakit tayo ganito di ba? Kung bakit gustong-gusto nating makita sa ibang tao kung sino at ano tayo...Kung bakit patok na patok ang PBB.