I'm back!!!!

May 16, 2008

Hay, nakakamiss naman 'tong Blogger ko. Lately kasi lagi na akong nasa Multiply e...

Anyway, ano na bang balita sa akin?

8 ang random number ko para sa 1st sem ng aking 2nd year sa Ateneo. Wow...suwerte? Sana...talagang nag-aabang ako ng suwerte. Sana makakuha ako ng scholarship kahit na 50% lang. Ipagdasal niyo ako...Hay, so habang naghihintay ako ng resulta, tuloy pa rin ang buhay hindi ba?

Kailangan kong magising nang maaga para makapag-enlist sa aisis. May nakuha na akong mga schedules na pagpipilian ako, at in fairness, ang hirap pumili kapag maraming pagpipilian. Hindi ko alam kung aling subject ang dapat MWF o TTH...tapos kailangang i-consider pa yung prof for that subject. Opportunity ko na itong pumili ng prof, kaya lang mahirap yata 'to kasi sanay ako sa surprises. Come what may, kumbaga...pero dahil choices ko na ito, dapat no regrets kahit anong mangyari.

Kung mahirap pumili ng oras considering sa prof para subject, mas mahirap pumili ng sked kung puro TBA ang nakalagay. Ganiyan sa Fil14...(sino naman kaya ang magiging prof ko rito? ito ang inaabangan ko sa lahat e)

Tai Chi siguro ang PE ko since 18 units ako this sem at alam kong madugo ito...ayoko ng stressful na PE. Kaya lang baka sobrang aga ng sked nito, kasi hindi ko alam kung may Tai Chi na hapon o mid-morning. OK lang...balak ko naman talagang pumasok LAGI nang maaga sa pasukan.

Kinakabahan na ako sa FA 101 at 105...major na ang mga ito!!!

Theo, Sociology and Anthropology...alam ko mahihirap ang mga ito, good luck naman sa akin.

Western History, here I come! Ayoko talaga ng Asian history e...mas dama ko ang Western history, salamat kay Sir Capague - teacher ko sa history noong 3rd year high school.

Ang hirap mag-formulate ng sked...

+++

Sophomore na ako. Sa Ateneo. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala. Tingnan mo nga naman kasi, sino bang mag-aakala? Thank you, God! =)

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger