More links!

Abr 16, 2008

Dahil dumadami na ang mga links ko dito, nararapat lamang na bigyan ko ang mga ito ng pagpapakilala.

Blog ito ni Yol Jamendang. Nakakaaliw at kapupulutan ng maraming aral. Haha! Minsanan lang ang update dito, pero sulit naman ang paghihintay. Blog description pa lang, matutuwa ka na! =)

"U-huh. You crush me? The feeling is neutral. I crush you too, pero as a friend. What are friends are for? It's not my problem anymore, it's your problem anymore. I don't know to you! Can you please me alone? Don't touch me not! Ambot sa IMHO!"

Isang bagong tuklas na website na naglalayong bigyan ng lakas ang mga Pilipinong manunulat at mambabasa. Ito ay pagmamay-ari ni Medardo Manrique Jr.

"FilipinoWriter.com aims to help every kind of Filipino writer –- technical, commercial and literary -- improve his or her lot, especially financially. It also aims to encourage Filipinos to read works by Filipino writers, and thus promote a "reading culture" among Filipinos. Finally, Filipinowriter.com aims to popularize Filipino-written works in the international scene."

Ang blog na ito naman ay nakatuon sa "pagbubuo, pag-aaral, at pagpapatuloy sa kasaysayan ng nobelang Filipino." Sa pamamagitan ng blog na ito ay maaari na kayong magkaroon ng easy access sa mga nobelang Filipino at pati na rin sa mga Pilipinong nobelista. Pagmamay-ari ito ni Edgar Calabia Samar, na kasalukuyang nagtuturo sa Ateneo. Hehe, naging guro ko nga siya sa Fil12, e. =)

Well, nahalungkat ko lang itong website na ito. Sa tingin ko ay nakapokus ang site na ito sa pag-anunsiyo ng mga patimpalak at mga aktibidad sa loob ng bansa. Malawak ang saklaw ng NCCA. Lahat ng klase ng Filipino artist (mananayaw, manunulat, web designer, etc.), makikinabang dito.

Isang site na hitik sa mga updates tungkol sa panitikan: workshops, launching, etc. Matagal ko nang nabibisita ito, pero ngayon ko lang napagtuunan ng pansin.

Pinopromote ng Pinoy Online Novels ang pagpa-publish ng mga nobela sa pamamagitan ng internet. Sa ngayon ay tampok ang nobelang Quiero Amarte Hoy ni Harry S. Parker (di tunay na pangalan). Palagay ko ay bago pa lang itong blog na 'to.

Hay, isa na naman pong site na puno ng literary updates. At, may kinalaman din dito sa Harry S. Paerker. Ayon sa post noong April 1, 2008:

"Naririto na ang blog na magtatampok sa mga bagong manunulat ng henerasyon! Ito ang Pinoy Panitikan, isang proyekto na maglalayong payamanin pa ang Panitikang Pilipino at mabuo sa bawat isipan ng mga Pilipino ang pagmamahal sa sariling pagkakakilanlan. Ito ay pinamamatnugutan ng mga piling mag-aaral ng Colegio de San Juan de Letran, Intramuros, Manila.

Mga Editor:

Harry S. Parker

Demogargon Saatbarmald"

Actually, iyan na yung buong post.

Okay. Katunog lang ito ng Friendster, pero iba ito.

"The Pinoy Penster Community is a community of Amateur and Professional Filipino Writers. Filipino Writers can submit their poems, short stories, essays, and other types of creative writing which will be critiqued and rated by fellow writers. We also have in place a forum wherein writers can have an exchange of thoughts and ideas. Our goal is simple: Proliferate Filipino Writers."


Hay, hanggang links muna ngayon. Hindi ko pa kasi alam kung paano mag-syndicate o mag-feed. Tapos may bagong uri ng blog na ino-offer ang Blogger, yung experimental pero maraming extra features. Sa ngayon, eto na muna.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger