Sa wakas naman ay nagugustuhan ko na ang PBB teen edition Plus (kahit na hindi ko gusto ang idea na isinama ang mga magulang sa loob ng bahay; ok lang naman basta hindi sila magtatagal doon). Dalawang episode pa lang ang napanood ko: noong Linggo at kagabi, pero grabe. Ang lungkot ng mundo. Gusto ko 'tong season na 'to!
Medyo nakaka-relate din naman ako...pero hindi totally. Mabait akong bata pero hindi rin naman maiiwasang minsan ay naghihinakit ako sa mga magulang ko. Tulad na lang ngayon, na tatlong beses na nila akong hindi pinapayagang mag-swimming kasama mga kaklase ko noong high school kahit na medyo matanda na ako. (wahehe, maglabas ba ng sama ng loob?)
Tapos, matapos ang lahat ng hinanakit ay mauuwi rin naman sa paghihingi ng tawad, na mas matimbang pa rin ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Ang drama...
Medyo 'cheesy'...pero iyon ang dahilan kung bakit tayo ganito di ba? Kung bakit gustong-gusto nating makita sa ibang tao kung sino at ano tayo...Kung bakit patok na patok ang PBB.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento