This is the way it should be...

Abr 7, 2008

Katatapos ko lang basahin ang Les Miserables ni Victor Hugo (pagpasensiyahan niyo na at hindi ko alam kung saan hahanapin sa keyboard ang 'e' na may kuwit sa itaas). Balak kong gumawa ng critical literary paper tungkol dun. Hindi naman sobrang kritikal, parang reaction/review essay. Informal siguro, basta. Para naman mahasa ko na ang sarili ko sa mga ganiyang bagay...

Natutuwa naman ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko napaka-optimistic ko ngayong bakasyon. Talagang desidido akong maging busy sa pagbabasa ng mga libro't nobela - na dapat lang naman kasi para sa isang tulad ko na nangangarap maging writer/manunulat (may pagkakaiba ba?), dapat maging aware din ako sa mundong gusto kong pasukin. Gets? Sana na-gets mo...

Argh...at sasanayin ko na ang paggamit sa imahinasyon ko. At sa tamang paggamit ng Tagalog! Nakakahiya kaya na nagkakamali ako sa spelling at tamang paggamit sa mga salitang Tagalog. May pagkabalbal kasi yung Tagalog na alam ko. At aaminin ko na, mas sanay ako sa Taglish noon.

Dapat ganito, oo. Para naman kahit na hindi ako lumalabas ng bahay, may progreso ang buhay ko. Kaya lang, gusto ko sanang magbakasyon mag-isa. Alam kong imposible yun, pero pakiramdam ko mas magiging focused ako kung gagawin ko ang lahat ng ito nang malayo dito sa bahay, sa mag bagay na nakasanayan ko na. Gusto kong pumunta sa isang lugar na maganda at hindi ko pa napupuntahan kailan man. Para na ring self-exploration through nature. Siguro sa isang probinsiya na talagang walang kinalaman sa buhay ko. Ang pangunahing lugar na nasa isip ko ay Laguna - hindi ko probinsiya ang Laguna, pero may kinalaman pa rin 'to sa buhay ko kasi taga-San Pedro yata ang girlfriend ng tito ko na si Tita Sweet.

Ok lang sa Pangasinan, basta sa may Pulong kasi modern na ang ambience sa Manaoag. Matagal-tagal na rin na hindi ako/kami nakakabisita sa Pangasinan. Tapos gusto kong makita ang takipsilim sa San Fabian o sa Lingayen (sa mga tabing-dagat). Uupo lang ako doon sa buhangin, at mag-iisip.

Gusto ko namang balikan ang Mount Samat sa Bataan. Napakaganda ng view doon. Field trip ko noong fourth year high school noong una at huli akong pumunta rito.

Nag-aaya naman ang Tito ko sa Puerto Galera, pero hanggang pag-aaya lang kasi mahal ang gagastusin kung sakali.

Sa Boracay? Ok lang, hindi pa naman ako nakakapunta roon. Ang problema ay baka imbes na makapag-reflect ako ay baka mawala pa ako sa focus dahil sa dami ng mga tao.

Hayan, sa ngayon ay may isusulat pa akong letter bago ko gawin ang reaction/review ko sa Les Miserables. Nakaka-relax lang mag-isip ng mga posibleng magagawa ngayong bakasyon.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger