Di ko inasahang aalis ako sa bahay, sabi kasi ni Frexy wala raw siya sa bahay nila sa birthday niya. Biglaan lang naman kasi ang imbitasyon. Buti nga pinayagan ako ng mga magulang ko na pumunta. Isa na naman 'tong once in a lifetime experience. Tulad ng dati, may handa si Frexy. Pangatlong birthday na niya itong nakikikain ako sa kanila. =)
Isang Choco Mucho at tatlong mini-roses ang iniregalo ko. Hehe, wala kasi akong pera at unexpected ang lakad.
Nakausap ko si Gellie tungkol sa website na gagawin niya para sa Rizal'07. Problema lang talaga ang kakulangan ng storage space sa Geocities. Wala naman kaming alam na ibang web host na mura at malaki ang storage space. Maganda ang ideas, excited na nga ako sa output. At sigurado akong sinisimulan na ni Gellie ang paggawa dahil humihingi na siya sa amin ng mga pictures.
Nandoon din si Fressie. Kung alam ko lang na pupunta siya, sana hanggang 9 ng gabi ako doon. Hanggang 8 lang kasi ang paalam ko sa mga magulang ko. Syempre, kuwentuhan galore uli. Tungkol sa school, sa mga klase at mga panibagong kaibigan. Sa love life. Sa mga bagay-bagay. Mga kaunting hinanakit at reklamo. Para lang kaming nasa loob ng room 307 o sa computer lab ng Roosevelt College San Mateo, TLE time o English time.
Si Chesy naman, may panibagong tawag sa akin: Mayor. Medyo nalito lang ako, kasi ang dami na nilang tawag sa akin. Marra, Meyra, Rachel, Miss President, President, Pres, Madame, Madame President...hindi ko na nga napapansin kung ano ang itinatawag nila sa akin. Basta kapag alam kong ako ang tinutukoy, lilingon ako.
Sa mga handaang ganito, mawawala ba sina Marifel, Russel, at Amy? Hindi no...
Matapos ang halos isang taon, ngayon ko lang uli nakita sina Dane at Phillip. Nagpaikli ng buhok si Dane. Si Philipp, ganoon pa rin, malaki at matangkad. Baby-face pa rin, kaya lang tahimik. Kung kasama niya siguro sina Ruzelle, Katherine, at Kheerlee, maingay yun.
Nakuha ko na nga rin pala ang mga readings at ang Creative Writing handbook ni Noriza. Oo, magpapaka-busy ako ngayong bakasyon!
Nandoon din si Claire, ang university scholar. =) Sexy pa rin.
Humabol si Joyce - na naka-hello ko lang kasi ang layo ng kinauupuan niya sa kinauupuan ko.
Humabol din si Bjorn - na sa wakas ay nagbago na ng hairstyle pagkatapos ng ilang taon.
Kamusta naman ang debutante? Ayun, parang wala sa handaan. Ang tahimik...Sa bagay, kung hindi naman lumipat sa tabi ko si Fressie, baka umuwi pa ako nang mas maaga.
Pero masaya naman, kasi kahit papaano naging parte ako ng debut ni Frexy. Yikee...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento