O All Motorists

Abr 21, 2008

Nag-swimming kami kahapon sa Cavite. Kinalimutan ko muna lahat ng napag-araalan ko sa ES10: na puno ng germs, bacteria, at E. Coli ang isang public swimming pool. Anyway, semi-private naman yung pool at kaunti lang ang mga tao - which means kaunti lang ang germs, bacteria, at E. Coli. Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang ito naisip, pero namamatay ba ang mga germs, bacteria, at E. Coli sa init ng araw? Alam ko oo...pero hindi ako sigurado.

Ngayon, nangangati ang mga braso ko't mukha. Kapag kinamot ko, biglang hahapdi. Sorry na lang ako kasi wala sa bokabularyo namin ang sunblock lotion. Mukha akong na may matingkad na pink blush-on sa pisngi at ilong, pero hindi bagay kasi ang itim ko.

Hindi ako marunong lumangoy...kaya kapit na kapit ako sa salbabida. Hanggang doon lang ako sa 4 1/2 feet. It sounds boring pero hindi talaga kasi kasama ko ang Kuya kong hanggang sa pool ay trip pa ring kilitiin ako sa tagiliran.

Medyo bad trip lang kasi kaunti ang pagkain. Biglaan lang din kasi ito. At biruin mo yun, walang tubig sa shower room ng semi-private. Patawa, pero bagong resort lang kasi yun so pagbigyan na lang.

Papauwi, dumaan kami sa SLEX. Sa toll gate ko nakita ang phrase na "O all motorists". Sa katunayan ay "To all motorists" dapat yun, ewan ko lang kung bakit nawala ang "T". Naisip ko lang, na magandang simula ng tula iyan, o kung hindi man simula, isang linya ng tula.

***

Describe the pool (doon sa bandang 6 feet para walang tao):

Kapag tinitigan mo ang swimming pool, para kang nakatingin sa taas ng kalangitan sa tanghali. Asul na asul, na parang nakakalat ang mga maninipis na ulap. At may mga tala...mga talang kumikislap. Kumikislap, hindi nangingitab o basta nagbibigay liwanag lamang.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger